Chapter 1

116 2 1
                                    

     Isang araw, habang gumagawa si Jonald ng panibagong Love Story sa Wattpad, nakatulog siya sa harap ng computer niya. Marahil siguro sa sobrang pagod niya sa paggagawa ng Nobela at Web-toon. Habang natutulog siya, napaniginipan niya ang mga nangyari sa kanya bago siya nagkaroon ng amnesia. Lahat ng maliligayang araw niya nung nagsasama pa silang dalawa ni Taeyeon. Namamasyal sa Luneta Park. Sabay na nanunuod ng sunset sa Manila Bay. Naghahabulan sa loob ng mall. Bumibili ng ice-cream sa Ice Cream House sa UE. At higit sa lahat, kinantahan niya si Taeyeon ng Nothings Gonna Change My Love For You. Pagkatapos niyang kumanta, nangako sila sa isa’t isa.\

“Taeyeon, pangako ko, kailan man di kita makakalimutan. Lagi ka nasa puso ko. Lagi kitang iibigin.”

“Jonald, pangako ko, ikaw lang ang aking iibigin at wala nang iba.”

“Saranghaeyo, Taeyeon.”

“Saranghaeyo, Jonald”

At nagising si Jonald mula sa pagkaidlip niya na may kasamang malaking pagtataka. Para bang walang alam sa mundo. Di niya naintindihan kung ano nangyari. At dahil nga naka-amnesia siya, hindi niya alam na ang panaginip niya ay talagang nangyari sa totoong buhay niya. Ang alam lang niya, kapag nakatulog siya at pag-gising niya ay ganoon pa rin panaginip niya, sinusulat lang niya sa Wattpad niya o kung hindi kaya, ginagawa niya ng webtoon.

“Krriinnggg!!!!”

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Inangat at sinagot ni Jonald ang cellphone.

“Hello?” Tanong ni Jonald.

“Uy, uy, uy, Master JO! Musta ka na?” Sabi ng boss niya si Gino.

“Ok lang…”

“Wag mo sabihin nakatulog ka na naman sa ginagawa mo? Sus, wag puro tulog. Tandaan mo, February 20 na ngayon. Malapit na mag March 9. Kailangan within first day of March tapos na yung graphical novel mo. Tandaan mo, pupunta pa tayo sa CCP para ipakita yung mga graphics sa loob ng graphical novel mo.  Kaya kailangan mo bilisan diyan. OK.”

“Opo, boss.”

“By the way, si Khim, yung katrabaho mo, nagyayaya pumunta sa bahay nila. Mga 9:00 p.m. Gusto mong sumama?”

“Sige po.”

“Sige, sabihin ko na sa kanya. JO, pagbutihin mo. Inaasahan kita. Sige, Bye!”

At binaba na ni Jonald ang cellphone.

"Ano ba yan! Anong oras na ba ngayon at tumawag pa si boss.” Sabi ni Jonald sa sarili niya at sabay tingin sa orasan.

“7:05 na nang gabi, tumawag pa. Tuloy ko na nga lang ang ginagawa ko at pupunta pa ako mamaya sa bahay ni Khim.”

8:00 p.m.

“Hay, pagod na ako. Save ko muna tong ginagawa ko.” Sabi ni Jonald.

Pagka-save ng kanyang ginagawa sa computer, sabay patay ng computer at tingin sa oras.

“Hala! 8:00 na pala. Pupunta pa pala ako ngayon kay Doc. Tan para masuri yung pakiramdam ko.”

At umalis agad si Jonald sa bahay niya at dumeretso sa clinic ni Doc. Tan.

Habang naglalakad si Jonald papunta sa kabilang kanto kung saan naroon ang clinic ni Doc. Tan, makaramdam siya ng matinding hilo at sakit ng ulo. Kaya nagmadali na siyang naglakad papunta sa clinic.

Sa clinic ni Doc. Tan.

“Evening po Doc.” Pabati ni Jonald.

“Oh! Dumating ka rin sa wakas.” Sabin i Doc. Tan.

“May balita na po ba kung bakit laging ganito yung pakiramdam ko.”

“Isang oras ka lang kung mag-computer at nagpapahinga ka rin right?”

“Opo. Pero bakit ganun pa rin. Basta lagi siyang ganun, bawat tulog ko, tapos pag-gising ko, lagi na lang akong nahihilo o minsan nagsusuka pa.”

“Wala naman akong nakikitang dahilan kung bakit ganyan pakiramdam mo. Siguro kaya lang ganyan, dahil siguro sa aksidente na nangyari sa iyo. Speaking of na nangyaring aksidente. May naalala ka ba kung anong nangyari sa iyo bago ang aksidente?”

“Wala pa rin po eh…”

“I see. Eto nga pala yung gamot mo para mawala yung pagsusuka mo at yung pagkahilo mo.”

“Salamat po.”

At umalis na si Jonald sa clinic at bumalik na sa bahay si Jonald.

Sa bahay ni Jonald

“Inom muna ako ng gamot bago pumunta sa bahay ni Khim.”

Pagkaatapos niyang inumin ang gamot, pumunta siya sa kwarto at nagbihis at pagkatapos pumunta siya sa may garahe at nagdrive papunta sa bahay ni Khim.

Sa bahay ni Khim.

“Sa wakas, nakarating din si Master!” Pasigaw na sabi ni Gino.

“Uy, Jo, tara inom tayo.” Sabi ni Khim.

“Soju?” Tanong ni Jonald.

“Syempre. Ang favorite natin” Sabi ni Khim.

Makalipas ng ilang oras, silang lahat ay lasing na. Tumayo si Jonald.

“Uy… Master… San.. Pu…nta mo??” Nauutal na sabi ni Gino.

“Sa CR lang. Maghuhugas lang ng mukha.” Matinong sagot naman ni Jonald.

At pumunta si Jonald sa kubeta.

Sa CR…

Pagkatapos niyang maghugas ng mukha na payuko, pag-angat ng mukha niya, tumingin siya sa salamin, pag tingin niya, may hiwagang naganap sa kanya. Pagkatingin niya sa salamin, sabay punas ng mukha niya at sabay labas ng CR. Pagkalabas niya sa CR, ibang bahay na ang bumungad sa kanya.

My Unforgettable Love Story [ON-GOING]On viuen les histories. Descobreix ara