Bad news.

49 0 0
                                    

Habang kumakain ng breakfast, linggo ng umaga ay may kumatok sa aming pinto ng condo, para bang nagmamadali ito na mabuksan ko ang pinto, agad agad ko naman sinilip at si Carl ito. Pinagbuksan ko siya ng pinto at nagulat ako pagbukas ko ay bigla akong niyakap na mahigpit.

"Rizza! May girlfriend na ko! Wohoooooooo!! Kami na ni Rina!!", tuwang tuwang sabi nito sa akin.

Nagulat ako sa narinig ko pero hindi ako nagpahalata na malungkot ako, ngumiti ako at niyakap siya at sinabing "Congrats bro." , pabulong na sabi ko.

Niyaya ko siyang kumain pero nagpaalam din ito dahil may date daw sila ni Rina, manunuod daw sila ng sine. Sinusubukan pa kong isama nito pero hindi ako pumayag kasi alam kong makakagulo lang ako sakanila.

 Hanggang sa nakalabas na ng condo ko si Carl, nagkulong ako sa kwarto. Umiiyak ako, nasasaktan ako na may girlfriend na ang bestfriend ko.

"Mahal ko na ata si Carl, pero wala na, hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya. Pano na ko ngayon? Pano ko ipapakita sakanya na masaya ako para sakanya pero hindi naman talaga? Hanggang kailan ako magpapanggap na hindi ako nasasaktan?" bulong ko habang umiiyak nakatalukbong sa kama.

Buong araw akong nagiiyak sa kwarto ko.

FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon