•Seven•~ You're Back

13 3 1
                                    

Nang matapos ang flag ceremony na akala ko ay di na matatapos sa haba ng speech ng principal ay agad kaming pinapunta sa classroom namin.Medyo malayo ang lalakarin namin pero okay lang para malibot din namin ng konti yung school.

Hufflindor University.No wonder my bestfriends really want to study here.It was really big.Yung covered court nga e kasing laki ng limang basketball court na pinagdikit-dikit.

Nadaanan din namin ang isang canteen na may sariling building na hanggang second floor.Napabilib ako sa yaman ng school na ito.

Tapos ang ganda ng kulay ng uniform.Pinaghalong blue,light green at white na stripes sa palda at may blazer na hanggang bewang lang na kulay gray naman.Syempre nakapatong yan sa blouse.

"Hey.May naamoy ako." Bulong ni Raffy sa kin ng makapasok kami sa building kung nasaan ang room namin.First floor lang room namin at tanaw ko na rin ang pinto kung saan nakalagay ang section namin.

Medyo binagalan namin ang paglalakad.

"Ano 'yun?" Bulong ko sa kanya.

"Blood."

"Aaaaaaaahhhhhhhh!"

Bigla naman kaming napatingin sa may pinto ng room na kung saan nakalagay ang section namin.Yung babaeng nakasalamin ang sumisigaw.

Tumakbo kami palapit sa room.Mabilis na rumehistro ang isang lalaking nakaupo sa sahig at nakasandal sa isang upuan na punong puno ng dugo ang katawan.Halos hubod hubad na rin ito dahil halatang pinagbubugbog.

"Rex? Rex!!" Biglang pasok ng isang babae na kapansin-pansin ang kolorete sa mukha sa room papunta sa bangkay ngunit mabilis siyang napigilan ni Raffy.

"Wag kang lalapit.Walang lalapit sa crime scene hangga't wala ang mga pulis. Tumawag na kayo ng pulis ngayon din." Halos pasigaw na sabi ni Raffy.

"Boyfriend ko 'yan! Bitawan mo nga ako!" Pagpupumilit ng babae na umiiyak na.

"Sallie!" Lumapit naman ang isang lalaki doon sa babae....na tiyak Sallie ang pangalan.Hinila niya ito palayo sa amin at yinakap.Tinitigan ko ang mga mata nito.

At kapansin-pansin ang....

"May rigor mortis na ang bangkay at naamoy ko ang natuyong dugo." Bigla akong napatingin kay Raffy na nakatingin sa bangkay habang nagsasalita.Nakasuot  ito ng reading glass na aakalain mong simple,pero pagsuot mo makikita mo sa malapitan ang kondisyon ng isang bangkay pero hindi pa ito maaring magamit sa mga autopsies..Di pa sya enhanced.

Inobserbahan ko rin ang bangkay gamit ang aking salamin.

"Dalawa hanggang tatlong oras na ang nakalipas ng mag set up ang rigor mortis kaya...." Tumingin ako sa relo ko. "..posibleng kaninang alas-singko pinatay ang biktima." Pagpapatuloy ko.

"Pero may kakaiba sa bangkay.Bakit siya nakaupo at nakasandal dyan kung pupuwedeng nakahiga siya o nakadapa?" Yan din ang kanina ko pa iniisip e.Marami siyang sugat sa harap at likod,halos buong katawan niya ay may pasa.Bakit siya nakaupo? Kadalasan natatagpuang nakahiga ang binugbog at sinaksak na bangkay.

Kung posible at kung tama ang hinala namin,nasa bangkay pa ang ebidensya na magtuturo sa suspek.

"Excuse me! Makikiraan." Dumating na ang mga pulis na tinawagan ng mga nakakita.Nandito na rin ang mga teachers at pinapabalik ang iba estudyante sa silid aralan nila.

"Sir." Tawag ko sa chief inspector ng mga dumating na pulis na inoobserbahan ang hallway pati ang mga bintana habang ang ibang pulis ay nasa loob na at ina-identify ang bangkay.Lumapit kami sa kanya.

"April?" Gulat niyang tanong.Medyo malayo na kami sa mga nagkukumpulang estudyante.

Kilala niya ako dahil sa CODE din siya galing.Siya ang nagsisilbing koneksyon namin dito sa distrito na ito.Si Chief Inspector Police Manuel Ferman.

Her Fragile Heart (On Going)Where stories live. Discover now