•Three•~It's Imposible

22 5 1
                                    

April

Nagising ako dahil sa sobrang lakas na katok na animo'y sisirain ang pinto ng kwarto ko.Tiningnan ko ang orasan sa tabi ng kama ko.5:23 pm na.'Di ko namalayang nakatulog pala ako sa pag-iyak.

Sa sobrang inis ko sa kumakatok ay tumakbo na ako papunta sa pintuan.Humanda sa akin kung sino yan.

"Ano ba?! Natutulog ako eh!" Napadyakakosa sobrang inis.Grabe kung makakatok.

"A-April,umiyak ka ba? Bakit namumugto yang mata mo?" Sina Sofia pala ito.Akala ko ba magtatagal sila 'dun.

"Madali kasi namin natapos yung ka-kaso." Malumanay ngunit may pag-aalalang pagsasalita ni Sofia.

"Ano ba nangyari sayo? Ang lungkot ng aura mo ah." Saad ni Zyljen.

Pinapasok ko sila sa kwarto ko.Si Zyljen naupo sa sofa ko at si Sofia naman ay tumabi sa akin sa kama ko.Napansin ko ang mga supot na nilagay nila sa sahig.Pagkain panigurado laman non.

"Naalala mo na naman ba si Isaac?" Sofia.Hindi ko pa nakukuwento sa kanila lahat ng tungkol kay Isaac pero alam nila na pinaghiwalay kami.

"Hindi.May bigla lang kasing nagtanong sa akin tungkol sa nakaraan ko." Sigh.A deep sigh."Tell me,Sofia,bakit ang hirap hirap kalimutan ng lalaking yun? Ang tagal na e." Pinipigilan kong tumulo na nama ang luha ko.

"Hindi ko man kilala yang Isaac na yan..." Seryosong sabi ni Zyljen." Alam ko kung bakit hindi mo siya makalimutan...Kase mahal mo pa siya.Hindi ka naman galit sa kanya e.Akala mo lang,pero glit ka talaga sa taong naghiwalay sa inyo.Kaya di mo sya malimutan kasi,hanggang ngayon nandyan siya sa puso mo.Sabi nga diba,hindi nakakalimot ang puso." Dagdag niya.Si Zyljen ba ito? Anong nangyari?

"Tagos! Nagmahal ka na ba,jenjen?" Tumatawang tanong ni Sofia.

"Nagmamahal ako ngayon." Tumigil sa pagtawa si Sofia sa sinabi ni Zyljen.Ilang segundo silang nagkatitigan.Titigan na parang may meaning.It's either hinahanap ni Sofia sa mata ni Zyljen kung sino ang babaeng mahal nito or gustong ipaalam ni Zyljen na si Sofia ito.Teka,may mind reading powers nga pala si Sofia.Nalaman niya kaya sagot?

"Ah ta-tara.Kain tayo ice cream,April.May binili ako para sa'yo." Tumayo si Sofia at may hinalungkat sa mga pinamili nila.Tiningnan ko si Zyljen na nakatingin sa bintana ko.

"Ito na! At ito para sa akin." Biglang tumalon si Sofia sa kama ko at binigay ang isang bowl na punong puno ng ice cream.My favorite chocolate flavor.

"Nga pala.May bago akong kakilala.Pinakilala sa akin ni Dad.Isa siyang elite.Raffy pangalan niya.Pakilala ko kayo mamaya." Sabi ko sabay subo ng isang kutsarang ice cream.

"Raffy? Gwapo ba?" Sofia talaga.Kahit kailan.

"Di naman masyado.Maputi sya.Saka mukhang mabait." Napatango-tango na lamang si Sofia.

"Tss.Hindi gwapo,maputi lang,tapos MUKHANG mabait lang." Singit ni Zyljen.He gave emphasis to the word mukhang.Selos na naman ang mokong.Ma-hot seat nga ito mamaya.

"Pakialam mo ba?!" Sigaw ni Sofia sa kanya.

"Buti na lang ako,gwapo,di man kaputian,gwapo pa rin,tapos mabait pa.Tss.Saan ka pa? Diba April?" Silence.Pinipilit ko lang wag matawa,tiningnan ko si Sofia.Walang kaemo-emosyong si Sofia.

Her Fragile Heart (On Going)Where stories live. Discover now