Extra Chapter: Date na talaga 'to!

997 41 6
                                    

-Julia's POV-

"Excuse me, miss. Andyan ba si Daniel? "

"May appointment ba kayo sa kanya? " Ahh, antaray! Kailangan may appointment talaga? Hindi na ma-reach 'tong si Daniel.

"W-wala. Pero pakisabi na lang na nandito ako, si Julia Pontes. "

"Okay, please wait na lang. "

Pumasok doon sa loob ng office ni Daniel yung secretary niya. Lumabas rin yun agad yung secretary niya.

"Miss, pumasok na daw kayo."

"Ahh, sige. Thank you."sabi ko. Pagkabukas ko ng pinto, nakatingin dun si Daniel. Tapos nung nakita niya ko, napangiti siya.

Eeehh! Kinikilig naman ako. Hindi ko talaga maintindihan kung gwapo o cute 'tong si Daniel. Gwapong super cute na lang nga! Kasi, eh ang super cute niya ngayon habang nangiti siya sakin. Super cute kasi alam kong nakangiti siya dahil nakita niya ko. Hala, siya oh! Eto na naman ako.

Pero hinalikan niya na ko, di ba? Tapos,sabi daw ng puso niya I love you, Julia. So, may something dun. Sinenyasan niya kong lumapit. Ampogi niya talaga! Edi, lumapit naman ako. Tapos umupo ako sa harap ng table niya.

"What brought you here, Julia? "

"Paa ko. Joke! Wala lang, masama bang dalawin ko ang bestfriend ko? "

"Bestfriend? "he said while pouting his lips. Bigla tuloy nag-flash back sa isip ko yung panaginip ko na hinalikan niya ko. So kissable. Namamanyakan na ko sa sarili ko, ah!

"Bakit? Hindi na ba tayo mag-bestfriend? "

"Hindi naman sa ganon pero... Forget it. "Tumayo si Daniel tapos tumabi siya sakin.

"Bakit, Daniel? "Hindi niya ko sinagot. Tapos nun, bigla niya kong hinila papalabas ng pinto. Shet, hawak-hawak niya yung kamay ko. Kahit six years ko na siyang hindi nakita, may magic pa rin ngayon.

Syempre, tinitignan ko lang yung kamay ko habang hawak-hawak ni Daniel. Nangiti-ngiti pa nga ko, eh. Feeling ko tuloy para lang akong tanga. Eh, sa kinikilig talaga ko!

"Daniel, bakit tayo natakbo? "

"Wala lang. "sabi niya tapos nginitian niya ko uli. Daniel, pwede ba stop smiling at me like that! Isa, masakit na talaga! Tinatamaan ako lalo, eh! Sumakay kami sa kotse niya.

"Saan tayo pupunta? "

"Basta. Just trust me. "

"S-sige. I'll trust you. "Edi, nakatitig lang ako sa kanya habang nagda-drive siya.

"May dumi ba ko sa mukha, ha, Julia? "

"Wala naman. Gwapo mo kasi, eh sarap mo tuloy titigan. "

"Talaga? "

"Talagang-talaga! "Pagkatapos kong sabihin yun, parang mas lalong sumaya yung mukha niya Daniel. Naka-enervon ata ngayon.

Wait, sa pagkakaalala ng utak ko, he already said he loves me tapos ako mahal ko rin siya. Teka, kami na ba sa lagay na 'to? Hindi makapaghintay to! Wala pa ngang ligaw-ligaw, kayo agad?

So, mutual understanding 'to? Wait uli, hindi kaya... TATANUNGIN NIYA NA KO KUNG PWEDE MAGING GIRLFRIEND NIYA KO?! Oh my gosh! Hala siya, biglang nag-init yung pisngin ko.

Nakakahiya sabihin niya nagbla-blush ako dahil sa kanya! Feeling , ah.

"We're here. "

Nauna siyang bumaba tapos pinagbuksan niya ko ng pinto. A true gentleman. Pagtingin ko sa paligid, ang ganda ng garden. Parang yung sa mga post card.

"Do you like it? "

"Oo naman! Ang ganda-ganda, Daniel. Sa sobrang ganda parang hindi totoo. "

"Parang ikaw. I'm so glad you're here with me that I'm not even sure if this is real. "

"Anong ibig mong sabihin? "

"I really miss you and I don't want you to leave me again. "

"Ha?! Is this true? "

Tapos nun, umupo na kami dun sa upuan. Ang ganda nga ng settings,eh . Sobrang romantic ng atmosphere. Feeling ko tuloy kami na! Habang nakain ako, may tinanong uli sakin si Daniel.

"Julia, do you have a boyfriend? "he asked curiously. Interesado. Bakit maga-apply ka? Game! Kahit wala ng requirements.

"Wala naman. Binasted ko lahat, eh. "

"Ha? Why? "

"Syempre, hindi sila pasado sa criteria ko. "

"Sino-sino ba mga naging suitor mo? "

"Lee Min Ho, Jang Geun Suk, Kim Hyun Joong, Jung Jwong Hwang, Lee Hongki, Lee Donghae, Choi Siwon, tapos sino pa ba? Yun lang. Ay, si Mario Maurer din pala! "

"Bakit di mo sila sinagot? "

"Simple lang dahil hindi sila yung hinahanap ko, eh. "

"Ano bang hinahanap mo? "

"Si Daniel Madilla lang naman, eh masaya na ko. "Mga banat ko, ah! Biglang nag-blush si Daniel tapos ngumiti. Wow! Effective ang mga tirida ko, ah.

"Ahhmm, Daniel. Di ba sabi mo mahal mo ko? "

"Oo. Bakit? "

"Wala lang naninigurado lang baka kasi nananaginip lang ako, eh. "

"There's nothing to worry. My heart only belongs to you, I guarantee you that. "

"Ikaw na englishero! So, tayo na ba? "

"Eh, kung ako ba yung Daniel Madilla na hinahanap mo, eh. "

"Oh my! Yes, naman. "

"Girlfriend na kita wala nang atrasan yan. "

Meron talagang matagal nang gumugulo sa isip ko, eh. Yung panainip ko na he kissed me dun sda clinic. Para kasing totoong-totoo yun, eh.

"Daniel, alam mo bang first kiss ko yung kahapon? "

"Hindi mo first kiss yun. Believe me."

"Ha? Mas marunong ka pa sakin! Labi ko naman to, di ba? "

"Dalawang beses na kitang nahalikan. "

"How did that happen?! "

"I stole one dun sa clinic dati. "Ohmygad! So, hindi yun panaginip! It was real. Definitely real. Buti naman!

"Alam mo bang first date ko pa rin to? "

"Really? "

"Kahit niyayaya ako ni Lee Min Ho na mag-date nun, I refused. Ganon din sa iba. Swerte mo, no?"

Napaisip siya.

"Okay lang naman sakin kung dinate mo si Lee Min Ho tutal naman parehas kami malakas ang sex appeal. "

Kinindatan niya pa ko.

"Wow, ha! No comment na lang. "

Mayamaya, biglang umulan. Grabe, ganda timing! Perfect kamangha. Naalala ko tuloy yung date sana namin nun. Siguro kung natuloy rin yun naulan kami just like now.

Napangiti tuloy ako nang walang dahilan.

"Bakit?"tanong ni Daniel nung napatingin siya sakin.

"Wala, naalala ko lang yung date sana natin noon pero the difference is dati almost a date pero ngayon date na talaga to! "

He embraced me under the pouring rain. Ganda ng eksena namin dito, promise! Pang-teleserye super!

"I love you."bigla niyang sambit sakin.

-FIN NA TALAGA-

xx
a/n:
Yey! *putok confetti* *kalat sa sahig* Tapos na talaga :DD Eksaherada si Julia! Binasted lang NAMAN yung mga suitors niya. Haba ng hair talo si Rapunzel! Once again nagmamakaawa sa mga may mahabaging puso, please vote and comment :)) For world peace! <33

Her First DateWhere stories live. Discover now