Tag War: 3

51 14 14
                                    

Tag War 3

I met another strange person



Akala ko uuwi akong sira ang araw. Akala ko, magbabago ang isip ko. Na pipilitin ko si mama na iuwi ako kay papa. Na iba na ang kasalukuyan sa nakaraan. Na ang mundo, oras, panahon at sitwasyon ay sabay-sabay na nagbabago. Na maiiwan lamang ako mag-isa. Walang kasama.




Ngunit hindi pala.




Hindi nasira ang unang araw ko sa Warnsen Academy.




Hawak kamay akong dinala ni Amos sa isang dating kaibigan kung saan naroon ang rooftop ng Warnsen. Sa lahat lahat ng lugar na nabalikan ko, ito ang may pinakakaunting pagbabago. Bumisitang muli ang mga alaalang nagsasabing kabilang ako rito sa lugar na ito. Na wala ako kung wala ito.






Ang mga vandalism sa gilid ng pader ay hindi pa rin nabubura. Ang mga halaman at bulaklak ay matatayog pa ring nakatayo at higit sa lahat ang bilis ng tibok ng puso ko ay hindi pa rin nagbabago.





"Uulitin ko Byun, sa iyo ba ito?". Pagkarating namin sa rooftop, inilantad ni Amos ang bagay na kanina ko pa hinahanap. Nakipag-irapan pa ako riyan para lang mahanap ngunit hindi ko naman talaga alam kung ano talagang makukuha ko sa papel na iyan.






"Ahh oo eh". Hindi Aeri. Hindi sa iyo yan. Sambit ko sa sarili. Oo nakalagay ang pangalan ko ngunit hindi ako ang bumili o gumawa nyan.






Inilahad ko na ang kamay ko upang kunin ang papel ngunit bigla nyang binawi iyon.







Humalakhak si Amos. "Ito na ba ang paraan ng panliligaw ni Ares?". Tumaas ang kilay nya.








"A-ano?". Pinanlakihan ko sya ng mata. Naguguluhan man ay nagtanong din ako. Panliligaw? Ni hindi ko nga sya kilala.







"Di na ako magpapaligoy pa dahil kaibigan ko naman si Ares. Gusto ko lang malaman mula sa'yo Byun. Anything sparkling between the two of you?". Ang paghalakhak ni Amos ay napalitan ng isang malaking ngiti.









Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa palagay ko, masyado na akong magiging obvious. If I over deny it, baka makahalata sya.







Sa kawalan ko ibinase ang mga mata ko dahil anytime manlalambot ako sa ngiti ng taong matagal ko nang gusto. "Amos, ni hindi nga kami magkaibigan eh. So how can you say that he's my boyfriend?".








He cleared his throat. "Uhm kasi first day palang grabe na kayo mag-usap. You know, diskarte ng mga lalaki?".









Tinignan ko sya. "Eh paano mo naman nalaman yun?".







"I was watching". He said in a serious voice.






Na-stuck ang tingin ko kay Amos hanggang sa ang tingin ay napunta na sa titig. He was watching me? Us? Ramdam na ramdam kong uminit bigla ang magkabila kong pisngi.






Sa mga oras na iyon, I must hide it. Iyon ang nasa isip ko. Did I catch his attention because of Ares?








"Uhm a-ayos ka lang ba Byun?". Muli't muli ay ipinatong nya ang kamay sa balikat ko. I felt an electric something touched me.







Pakunwari akong humalakhak. "Aha ha ha, ayos lang ako ha ha ha w-walang kami. M-masyado lang friendly yung katropa mo". Sa sobrang friendly, ang sarap nang ibaon sa lupa. Ngunit dahil doon ay naranasan kong matitigan ng minamahal, hindi na sya masarap ibaon sa lupa, itapal nalang.









Tag WarWhere stories live. Discover now