Chapter 44

262K 5.1K 1K
                                    

Chapter 44

Andy's Point of View

Nandito ako ngayon sa bahay ni Dave. Ilang oras pa lang na galit sa akin si Dana, nagkakaganito na ako. Paano pa kaya pag hindi niya ako pinatawad?

Nakita ako ni Dave na papasok sa bahay nila kaya sinalubong niya ako, "Kamusta?"

Nginitian ko lang siya, "Inom tayo?"

Mukhang naintindihan naman niya. Sabay na halos kami lumaki kaya malamang alam niya na yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito, "Sige ba. Sa garden tayo."

Lumabas kami sa garden tapos nagpadala siya ng beer sa katulong nila.

"Galit ba?"

"Hindi nagsasalita. Mas natatakot ako," seryoso kong sabi sa kanya. Totoo naman, mas gusto ko pa kung sinipa o sinuntok niya ako. Pero hindi niya ako kinakausap! Mas natatakot ako.

Tumango tango lang siya, "Dave, ano'ng gagawin ko? Natatakot ako."

"Hindi ko alam."

Hindi kami nag usap, uminom lang kami, "Salamat nga pala," sabi ni Dave.

Tinignan ko lang siya, "Para san?"

"Kay Cyriel. Salamat kasi kahit alam mong magagalit si Dana sa'yo, ginawa mo pa din," sabi niya tapos nginitian ako. 

Binato ko siya nung can ng beer, "Ang bakla mo, Dave." Tapos tumawa ako. Sige lang, itawa mo lang yan, Andy.

Tapos inismidan niya ako, "Buti naman tumawa ka na. Nga pala, nasan si Dana?"

Natahimik naman ako, "Hinatid ko siya sa bahay nila kanina."

"Sa tingin mo ba kakausapin niya si Cyriel?"

"Malamang."

"Eh ano nang balak mo?"

"Wala. Ayoko nang magplano baka masaktan lang ako. Bahala na."

"Eh paano pag binalikan niya si Cy?"

"Ewan. Wag mo na nga akong tanungin. Leche lang," tapos uminom na ako ng beer.

"Suggestion lang, Andy. Kay Nof ka na lang," sabi ni Dave sabay buga ko ng iniinom ko.

"Tang," nabulunan ako, "Nyeta naman, Dave. Gago ka ba?!"

Biglang tumawa, "Hahaha! Grabe ka namang magreact, Andy. Kaya nga suggestion eh."

"Nyetang suggestion yan."

"Bakit? Maganda naman si Nof ah!"

"Bakit? May sinabi ba akong pangit?"

"Eh bakit sobra ka namang magreact?"

Aish. Bakit ba ang kulet kulet ni Dave ngayon? Ako pa tuloy ang napag tripan.

"Kadiri kasi. Please lang, Dave. Wag mo nga akong ireto sa bestfriend mo. Tss."

"Better be prepared. Feeling ko, iiwan ka na ni," binato ko ulit siya, "Aray naman. As i was saying, pag nagkausap sila ni Cyriel, iiwan ka na ni Dana. Being a good friend that i am, naghahanda lang ako ng safety precautions. Afterall, ikaw pa din si Andrei Louie Guzman."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Dave. Oo nga pala, nakalimutan ko na, ako nga pala si Andrei Louie Guzman. 

"Buti naman at ngumiti ka na, kailangan pala binobola ka pa."

"Lul."

"Thanks," sabi niya, "So ano? Iddedate mo na si Nof?"

Binatukan ko siya, "Ang kulit mo."

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon