Ang Pagkikita

38 0 0
                                    

Tamad na tamad na ako sa mga pinaggagagawa namin sa school. Laboratory works pa lang eh makukuba ka na sa dami ng ginagawa. Gusto kong gumala after class.kaso wala naman akong kasama kung hindi si Linda (yung kaibigan kong mas bata sa akin na nakilala ko din sa isang social website).

Lunch break na namin at tinatamad pa din ako kahit kasama ko na ang barkada ko. Wala talaga ako sa mood mag-aral ngayon, gusto kong umalis at magpakasaya ngayong araw. Nagulat na lang ako ng may nagtext sa akin, si Yhel. "Renz, gala tayo. Nandito ako sa may Sm Manila ngayon, gusto mong pumunta?". (Para sa mga hindi nakakaalam, ang SM Manila ang isa sa pinakaparating tambayan ng mga estudyante sa U-belt) Biglang nagpantig ang tenga ko. Nag-ayos agad ako ng sarili ko at nagpaalam sa mga kabarkada ko. Magcucutting muna ako ngayon. Kailangan ko talagang makita at makilala ng lubusan 'tong si Yhel. Excited ako. Hindi ko alam kung bakit. Kinakabahan din. Gustong-gusto ko na siya makita.

Habang papalapit ako ng papalapit sa Sm Manila, pabilis ng pabilis naman yung tibok ng puso ko. May halong kaba at excitement. Sabi ko sa kanya, mag-c-CR muna ako. Nag-ayos ng sarili para pogi ang dating sa kanya, hindi ako dapat maging confident kahit na alam ko namang may maibubuga ako. Paglabas na paglabas ko ng CR, bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha, si Yhel. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinagpapawisan ako ng sobra kaya wala na akong ibang nasabi kundi, "Hi!".

Yeobo, Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon