Chapter 4 [ Confession ]

625 13 4
                                    

Hooray! Gusto ko talagang magupdate ngayon dahil Its getting hot in here! Bwahaha. Tinotopak na naman ako. Anyways, Unahin ko muna po ung mga character ha? Bago po yung mga scenes. para makilala na po ninyo sila pero nandun pa rin po yung sequel. Eto na po ang 4th update ko. :DD

P.S. Please comment, vote and become a fan. TT.TT

---------------------------------------

TOP's POV

Nasaan na kaya si Nam? Ni hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kahapon pa daw siya hindi umuuwi sabi ni Tito. Waah!! Nam! Asan ka na ba? lagot ako nito eh. Nangako pa naman ako sa papa mo na hindi kita pababayaan.

By the way, I'm Tople Dee. Dakilang bestfriend ni Nam and martir na suitor niya. Actually, hindi ko naman talaga gustong ligawan si Nam. All I want is to make sure that she'll always be safe. Atsaka natatakot ako kay Tito eh! Haha. Sabay na kaming lumaki ni Nam. Her mother and my mother are bestfriends, correction, certified bonded bestfriend sila. Kaya ganoon na lang kami kaclose ni Nam. Alam ko nga rin kung kelan siya unang niregla eh! Haha :DD

At ngayon na hindi ko alam kung nasaan siya eh nagaalala ako ng sobra. 

rriinngg..

May tumatawag. Sino kaya yun? Dali dali kong sinagot baka nasa masamang kalagayan na si Nam eh!.

" Hello? Can I speak to Mr. Tople Dee?" Ani ng nagsalita. Hmm. Mukhang Body builder ang boses. Kakatakot. 

" Ah eh! Speaking. What can I do to you sir?" Amp. Baka bakla to ah? Kasi naman parang mali ang sinabi ko sa kanya. Haha. Yaan na nga. 

" Ms. Nam Ventura is in the hospital. Can you fetch her and give some other information about her?" What??!!! Si Nam nasa hospital? Hindi pa gaanong nagsink in sa isip ko ang sinabi nung mama.

5 seconds exactly..

Pagkatapos kong marealize yung sinabi nung mama eh pinatay ko na kaagad yung phone ko at dali daling lumabas ng bahay. Papalabas na ako ng gate ng malaman kong hindi ko alam kung saang hospital. Tanga ka talaga Top! Masyado kang nagpanic. Ayan tuloy hindi mo alam kung saan pala dinala si Nam. Nagturn back call ako baka sakaling masabi nung mama. ^___^V Sorry naman tao lang! Nagkakamali. Haha

"Hello sir. Saan po bang hospital siya dinala? Pasensya na po at nabigla lang ako." Hehe sana iaccept. 

" Its ok hijo. Sa susunod wag kaw padalos dalos ha? Siguro mahal na mahal mo ang gf mo kaya kaw ganyan. Mga kabataan talaga." Aba! Si manong nakipagtsismisan pa sa akin. Kelangan ko ng malaman ! Waaah!!! At hindi ko gf si Nam no?

"Ahm sir. Pwede ko na po bang malaman kung saan?" 

" Ah eh! Sorry hijo. Dito sa Lady of Lourdes Hospital siya dinala. Room 111." 

" Thanks po." I make sure na wala na akong nakalimutang itanong bago ko pinatay yung phone ko. Sumakay na kaagad ako sa kotse ko at pinaharurot ng sobrang bilis. parang tinatambol ang dibdib ko ng malaman ko yun. Siguro adrenalin rush ko to! Hindi naman kasi ako marunong magmaneho ng sobrang bilis pero nagagawa ko sa oras na ito. Siguro mga 1 hour nang makarating ako sa hospital. Sobrang bilis ko ha? Nakipagusap muna ako sa mga rescuer bago ako pumunta sa kwarto niya, nagbayad ng bills niya at dali dali na akong umakyat ng hagdan. Nakarating na pati ako sa room niya. Natutulog pa siya.

She's wonderful.. 

Ano ba Top pinagiisip mo? Si Nam lang yan. Ang uhugin mong bestfriend. Pero bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong tumingin sa maganda niyang mukha. Sa paglipas ng taon naging sobrang ganda  niyang dalaga. Para ngang hindi ako makapaniwala na siya na nga ito eh! 

"Hoy liw! Anong tinitingin tingin mo dyan ha? Tulo na laway mo oh? Haha" Waah!! Gising na pala itong uhugin na ito! -____-" Nahuli kaya niya akong nakatingin sa kanya na parang gusto ko siya? Sana naman hindi. Mahabaging langit wag naman po sana dahil hindi iyon totoo. Okay?

"Siraulo ka talaga? Ako? Titingin sayo? No way! Haha. Sa pangit mong yan! :PP" Pangaasar ko sa kanya. Ganyan kami magasaran. 

-___-"""

Oops! Mukhang galit na siya. Haha 1 point. Buti nga sa kanya! Hmp. Asarin pa niya ako ha? Back to reality na tayo. Kelangan kong malaman kung bakit siya nandito.

"Teka! bakit ka nga pala nahospital ha? Anong nangyari sayo? Wag mong sabihing tatanga tanga ka naman at nasagasaan ka ha?" 

"Hindi no! Sinikmuraan kasi ako ni Troy nang pilit na niya akong dalhin sa condo niya. Nagpumiglas ako tapos yun sinuntok niya ako buti na lang at may tumulong sa akin si Mr. Eyeglasses. *__* tapos na stuck pa kami sa elevator, kami lang dalawa. Pero iniwan niya kaagad ako. :((" Nakita kong nalungkot ang kanyang mga mata. Sino kaya yung guy na yun? Siguro naman at mabait un kasi kung hindi siya mabait eh siguro hindi nito niligtas si Nam sa kapahamakan dapat lang magpasalamat ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko, parang nanghihinayang ako na hindi ako ang nagligtas sa kanya. Ay buset! mali ito. Hindi ito totoo. Dapat nga't masaya ako, tama! dapat masaya ka Top. ^__^

"Oy bakit nanahimik ka dyan ha?" 

"Ah eh! Wala! Mabuti naman at ligtas ka uhugin haha" Totoo yun pero may halo pa ring pangaasar. Haha

May pumasok na officer ng pulis at ang sabi..

"Ma'am may nagpapabigay po ng sulat na ito sa inyo. Yung kasama po ata ninyo nung nastranded po kayo. Sabi rin po niya na nagmamadali po siya at ayaw ka po niyang gisingin dahil mahimbing ang tulog ninyo." pagkatapos na ibigay yung sulat ay umalis na yung manong officer pagkatapos magpasalamat ni Nam.

Binasa ni Nam yung sulat. Nakita kong biglang sumaya ang mukha niya. Kakainis ha ? Simpleng sulat lang nung lalaking yun eh napapasaya na niya si Nam. Eh ako tong bestfriend niya na nagpapakahirap maghanap ng mga jokes na tatawa talaga siya. Amp -___-""

>3<

"Wahaha! Top! Ang cute mo kapag nakapout ka! Haha. Bakit may problema ka ba?" Tiling sigaw ni Nam.

"Wala! Nagtataka lang ako kung bakit ang saya saya mo na nabasa mo ang sulat niyang Mr. Eyeglasses mo! Hmp."

"Nagseselos ka ba Top?" Takte naman oh? Kailangan makatingin ng wagas ha? Adik ka Nam! Wag kang ganyan baka mamaya eh mahalikan kita! Amp

>//<

"Wag ka ng magalala Top. Mahal naman kita eh!" Sabi ni Nam

O.O

Ako. Mahal. Ni. Nam?

>///<

"Bilang kaibigan lang ha?" Naku Nam! Talagang may pahabol ka pa ha? Ok na yun eh. Nandun na eh! Bigla mo pang binawi. Eh ano naman? Hindi ka naman boyfriend niya, kundi dakilang bestfriend. Gets mo Top?

<////3 Aww..

A Playgirl Under My RoofWhere stories live. Discover now