Chapter 1

6.7K 167 3
                                    


DESSA

"Masyado ka yatang nag-oover work Second. Matuto ka namang magpahinga.." puna ko sa kanya dahil 11 na ng gabi at ngayon lang siya naakuwi.

He looks so exhausted. Bumuntong hininga naman siya saka dumiritso sa banyo para siguro magshower.

Para lang akong hangin. Di man lang siya nagtanong kung bakit gising pa ako samantalang tulog na lahat halos dito sa mansion.

Ilang sandali nga ay narinig ko na ang paglagaslas ng tubig sa banyo. Mabigat ang kalooban kong nahiga muli sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Nakakaiyak na ito.

Asawa pa ba niya ako sa lagay na ito.

Nagsimula siyang maging maaga at magabihan lagi sa trabaho noong nalaman niya na buntis si Ali.
I can still vividly remember his reactions during that time.

Nasa ikalawang palapag lang ako nitong mansion noon. Tanaw ko si Ali at First na nagtatalo.

"Umalis ka nga sa harap ko First! ayaw kita nakikita! Naasiwa ako sa'yo!" sigaw ni Ali kay First. Kung tama ang kalkulasyon ko halos isang linggo na rin silang ganyan. Magkakasundo pero madalas sinisigawan ni Ali si First.

May hula ako kung bakit pero ayaw ko namang pangunahan sila.

"ALIS SABI EH!" patuloy na sigaw niya saka tumakbo at yumakap pa kay Second.

Shit! Bakit ganito ang sakit sa puso nila tingnan.

Bakit kasi laging nakaeksena yang si Second pag si Ali ang usapan.

Masakit sa puso tingnan kung paano din ingat na ingat na yinakap ni Second si Ali.

"Second paalisin mo nga yan.." ani Ali habang nakasubsob sa dibdib ni Second. Halata namang naguguluhan si Second na nagpapalipat lipat ang tingin kina Ali at First. Nalilito man ay batid kong nasisiyahan siya sa loob loob niya.

Bigla namang umiyak si Ali. Lalapitan sana siya ni First pero muli siyang sumigaw.

"ALIS SABI EH!" sinenyasan naman ni Second na umalis muna si First dahil pumapalahaw na sa iyak si Ali. First had no choice but to turn his back from them.

I bet his hurting but not as much as I am in pain right now. Umalis sa eksena si First.

"Ali, ano bang ginawa sa'yo ni First? Is he hurting you?" puno ng pag-aalala ang boses nito habang nakahawak sa balikat ng humihikbing si Ali.

Para itong bata na naagawan ng kendi. Umiling naman ng todo si Ali.

"Basta ayaw ko sa pagmumukha niya. Ampangit pangit. Ambaho baho pa niya tapos lapit siya ng lapit sa akin." humihikbing ani Ali. Tila matatawa naman si Second sa sinasabi nito pero halatang nagpipigil lang.

Mas lalo namang lumakas ang kutob ko na buntis nga ito. Tsk! Sharp shooter nga si First.

"Tahan na. Don't worry sasabihan ko na lang siyang maligo 3 times a day at magtakip na lang ng mukha pag nandiyan ka." Natatawa na talagang sabi ni Second saka iginiya si Ali na maupo sa sofa.

" Bakit kasi siya Ali huh? Mas gwapo naman ako ah.." pagbibiro ni Second pero sabi nga nila some jokes are half meant. Isa nga iyon sa mga joke na may katotohanan.

Peste! Naiiyak na naman ako.

"Tse! Nasaan na ba si First?" tanong muli ni Ali. Naiiling na napatayo si Second. He seem hurt.

Tama na kasi Second.

"Hanapin ko lang baka nasa kusina lang yun." tumango naman si Ali kasabay ng pag-alis ni Second. Malaya ko namang pinagmasadan si Ali.

Kumikinang ang pagkaputi nito kaya kita dito sa kinaroroonan ko kung gaano na kapula ang pisngi at ilong niya sa kakaiyak.

Nonetheless, she's still so pretty.

"Ali wala siya sa kusina. Umalis daw sabi ni Manang. Pinaharurot yung kotse paalis." imporma ni Second na muling nagpahikbi kay Ali.

"Nagsawa na ba siya sa akin kaya siya umalis?" umiling naman agad si Second nang makita ang muling pagtulo ng luha ni Ali. Tumayo ito saka nagmadaling tinungo ang stairway papunta dito sa ikalawang palapag kung saan ang mga kwarto namin.

"Ayaw na niya sa akin.."patuloy nitong litanya habang tinatakbo ang hagdanan.

"Ali.,wag kang tumakbo. Baka mapaano ka" nagpapanic na ani Second. Bahagya akong umatras para di nila ako matanaw mula sa baba.

Akmang pipihitin ko ang busol ng pinto para pumasok sa kwarto namin ng marinig ko ang sigaw ni Second.

"ALI!!" huli ko na lamang nakita ay ang anino ni Second at nina Tito at Tita na papalabas ng mansion. Buhat ni Second si Ali na walang malay.

She's really pregnant. I know.

Naranasan ko din ang mga ganung sintomas noong pinagbubuntis ko si Sam. Mas maarte pa nga ako noon eh pero maswerte si Ali ngayon kasi may First siyang aagapay sa kanya. Bunos pa si Second na hanggang ngayon mahal pa rin siya.

Ang sakit na isipin na ang kaligayan nina First at Ali ay siya namang kalungkutan ng asawa ko ngayon.

Kalungkutan na doble ang dulot sa akin.

Kalungkutan na palagi na lamang sumasaksak sa puso kong walang ibang inatupag kundi tumibok para sa isang Second Chance.

Narinig ko na lamang ang pagbukas sara ng banyo.

Nakatalukbong man ako ng kumot ay amoy ko pa rin ang bango niya na nanunuot sa aking ilong kasabay ng pagpatak ng mga luha na ni minsan ay di ko sa kanya gustong ipakita.

Titiisiko hangga't kaya ko.

Falling into Place(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon