Chapter 43

723 33 16
                                    

BANGTAN - Red Lips (Vampire)

[MORNING]

Alexie's POV***

"Alam mo ba nung pumunta ako sa bayan,dun na nauso ang CRUSH NG BAYAN"-Yoongi

Tangina ng gilagid mo.

"Kung ang pagiging pangit ay katumbas ng pagiging mabait,ok fine!AKO NA MASAMA UGALI"-Hoseok

Isa pa 'to

"Manahimik nga kayo!Bakit ba hindi nyo na lang tanggapin na mas gwapo ako sainyo?"sambit ni Jimin na pumagitna pa

"Hiyang-hiya naman kami sa height mo"-Jin

"Wag mong laitin ang height ko,kumbaga sa picture,CUTE SIZE 'to"-Jimin

"Edi lumayas ka dyan"tulak sakanya ni Hoseok

Tsk umagang-umaga napakahangin,bakit kaya noh?Bakit kaya di na lang sila mamatay?Mga nakakaulol na.

"Alam nyo ba na laging busy ang mga gwapo?"biglang singit ni Namjoon kaya nalipat sa kanya ang tingin namin

"Alam nyo kung bakit?Mamaya ko ieexplain sainyo,busy pa ko eh"dugtong nya saka pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro

Boom panes!

"Wala pala kayo eh"ngisi ko sa kanila hekhek

Iba na talaga kapag galawang badjao

Pero biglang nawala ang ngisi ko ng makita syang pumasok dito sa room.Napalunok ako ng maglakad na sya papunta dito sa direksyon namin pero halos manlumo ako ng umupo sya sa tabi ni Keyt

Bakit sya naupo dun?Eh dito diba sya sa tabi ko nakaupo?

"Nagaway ba kayo?"lingon sakin ni Shemay na nagtataka din

"Hindi,di ko nga alam dyan kung bakit biglang naging ganyan yan"sambit ko

Bwisit talaga na Jungkook 'to,paduguin ko kaya ilong nya

Tumayo ako at pumunta sa harap nya,inangat nya ang malamig na tingin nya sakin

"Anong kailangan mo?"malanding tanong ni Keyt

"Wag mo kong kausapin hindi ikaw kailangan ko"sambit ko kay Keyt

Hinarap ko si Jungkook.

"Magusap nga tayo"pamewang ko sa kanya

"May problema ka ba sakin?"dugtong ko pero di sya sumagot,tumayo si Keyt kaya sakanya nalipat ang tingin ko

Ano nanaman bang problema netong pugita na 'to?Pag ako talaga di nakapagpigil tatadyakan ko sya pabalik sa pacific ocean.

"Baka ikaw ang may problema?Hindi mo ata maintindihan yung sinabi nyang hayaan mo na kami"ngisi nya sakin at bigla na lang sumulpot yung alipores nya sa magkabilang gilid nya

"Pwede ba ha Keyt,wag mo munang pairalin yang pagiging pakilamera mo.Friendship namin ni Jungkook ang nakasalalay dito"

"Ang tanong,may friendship nga ba sainyo?"ngisi nya sakin

Oo nga noh..

Kailan nya nga ba sinabi na friends na kami?Eh lagi nga kaming nagaaway

Bakit nga ba nagkakaganto ako?Bakit parang ayaw kong lumayo sya sakin?Dapat diba matuwa pa ako kasi nilalayuan na nya ako?

Stupidyante || CompletedWhere stories live. Discover now