Chapter 3: It's payback time!

2.8K 48 0
                                    

Chapter 3: It's payback time!

CELINE





















Maaga akong nagising para dahil unang araw ko sa Fate University

Sana naman maging maayos naman! Naalala ko na naman yung ginawa ko sa anak ng may-ari ng School at tagapagmana pa!

Naku! Tototohanin kaya niya yung banta nya na aalisin niya ako sa Scholar Students? Patay na!

Bakit ba kasi hindi ko napigilan yung sarili ko na ipagtanggol si Reina eh? Tsaka oo nga, tama lang yung ginawa ko kasi mali naman yung ginawa nyang pambabatos sa amin na paalisin nya kami kahit na nauna kami sa table na yun. Tsss...hindi porket anak siya ng may-ari eh may karapatan na syang gawin yun no?

Ay basta! Ayoko nang makita yung buwisit na yun, kundi iiihaw ko yung bituka nun!

Naghanda ako para pumasok at sa wakas maaga naman akong natapos kaya ayun hindi ako naabutan ng traffic.

Siya nga pala sa apartment na ako tumitira. Yung bigay ni Miss Kassey? Grabe ang bait niya talaga. At sa Fate U lang ako nakakita na hindi uso ang dormitory sa mga Scholar Students nila dahil may tig-iisang apartment ang mga Scholar na kagaya ko. Hay, mayaman nga naman.

Ito ako ngayon naglalakad sa pathway papunta sa Room 12, doon kasi ang assigned room ko.

Habang naglalakad ako eh pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng mayayaman.

Siguro dahil sa nangyari kahapon, eh?

Tsss...yung ibang babae na yayamanin, eh pa huwarang estudyante ang dating eh.

Bakit? Naka-uniform nga pero pang-club naman ang dating ng skirt kasi isang dangkal nalang eh kaluluwa na nila ang tatambad sayo. Ganito ba talaga sa Manila? Paiksian ng suot?

Hindi ko nalang pinansin kasi narealized ko na nasa tapat na pala ako ng Room 12 at shocks! Late na ako! Akala ko ba 7:30 ang start ng klase eh 7:15 palang ahh? Nandito na pati yung Professor

"Hi Miss Gomez, right? Here's your I.D. Come in"sabi ng Professor na nasa pinto at inabot yung I.D sa akin, siguro nasa 26 palang sya kasi ang ganda nya at mukhang bata pa sya, mabait pa!

Nakayuko akong pumasok at sa Professor papunta sa harap

"Hi Miss Gomez, call me Miss Santos. I'm your Professor for the first period and I'm glad to meet you"sabi ni Miss Santos

"Nice to meet you din po, Miss Santos"sabi ko

"Kindly introduce yourself, Miss Gomez"sabi ni Miss Santos

"Hi everyone, I'm Celine Ali Escalante Gomez. I'm from Bulacan and my previous School was in Bulacan State University, nice to meet you all"sabi ko at ngumiti lalo na kila Reina.

Nginitian din ako nung mga kaibigan ata ni Jad ganun din noong iba pang classmates ko.

"Okay Miss Gomez, sit besi---"putol na sabi ni Miss Santos kasi pumasok ang isang lalaki na naka-shades at naka black cap.

"Good morning, Sir"sabi ni Miss Santos at nag-bow . Tinanguan lang siya ng lalaki.

"Okay Miss Gomez, sit beside him"utos ni Miss Santos at naglakad ako papunta dun sa kapapasok palang na lalaki na hanggang ngayon eh naka-shades pa rin

"Excuse me po, pwede po patanggal nung bag nyo? " tanong ko

Inalis niya yung cap niya pati na rin ang shades nya at humarap sa akin. Nanlaki pareho yung mata namin sabay turo sa isa't-isa at sabay sabing...

My Freak Husband And IWhere stories live. Discover now