Start

236K 4.9K 1.8K
                                    

Nine years earlier...

As soon as my daddy opened up the car door, lumawak ang ngiti sa mukha ko. I jumped out of the car and my three inch heels clinked on the tiles. Tumakbo ako papasok ng malaking bahay ng mabilis na mabilis. Sinubukan akong tawagin ni mommy para sabihan na wag tumakbo dahil baka madapa ako but I didn’t care.

Nakita ko si tita Vanessa na may dalang juice na nakapatong sa tray. My eyes twinkled.

“Tita! Where is he po?” napahinto si tita sa ginagawa niya at napatingin sa akin.

Tumawa siya. “Well, hello to you too Maxie!”

“Tita, where is he! I need to see him now!” sigaw ko at napatawa naman siya sa akin. Bakit niya ba ako tinatawanan?

“He’s with his cousin, nasa pool side.” I squealed.

“Thank you po!!!” ipinagpatuloy ko ulit ang pagtakbo ko, at this time papuntang likuran ng malaking mansion. I haven’t even stepped out of the house pero nakita ko na agad si Grant at ang pinsan niya na si Rush. Nakatayo sila sa may labas.

Biglang lumakas ang heartbeat ko at parang naging jelly ace sa lambot ang tuhod ko. It has been two years since I last saw him. Pumunta kasi siyang states para doon magstudy kasama ang pinsan niya. Sinubukan ko naman kulitin si daddy na gusto ko mag-aral kasama siya but my daddy doesn’t want me to go to states dahil wala daw magbabantay sa akin. Kahit na sinabi ko sa kanya na I can take care of myself. Hindi na ako baby! I’m wearing heels and I’m already nine years old! Sabi ni mommy I’m a big girl na daw!

“Honey!” sigaw ko at napalingon naman silang dalawa sa akin. Parehong blangko ang mukha nila nang makita ako pero hindi pa rin natitinag ang smile ko. My mommy says I should always smile kasi I look prettier kapag I smile at all times.

“Maxie.” bati niya sa akin at bigla naman akong namula. Tumakbo ako patungo sa kinatatayuan niya at matapos ay ipinulupot ang braso ko sa leeg niya para bigyan siya ng kiss.

Narinig ko na pinsan niya na naggasp pero hindi ko siya pinansin at pinilit gayahin ang nakita ko sa television na nagki-kiss. I thought he was kissing me back pero nagulat ako nang tinulak niya ako palayo sa kanya. I fell on my butt.

“Grant!” narinig kong sigaw ni Rush pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at tinitigan lang siya.

“Why did you kiss me?” he asked.

“Because I like you. Sabi nila if you like someone, you need to show them.” taas noo kong sabi dito.

Mean for You (Mean #1) (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon