Chapter 56: III Words

36.5K 542 72
                                    

Chapter 56: III Words
***

Maaraw ngayon, buti naman. Pero medyo malamig pa rin ang paligid. It's twenty-eight na, it means swimming na. Di naman ako ganung excited, kaso lang binibilisan ko rin naman ang kilos kasi ayokong maging pa-VIP lalo na't first time kong makikilala yung friends ni Andrea.

Eh kahapon anong ginawa ko? Wala. Ang boring lang talaga sobra. Kung anong ikinasaya ko nung kasama si Kenneth, buryong na ako after. Wala nang magagawa. Gala rin naman 'tong outing kaya pwedi na. Sabay naman kami nina Lindsay ay Yna na pumuntang park, malapit lang naman. Nagtricyle na rin kami gawa ng dala namin. Hindi nagdala ng ride si Linds kasi may sasakyan naman daw kami papunta mismo sa LB. Buti naman para di na hassle.

Pagkarating namin, ang awkward lang. Well for me. Kasi syempre di ko pa sila mga kilala. Ako naman itong nag-Hi lang at Hello sa kanila. Ang rude naman kapag hindi diba. Nagulat nga ako nung kakilala ako nung iba sa kanila eh. Eh meron naman kasi na kilala ko na pala talaga. Remember na galing kami sa Monteza High? Eh from the school din kasi yung nandito eh. May naging classmate pa nga kami nina Yna rito eh. Pero konti lang, around three to five lang sila. Okay na rin, para naman may makausap din kami.

"Sorry guys. Na-traffic!" si Andrea. She just got here.

Lumapit naman siya samin. "See? Di kayo mao-OP. Kilala nyo naman na iba sa kanila diba?"

"Di mo naman kasi sinabi."

"Okay lang yan." tumingin sya sa wristwatch nya. "Bakit wala pa si Jap? Mababatukan ko talaga yun!"

"Kasama si Jap?" tanong ko.

"Pwedi ba namang mawala yun?" tapos pumunta muna siya saglit sa mga kasamahan nya. "Oyy. Tawagan nyo na si Jap!" narinig kong sabi nya.

"Kath." tawag naman ni Yna.

"Ano?" puro naman kasi tawag.

"Chill. Oh. Parang nung isang araw lang si Kenneth kasama mo ah."

"Oh?"

"Tapos ngayon si Jap naman." sabay tawa nila ni Lindsay.

"It's not funny, y'know." sabay irap.


/JAP'S PERSPECTIVE

Oh sht. Mahuhuli yata ako! Paano ba naman kasi late nagising, seven-thirty. Nagayos. Tapos nadala ko pa ang ride ko, kaya bumalik ako. Natagal pa sa pagccommute!

Lahat na. Bwisit! Parang may kumokontra eh.

Di naman nagtagal eh nakarating na rin ako. Sumasakay na sila sa Shuttle. Oh-kay! Wala naman si epal diba? YESSS! Makakalapit ako kay Kath.

"Hey!" sigaw ko para makita nila akong nandito na, tumatakbo.

"Bilis!" sigaw ni Jorge. Nabatukan ko nga nung makakapit ako.

"Adik ka! Oh pasok na dali!" pinagtulakan ko na siya sa loob. Nagmamadali ako eh, baka mamaya may kalapit na agad si Kath.

And I was right, meron. Si Andrea. Si tol lang pala eh. Maton din yang si Andrea eh. Medyo may pagkalalaki in times, pero kung titingnan mo babaeng babae. Ayaw nyang magpaligaw, sabi nya may inaantay daw siya. Ayaw namang sabihin kung sino. Kaya masungit yan sa mga lumalapit sa kanyang lalaki para manligaw. Kaya kung ayaw mong masapak, kahit may gusto ka pa dyan, eh wag mo nang ligawan.

"Tol!" bati ko sa kanya sabay upo sa seat katapat ng kanila. Bus kasi 'to.

"Oh. Nadito ka?"

See? Sungit oh. Sus! Pacute lang ako dyan okay na. Alam naman na rin nya yung History namin ni Kath. Yeah, history!

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon