16

4 0 0
                                    

I can't believe this!May kaakbay na babae si Evans!Hindi!Hindi maaari!

"Hoy, gaga chill," bulong ni Jed sa akin.

Lumapit na sina Evans at ang babae niya sa inuupuan namin.

"So siya nga si J.E Agatha," sabi ni Jeremy.

"I know him.C-classmates kami," tsaka inisang lagok ko ulit ang alak na nasa baso ko.

"Woah!Small world!Hindi na pala kailangan ng getting to know e!"

"Pakilala mo naman ang kasama mo Evans," at nakipag fist bump si Chest sa kanya.

"May girlfriend ka na pala e," sabay tawa ni Kane na nakipag fist bump din.

Naririndi ako sa mga naririnig ko!Ako lang dapat!Hindi maaari!Sino ba itong babaeng kasama niya?Kung makakapit kay Evans parang linta!

Pinasadahan ko ng tingin ang babae at nagulat ako dahil siya ang babaeng katabi ni Evans kanina sa klase ni Mrs.Agtina! Kala mo naman maganda, kinapalan lang ang make-up!Tapos ang tube niya?Halos iluwa na nito ang buong katawan niya.

Bigla akong napatingin sa damit ko.Off-shoulder lang ito tsaka naka high-waist reap jeans lang ako.Kailangan ko na bang mag change costume?

"Yang titig mo girl," bulong ni Jed.I just gave him a death glare.

Tinignan ko si Evans na nakatingin din sa akin pero agad na nag-iwas ng tingin.

"Meet Mickaela, a friend," pakilala ni Evans.

Mabuti naman kung friends lang!

"Woah, akala namin nagtino ka na," pambibiro ni Kane sa kanya.

"Ulol!" at tumawa sila.

Hindi ko maiwasang hindi tingnan si Evans kasi wow!Talagang mapapanganga ka sa ayos niya ngayon.Nothing special bukod sa nakasuot siya ng V-neck shirt na grey na fitted na talagang bakat ang abs,blackpants, at nakabrush up na buhok.Simple lang pero maglalaway ka talaga!

"So, how did you know Jed and Agatha?" tanong nung linta sa mga kaibigan ni Evans.

"Kanina lang," Jeremy said snd just shrugged.

Dahil naiinis ako sa lintang 'to, tumayo ako at nagpunta sa dance floor.Tutal mukhang may tama na ako kaya mas ma-e-enjoy kong magsayaw.

Saktong ang paborito kong Party in the USA ang tugtog.

Nagsimula na akong gumiling at sumayaw sayaw.Woah! I feel so free! Ayoko munang bumalik dahil mab-badtrip lang ako kay Evans at ng linta na yun!

Habang tumatalon ako, biglang may lalakeng sumulpot sa harapan ko.

"JEREMY!!" sigaw ko para marinig niya.

He just smiled at me at nagsimula na ding sumayaw tulad ko.Woah!Magaling din pala ito!

"Enjoying the night?" he asked me.

"YEAH!VERY!!"

Tumawa lang siya.Bakit ang gwapo ng isang ito!

"HALATA NGA!" sigaw niya at tumawa lang ako.

Biglang nag-iba ang music at napunta sa slow na kanta.Nakita kong umayos ang mga nasa dance floor at kanya-kanyang hila ng partner.

Hinila ko din si Jeremy na ikinagulat niya.

Bakit?Ewan.Baka sakaling magselos si Evans.

"Easy there!" tawa ni Jeremy kaya nakitawa na din ako.

Hindi pa naman Valentines pero ang background music e "My Valentines"

Gusto ko ng masuka pero kailangan kong magtiis para pagselosin si Evans.Nawawalan na ako ng pag-asa dahil konti nalang, matatapos na ang kanta pero wala pa ding Evans na furious at hihilain ako sa--

"Agatha," a hand grab me by the arm at agad akong hinila mula kay Jeremy.Nagulat ako hindi dahil sa impact ng paghila kundi dahil sa taong humila sa akin paalis sa dance floor,palayo kay Jeremy.

Si Evans.

But with you, there is no escapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon