Hanggang kaibigan na lang lahat.

52 1 1
                                    

 Simula nung araw na naging si Carl at Rina ay medyo lumayo na ko kay Carl. Ayokong maging dahilan na pagseselos ni Rina, hindi pa naman ako ganun ka desperada para sa pagmamahal ko kay Carl, iniisip ko na lang kung ako si Rina, masakit yon.

 Oo, mahal ko si Carl, pero may mga bagay talaga na hindi natin makukuha. Mahal ko si Carl, masaya na ko kapag nakikita ko siyang masaya kahit na may sakit akong nararamdaman sa tuwing nakikita sila magkasama.

 Ngayon matanda na ko, may boyfriend na din ako. Wala na kong balita kay Carl dahil sa America na ito nagcollege, hindi na din kami nagkakausap. Masaya na ko sa buhay ko ngayon, marami akong natutunan sa mga nangyari sa amin ni Carl. 

 May mga bagay sa buhay natin na kailangan tanggapin na lang natin, maging masaya na lang. Deal with it na hindi lahat ng gusto natin makukuha natin. Maging masaya na lang tayo para sa taong mahal natin. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon