Chapter 4: New Friend

2.5K 40 0
                                    

Chapter 4: New Friend

CELINE

Buti nalang dumating sila Skenzer, Phyx, Kaila at Kaiyah at pinunasahan ang slime na nabuhos sa katawan ko.

Habang pinupunasan nila ako ay tumutulo ang luha ko at hindi ko na kinaya yung kahihiyan at tumakbo na ako papunta sa isang bench sa likuran ng isang 4 storey building.

Umupo ako sa upuan na gawa sa semento at pinunasan ang mukha at uniform ko gamit ang panyo nila Phyx, Skenzer, Kaila at Kaiyah.

Umiyak lang ako ng umiyak kasi ang sakit lang na parang hindi ako welcome sa Fate U. Na unang araw palang eh parang ngayon palang eh mas pinapahirapan na ako para sumuko na ako

Hindi ko naman siguro deserve yung ganitong pamamahiya kasi wala naman akong ginagawang masama diba?

"Miss, anong nangyari sayo?"tanong ng isang lalaki.

Iniangat ko ang paningin ako nanlaki ang mata ko sa lalaking nagsalita. OMG! Ang gwapo nya

"Miss? Okay ka lang ba?"nabalik ako sa wisyo ko nang iwinave nya ang dalawang kamay nya sa harap ko

"A-ah, oo naman, okay lang ako"sagot ko.

"Napano ka at ganyan itsura mo?"tanong nya

"Ahh, nabuhusan kasi ako ng slime kanina sa hallway eh"malungkot na sabi ko

"Oh? Sino naman may gawa sayo nyan?"tanong niya.

Hindi ko alam pero may hinala ako na Revenge ni Mr. Freak, ito

"Siguro yung nakaaway ko kahapon"bigla ko nalang nasabi

"Sino?"tanong ni Mr. Gwapo

"Yung nakaaway ko kahapon kasi pinagtanggol ko yung kaibigan ko kasi pinaalis nalang nya bigla sa upuan at hinila nya basta-basta"sabi ko

"Anong pangalan?"tanong niya

"Si Jad, yung anak ng may-ari ng Academy"sabi ko

"Si Jad?!"gulat na sabi niya.

"Oo, teka kilala mo siya?"tanong ko

"Yes, ako nga pala si Rico Hernandez, nice to meet you"sabi niya. Nagulat ako siya pala yun?

"Celine, bago lang ako dito. Nag-transfer ako from Bulacan State University, at unang araw ko dito ngayon kaso, ito yung nangyari"malungkot na pagpapakilala ko

"Bakit ka nga pala nandito? Sabi nila Reina nasa Seoul ka?"tanong ko

"Oh, kilala mo pala sila Reina. Anyway, kaya ako nandito kasi kaeenroll ko lang. Mas gusto ko kasing dito nalang ako para makasama ko sila Jad"sabi niya

"Bakit ba ang sama ng sapi nung Jad na yun? Mababait naman ang nga kapatid niya ahh? "Tanong ko

"Actually, nag-iba yung ugali niya nung nag-break sila ni Ella. Mahal na mahal nya yun eh, hindi niya kinaya yung sakit kaya siguro nagbago siya"sabi ni Rico

"Alam mo ba? Sobrang bait at laging nakangiti si Jad noon. Kaso dahil nga sa nangyari eh, naging cold na siyang tao at walang pakialam sa iba. Feeling niya kasi lahat ng babae eh sasaktan at iiwan siya kaya ayun, naging woman hater siya"dagdag ni Rico

My Freak Husband And IWhere stories live. Discover now