Special Chapter A

7K 172 2
                                    

DESSA

Di ko pa rin mapigilang mangiti kasabay ng pangingilid ng aking mga luha sa tuwing aalalahanin ko ag mga nangyari sa nakaraang araw.

How we lost our baby and how I leave him.

Di ko akalain na dahil sa pag-alis ko magbubukas ang napakagandag yugto sa buhay ko.

Flashback

"Dessa please.,talk to me. Mababaliw na ako. Mababaliw na ako sa kakaisip sa'yo. Di ko na kayang mawala ka.." rinig kong sigaw ni Second mula sa labas ng bahay ng pinsan ko. Dito ako tumuloy ng magpasa akong lisanin ang ospital at iwanan siya. Sila ng anak ko.

Naiiyak ako sa naririnig kong sigaw niya sa labas. Nahihiya din dahil batid kong madaming mga tsismosang kapitbahay ang nanunuod ngayon sa eksena niya.

Pero tatlo o isang salita lang ang gusto kong marinig mula sa kanya. Kahit di na siya magsorry o humingi ng tawad basta masambit lang niya ang mga salitang ninanais ko ayos na ako. Lalabas ako at haharapin ko siya.

"Dessa.,parang awa mo na. Kausapin mo ako. Please wifey. Please.." patuloy niyang sigaw kasabay ng tuloy tuloy na agos ng mga luha ko.

Napaangat ako ng tingin ng maramdaman ko ang pinsan ko na nakatayo sa harapan ko. Nakapamaywang at iiling iling akong pinagmamasdan.

"Kung iiyak iyak ka din lang dyan..better go out and face him. Di mo ba nararamdaman ang kadesperaduhan ng tao..Lalaki ako. At di ako magpapakatanga at baliw dyan sa labas ng bahay habang umuulan para lang isigaw sa mundo kung gaano ako kadesperada na makita ang taong mahal ko..." may  punto ang pinsan ko pero di niya ako naiintindihan.

Actions are empty without words  as well as words are useless without action.

Gusto ko lang naman marinig na sabihin niyang mahal niya ako. Kahit minsan lang. Kahit ngayon lang.

"Dessa mahal na mahal kita.." tumigil bigla ang luha ko dahil sa aking narinig. Mariin kong idinikit ang aking tenga sa pader para marinig siya.

Ngunit, tila nabasag ang puso ko ng marinig ko ang iyak niya. Isang Second Chance umiiyak para sa akin. Nataranta ako bigla. My gosh. Ano ba itong pinaggagawa ko at pinaiyak ko siya ng ganito.

"Mahal kita Dessa. Patawad kong ngayon ko lang narealize. Patawad sa pagiging gago. Patawad sa pagiging makasarili."

" Pero Dessa mahal na mahal kita. Kubg sino man yang lalaking kasama mo.,gagawin ko ang lahat mahigitan lang siya. Pangako Dessa. Ngayon.,ipaglalaban na kita.Hanggang sa huli Dessa..." ramdam ko ag panghihina sa boses niya kaya lalo akong naiyak muli. Hindi pa man ako nakakatayo ay kinaladkad na ako palabas ng pinsan ko.

Doon ko nasilayan ang dami ng mga taong nanunuod at kung gaano kamiserable ang asawa ko.

"Dessa.." naluluha habang nakangiting ani Second. Di rin nakaligtas sa akin ang sakit na dumaan mula sa kanyang mata ng makita akong bitbit ng aking pinsan. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong itulak payakap kay Second.

"Pasensya na pre.,matigas lang talaga ang ulo niyang pinsan ko. Ang hilig magdrama.."pacool pang sabi ni Russel (pinsan ko) habang nakapamulsa.

Hindi naman na sinayang ni Second ang pagkakataon at agad siyang lumuhod payakap sa tiyan ko.

"Mahal na mahal kita Dessa. Patawarin mo ako sa lahat. Pangako babawi ako...please lang umuwi na tayo. Di ko na kaya na wala ka Dessa..di ko na..."  di ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil lumuhod na din ako para yakapin siya ng mahigpit.

"Sorry din..Mahal na mahal din kita Second.." di ko na siya kayang tikisin pa. Alam ko kasing kahit anong gawin ko.,hanggang sa huli siya at siya pa rin ang mamahalin ko. Kahit anong paglimot ang gawin ng isip ko siya at siya pa rin ang ititibok nitong aking puso.

Kaya sa pagkaataong ito.,mabubuhay na ako hindi para paibigin ang isang Second Chance kundi upang panatilihin ang init ng aming pagmamahalan.

End of Flashback

Sa pag-aasawa, alam nating sa una halos puro saya pero sa kalagitnaan hindi na magiging madali.

Hindi lahat ng daan ay konkreto mayroon ding bakobako. Parang sa isang relasyon, imposibleng puro lamang ito saya. Dadaan at dadaan ito sa maraming pagsubok at hirap.

Hindi sapat ang pagmamahal upang manatili sa isang relasyon dahil kumbaga sa isang rekado, pagmamahal man ang pangunahing sangkap kailangan pa din nito ng pampalasa gaya ng tiwala at spark na tinatawag.

Initin din lagi para di manlamig at budburan ng maraming preservatives para lalong magtagal.

Natigil ako sa pag-iisip ng may mainit na braso ang yumakap mula sa aking baywang. Mariin niyang isinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg.

"I love you wifey.." Di ko napigilang mapangiti. Mula noong araw ding iyon.,di na siya nakalimot sabihin at iparamdam sa akin na mahal niya ako.

Takot daw kasi siya na mawala akong muli sa piling niya. Pero, mas takot ako na marealize niyang joke niya pala lahat kaya bilang maybahay wala akong ibang ginawa kundi busugin siya ng pagmamahal.

"I love you too hubby ko.."

Falling into Place(COMPLETED)Where stories live. Discover now