Previous Page of 5Next Page

Served On A Sizzling Plate [SPG]

Dedicated to
Ishtrish
spinner.gif

Author's Note: I guess this is a very lame update. Btw, enjoy pa den. hihi


>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Thirteenth Serving = Moving Closer

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

 

Pagkagising ko ng umaga, wala na si Alex. Walang note, walang kahit na anong pasabi. Kahit anong pigil ko sa utak ko, kung anu-ano pa rin ang pumapasok dito. Kesyo hindi na ako mahal ni Alex kasi meron ako ngayon. Syempre nga naman. Wala siyang mapapala ng tatlong araw sa akin. Mahal niya nga ako, sabi niya. Why not? We compliment each other in bed. We are sexually compatible. Marami na siyang naituro sa akin. Siguro he told me that he fell in love with me so that he can use me all over again.

 

Tinuktok ko ang ulo ko ng kamay ko. The two attempted rapes before doesn't mean I should doubt Alex' feeling for me. Hindi fair na dapat ko na lang siyang pagdudahan. Nararamdaman ko rin naman na mahal na talaga niya ako.

 

Naligo na ako at nagbihis na. Uminom muna ako ng kape at nagdecide na umalis ng bahay. Bibisitahin ko muna si Elena, matagal na kaming hindi nagkikita eh.

 

Sumakay na ako ng taxi at pumunta sa university na pinasukan ko dati.

 

Pagpasok ko, tinanong ako nung guard kung sino ang pakay ko at anong relasyon ko sa kanya.


"Elena Marice Gener. Accountancy, 2nd year. Pinsan ko siya." Hiningian ako ng guard ng ID ko at pinapasok na ako.

 

Alam ko naman ang daan papuntang room nila kasi one year din naman akong nagstay dito sa university na ito. Hindi ko naman maiwasan ang ibang kakilala na nginitian ko na rin lang.

 

Then I found Lena. Nasa lockers siya, may hinahalikwat yata. I poked her arm.

 

She looked back and she saw me.


"TORIII!" impit na tili niya sabay yakap sa akin. Binitawan niya ako pero hawak hawak pa din niya ang braso ko. Ngiting-ngiti ang bruha. "Kamusta na? Sa'n ka ngayon nagstay? Grabe! Namiss kita!!!"

 

Napangiti na din ako sa nakita sa mukha niya. "Okay lang naman ako. Eto, nag-iipon para makapag-aral ulit."

 

Lumungkot naman ang mukha niya. "Buti na lang umalis ka na pagkatapos nun."


Ngumiti na lang ako sa kanya.


"Wala na nga pala dito sina Lovely at Leslie."


"Huh? Bakit?" Bakit naman umalis na ang dalawa?

 

"Nagkaproblema sa kompanya niyo. Kahit maganda ang pagmamanage ni kuya Vinn, hindi niya alam, marami na palang naibentang stocks ang papa niyo. Kaya yun, nagtitipid ang dalawa at inilipat na ng school." Inis din si Lena sa dalawang pinsan niya kaya sa akin lang siya lagi sumasama.

 

"Buti napapayag silang lumipat na lang. Ang arte kaya ng dalawang yun." Sagot ko.

 

"Nagmaktol pa nga yung dalawa. Hanggang sa hinimatay si tita. Nalaman nila may sakit na pala sa puso."

 

So... minalas na sila nung nawala ako? hahaha XD

 

Naglakad-lakad na kami ni Lena. Nalaman ko na na stressed na pala si Kuya Vinn kasi nga sa problema sa kompanya at may sakit na sa puso si Loreta. Isa lang ang naisip ko.

 

KARMA.

 

Kahit papano naman naawa ako kay kuya Vinn. [Kay kuya lang] Siguro one of these days bibisitahin ko siya. One year na din, kailangan ko na ding kalimutan yun at tingnan ang mga magandang bagay na nagawa niya para sa akin.

 

Nagpaalam na ako sa kanya nang malaman kong exam pala nila nang araw na yun at 30 minutes na lang daw magsisimula na.

 

Masaya akong nagkita ulit kami ni Lena.. at syempre, parang nakaganti na rin ako sa kasamaan nila sa akin. Siguro, iginaganti na ako ng pagkakataon.. siguro hindi lang ako kundi marami pang ibang tao silang nasaktan kaya nagkaganoon.

 

Dumiretso ako sa office ni Alex para yayain sana siyang maglunch.

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (54)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Cast

Nichkhunas Alexandre Jace Montefalco
Kang Ji Youngas Victoria Charity Gener

Who's Reading

Recommended