Change of plans

128 4 2
                                    

Change of Plan

"Damn! Alex, ano na namang ginagawa mo rito? Ilang beses ko bang dapat ipamuka sayo na wala na tayo! Na tapos na tayo!!"

Shit. Eto na naman sya. Tinatakwil na naman nya ako. Nakaluhod nako sa harapan nya ngayon pero parang wala lang sa kanya.

"Chad, please. Let's talk. Please Im begging you, Chad." Nakaluhod ako't yapos yapos ang mga binti nya.

Halos wala na akong makita dahil sa walang tigil na tulo ng mga luha ko. Bakit ba hindi nya ako maintindihan? Bakit ayaw nya akong intindihin?

"Haha. Wow. Look at you now. Well, alam kong sobra ka ng nagsisisi. Dapat lang sayo yan! Isa kang makating babae na hindi marunong makuntento sa isa. Am I not enough huh, Alex? Kating kati ka na ba kaya ka pumatol sa iba? Damn! Nakakadiri ka!"

At pagkatapos nyang sabihin yun ay hinila nya ako ng marahas dahilan upang mapatayo ako!

"Chad, Im sorry. please! I know nagkamali ako. Pero Chad, pinagsisisihan ko na yun! di ko kayang mawala ka! Nagawa ko lang yun dahil natukso ako! Wala --"

"Fuck! Tangina Alex tama na! Ayoko ng marinig! Sawang sawa na ko! Ako na nagmamakaawa sayo. Tantanan mo na ako! I wanna live a peaceful life. A peaceful life without you!"

Tinulak nya ako palabas ng kwarto nya. Pero di ako nagpatinag dahil niyapos ko sya. Nagulat sya sa ginawa ko kaya tinulak nya ako kaya napaupo ako sa sahig.

"Please Alex. I cant take it anymore. I dont love you anymore. So please, tigilan mo na ako. Ayoko na."

At pagkatapos noo'y sinara na nya ang pinto. Naiwan akong tulala. Eto ako ngayon nakatulala sa pinto nya. Walang tigil pa rin sa pag agos ang luha ko.

Ayaw na nya? Okay fine! Pero di ako papatinag. Di ako susuko!

Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko. Mapapasaakin ka uli Chad. Tandaan mo yan!

"You'll be mine again, Chad! Even if you dont like it. You'll be mine again!!"

I know he heard me and that's enough for now.

After I said those words I left their house with a smile on my face. May naisip na kong paraan para mabawi sya. Humanda ka Chad.

----

"Good morning manang fe! Wow. Paborito ko to manang. Dito na po ako kakain. Si Chad po gising na?"

Nakita kong naghahain ng pagkain sa mesa ang matanda. Well, ano kayang mangyayari ngayon? Gusto kong makita ang reaksyon nya pag nakita nya ako dito sa dining nila.

Kung nagtataka kayo kung bakit ang aga ko dito iyon ay magkapitbahay kami ni Chad. Ilang bahay lang ang layo ng bahay nya samin.

"O-oo, ija, gising na iyon. Naku magagalit na naman iyon dahil nadito--"

Nakarinig ako yabag. Napangiti ako. Nandito na sya.

"Manang, ready na ba ang breakfast--" Natigilan ito ng makita nya ako. Pero agad din syang nakabawi sa pagkakagulat.

"Argh! Ano na namang ginagawa mo rito ha? Ilang beses ko na bang sasabihin na tigilan mo na ko? Bakit ba ang kulit mo?!"

"Eto naman umagang umaga ang init ng ulo. Tumigil ka na nga dyan okay? Tara na kain na tayo."

Mukang nagulat sya sa sinabi ko.

Akala nya siguro iiyak na naman ako't magmamakaawa sa kanya na lagi kong ginagawa noon. Naka isip ako ng bagong paraan. Sana ay mas effective ito.

Natameme sya saglit pero nakabawi rin sya agad.

"What the hell? And who gave you the permission to eat here? The last time I check is meron kang bahay at siguro nama'y may pagkain kayo? Dont be ridiculous, Alex! Ang kapal naman ata ng muka mo?" nakapamewang pa sya ng sinabi yan.

"Anong masama doon? Aba. Ubod na nga kayo ng yaman magdadamot ka pa ng konting pagkain? Ang damot mo naman."

Ngumiti ito ng nakakaloko.

"Youre really turning me off. Una, makati ka na tapos ngayon dito ka pa kakain. Ano ka? Pulubi? Pinapababa mo lang ang sarili mo Alex. Magtira ka naman ng konting hiya." pagkatapos noo'y umupo na ito at nagsimula ng kumain. Para lang akong tanga na nakatayo.

Pero dahil di ako papatinag, umupo na rin ako sa tapat nya. Nagulat naman ito at tinitigan ako ng masama.

"what? wala akong pake sa mga sinasabi mo. gutom na ako saka gusto kitang makasama sa pagkain. Kahit ngayon lang."

"Damn! Youre impossible! Paano mo ito nagagawa?!" halatang inis na inis na sya kaya nahataw na nya ang lamesa.

"Geez. Pwde ba? Kakain na muna ako. Mamaya ka na manermon. Nasa harap tayo ng hapagkainan. Masama yang ginagawa mo."

pagkasabi ko noon ay tinignan nya ako ng masama. Yung kulang na lang ay patayin na nya ako sa tingin nya. Nakakatawa sya! Haha! Pero since mukang ayaw na nyang makipagtalo ay di na ito sumagot, instead, kumain na lang sya.

Gosh! Improvement to! Ngayon lang sya kumalma. Looks like effective ang method ko.

Operation: Make Him Mine AgainWhere stories live. Discover now