Chapter 24

1K 47 7
                                    

A/N:Tutal Christmas naman magu-UD ako ^___^

Rqstd by:CrystalUy9

MERRY CHRISTMAS!!

A TYPICAL TRAINEE'S CHRISTMAS

Rei's POV***

Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor ng senior building papunta sa destinasyon ko ng maramdaman ko ang kamay na humigit sakin papasok sa isa sa mga rooms dito

"LET ME GO!"sigaw ko sa taong humihigit sakin

"Oh ayan Let me go"rinig kong sabi nya at inihagis ako sa isang corner at tumama pa sa isang upuan ang braso ko kaya napadaing ako sa sakit

"Hi"minulat ko ang mata ko ng marinig ko yun,tatlong babae ang nakita ko sa harap ko

At base sa suot nilang uniform mukhang senior student sila ng University.Nilapitan ako nung parang leader nila at nginitian ako ng matamis pero mahahalata mo naman dun ang pagkaplastik

"Ano ba'ng kailangan nyo?"kahit na takot ako ay pinilit ko pa ring maging matapang

Dahil base sa mga chismosa kong classmate masasama ang ugali ng mga seniors at karamihan sa kanila kasali sa frat,gang or worst mafia

"Hahaha bilib talaga ako sa tapang mo Rei"tawa nya

Teka pano nya nalaman pangalan ko?

"Aalis na ko,marami pa kong gagawin"sabi ko at tumayo balak ko na sanang umalis pero tinulak nya ako pabalik

"Hi im Jimilyn,anak ng isang sikat na Mafia Boss"pagpapakilala nya

See?

Malas ko lang at kaharap ko ngayon ang anak ng isang Mafia Boss

"Ok"cold kong sabi

"Haha nakakatuwa ka talaga Rei,hmm..narinig ko yung away nyo ng BESTFRIEND mo sa Cafeteria,Faye ata ang pangalan nya?"sabi nya na di sigurado at in-emphasize nya pa talaga yung word na yun

Biglang naginit ang ulo ko "Pwede ba?Wag mo ng banggitin ang pangalang yun"

"Aww..bestfriend nga talaga kayo haha.Nandito tayo at kinakausap kita dahil gusto kitang turuan sa mga maling bagay na sinabi at ginawa mo"saka siya ngumiti na malademonyo

Tinitigan ko lang siya ng diretso sa mata.Wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay na yan

"Magpaparaya ka Rei?Bakit?Nanaman?Paulit-ulit na lang?Masasaktan ka nanaman?Di ka ba napapagod?Ayaw mo ba maranasan yung feeling na kasama mo yung taong mahal mo?"

Syempre hindi sino namang tanga ang ayaw nun?

"Rei kung talagang mahal mo ang isang tao,ipaglalaban mo kahit na BESTFRIEND mo pa ang kaagaw mo,yun ang tinatawag na true love.At ngayong pangalawang beses na natamaan ka sa isang lalaki,magpaparaya ka ulit?At para sa tao nanamang yun?"

Sino ba talaga ang babaeng toh?Nakakairita.

"Wala kang alam sa nakaraan ko"madiin kong sabi pero tumaas lang ang kilay nya

Stupidyante || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon