Nagpaparinig ba kayo?

78 1 3
                                    

LINGGO NG WIKA

(kung nagtataka kayo kung mabilis ang timeline ko pasensya na po, ganito po talaga sa story ko ^_^)

Andito kami ngayon sa TLE Room kasi magtitinda kami at kami yung magluluto, yung leader nmin kasali sa ibang contest kaya ako muna ang asigned dito. Nga pla! Nakita ko si Past dun kanina! Sana magluto din siya! :")

Nagsimula na akong magslice ng patatas, actually camote fries lang nman eto pero wala lng masaya lang tlaga ako sa pagluluto dahil madali lng 'to, hahaha. Tapos, OHMAYGHAD! Sina Past at Kuya Christian andito! Gulay nakakakaba!

Bale tapos na akong mag-slice at kukuha na ako ng frying pan, Anak ng Pating! Si Past kukuha din! Pero syempre dahil nga mahal ko, yie, pinauna ko siya, ganyan talaga pag mabait.. hahaha.

Edi yun nagprito na ako, tas nung ilalagay ko na sa plato yung kamote fries..

"Aray!!!!!" napasigaw ako! kasi naman eh, nakalimutan ko bakal pala yung handle kaya umiinit, napaso ako malamang pero buti na lang tlga di natapon kung hindi! Nako po! Lagot ako!

Tas, pagkasigaw ko napatingin silang lahat, medyo namumula pa nga yung kamay ko eh, hahaha.

(A/N: Baliw ka na ba Xai? Napaso ka na nga natuwa ka pa? Adik? Adik?)

To nman si Author syempre masaya lng ako kasi nakatitigan ko si Past. :")

"Xai! Maghugas ka ng kamay mo para di yan lumala!" sabi ni Grace, kasama din kasi siya sa mga nagluluto.

Edi yun pumunta ako sa pinaka-malapit na sink, eh sakto ba nmang andun si Past kaya nang makita niya ako lumipat siya sa katabing sink. Habang naghuhugas ako, si Kuya Christian may tinulak si Past sakin, medyo nagulat din nga ako tas nag-yiee yung mga classmates ko, haha, mga adik! Wag kayo maingay bka mahalata! Buti di kami nagdikit kasi kung ganun.. hay nako baka nasa clinic na ako hahahah..

CSANPRISA 2011

(Sa mga di nakaka-alam, yung CSANPRISA po ay competitions ng different schools.)

Andito kami ngayon sa Covered Court kasi laban ng group namin ngayon, di ako kasali kasi group of dancers yan, di ako marunong sumayaw, hahaha. Ayun todo cheer kami at halos mapaos ako sa kakatili at kakasigaw. Hahahah! Katabi ko ngayun si ate Lyn, second year na medyo ka-close nila Past.

Tapos nang matapos na mag-perform lahat ng contestants tapos parang intermission na lng ngayon.. Andito sina Past ngayun pero andun sila sa ibang upuan, tapos nagulat ako kasi biglang..

"Ui Lyn! Musta?" sabi ni Ate Xaira, na kasama nila Past at ibig-sabihin andito din sila. Tpos tumingin ako para sure, tek! Andyan nga! Nakaupo sila ng medyo malapit samin, nakakainis! Ako na lng mag-isang dito wala yung classmates ko! Tapos pag umalis ako baka sabihin mataray ako o nilalayuan ko sila atsaka di narin ako makatayo kaya ayun no choice... haaiixxtt...

"Lyn diba kilala mo crush ni Angelo?" tanong ni Kuya Christian, sabay tawanan nila..

"Oo, bkit?" medyo natatawa din si Ate Lyn, amfufu naman eh! Nakakinis, bigla akong napalingin sa kanila ng di sinasadya! Bkit kaya? Baka mahalata ako! Nako po!

"Diba si ano yun, si.. Xai..ra.." psh.. nilagyan pa nang ra, hahaha, de joke lng.. kinabahan ako dun. Akala ko alam nilang crush ko si Past, buti na lng tinawag ako ni Anne, ligtas ako yes!! Hhahaha..

Kinagabihan sa bahay..

Andito ako sa kwarto ko, naiisip ng kung anu-ano, tsk.. bat kaya nila sinabi yun? Ano yun nagpaparinig?

~~~

Naku Xai! Kung di ka ba nman slow edi sana alam mo na ang sagot diyan.. pft.. SLOW MO! Whahaha!

Please read =)

Always support :)

Thank you for reading!

Please wait for the next update! <3

Crush ko si Past! *HIATUS*Where stories live. Discover now