Chapter 23

3K 22 14
                                    

Nagmulat ng mata si Slater, tila may naramdaman naman syang mabigat na nakapatong sa braso nya binaling nya ang paningin sa mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang balikat. Hindi pala bagay iyon kundi tao, si Tin nakaunan sa kanya at himbing na himbing sa pagtulog. Napangiti sya ng masilayan ang magandang mukha nito. Tila may ibang pakiramdam para sa kanya ang mamulatan ang mukha nito sa pag gising nya ng umagang iyon. Ilang saglit din nyang pinagmasdan lamang ito. Maya maya lamang ay kumilos na ito akala nya ay gigising na ito ngunit, sa halip ay isiniksik pa nito ang sarili nito sa kanya langhap na nya ang mabangong hininga nito. Napangiti naman sya lalo, sa halip na bumangon ay pumikit uli sya at niyakap nya pa ang dalaga. Para na silang bagong kasal at nasa honeymoon sila sa posisyon nilang iyon. Nakatulog uli sya habang yakap yakap ang dalaga.

 Kumilos si Tin at akmang babaling patalikod ng maramdamang may nakayakap sa kanya, dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata tumambad sa harapan nya ang gwapong mukha ni Slater, nakangiti pa ito habang natutulog. Napakalapit ng mukha nito sa mukha nya, naramdaman nya ang mga kamay nito na nakapalibot sa kanya. Nagulantang sya, tinanggal nya ang mga kamay nito na naka-akap sa kanya. Ngunit sa kasamaang palad ay di nya iyon matanggal tanggal parang kasing bigat iyon ng bakal. Maya maya lamang ay kumilos na ito at nagmulat, ng makita sya ay ngumiti ito sa kanya.

" Good morning, Princess!!" habang nakangiti at nag iinat na bati nito sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay nakawala na sya sa yakap nito pero hindi ito makakawala sa galit nya rito.

" Anong good morning!.. anong ginawa mo sakin?.." aniya rito at kinapa kapa ang sarili, wala naman syang nararamdamang kakaiba over acting lamang ata sya.. pero inis na inis sya sa kaharap nya. Pinalo palo nya ito ng unan sa inis.

" Hey, hey! ano ba wala akong ginagawang masama sayo nuh. Dapat nga ako ang magalit at kasuhan ka, ikaw ang unang umunan sa braso ko nuh. Hindi naman ako makakilos at ayaw kitang isturbuhin sa pagtulog kaya inakap na lang kita." paliwanag nito habang sinasangga ang pag papalo nya ng unan rito. Saka lamang sya tumigil sa tinuran nito.

" Ang kapal mo nuh, di ko gagawin yun." aniya rito at humalukipkip na.

" For your info, ginawa mo na. Ginawa mo kong unan tapos ikaw pa may ganang magalit diyan?.." ani Slater sa pasungit na paraan.

" Sigurado ka, ginawa ko yun?.." tanong nya pa rito.

" Oo, sumiksik ka pa nga eh. At kung mabubuntis ka ng dahil sa pag yakap ko lang sayo eh, willing naman ako panagutan ka." dadag pa nito na halatang iniinis sya at ngumisi pa ito.

" Bastos!! tseeh!!.." aniya rito at binato ito ng unan. 

" Anong bastos dun?.." tanong naman nito sa pagmamaang maangan na tono nito.

" Wala!!. tabi." tumayo na sya at bahagyang tinulak ito dahil nakaharang ito patungo sa comfort room.. nag mumog at naghilamos sya. Samantalang ito ay nag cardio panumandali sa loob ng Cabin nila. Pagkatapos nya sa CR ay tinanong nya ito. " Mga anong oras tayo makakarating doon?." tanong nya rito habang nagpapawis ito.

" Mga 3 to 4 ay andun na tayo." sagot lamang nito at ipinag patuloy ang ginagawa nito. Alas otso pa lamang ng umaga may walong oras pa bago sila makadating doon.

" Wala kang balak mag almusal?.." humupa na ang inis nya rito. Para namang nagulat ito sa dating ng tono nya.

" Mamaya na mauna na kayo." tipid na turan naman nito.

" Okay, just follow us if you want. Pupuntahan ko lang sina Collete at Georgy." tukoy nya sa mga kaibigan. Tumango lamang ito at pinagpatuloy ang ginagawang pagpapawis. Pinuntahan nya ang mga kaibigan mukhang tulog pa ang mga ito. Nagpasya syang bumalik na lamang ng Cabin, mamaya na lang sya kakain pag may kasama sya. Nagtataka naman si Slater kung bakit bumalik sya agad.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now