Chapter 10 Revelation

596 8 0
                                    

Tee's View

'tara let's play a game while we're drinking', yaya ko.

buti na lang at hindi slow sina jay, pumayag sila agad.

'anong laro natin?', tanong ni gee.

'hmmm.... spin the bottle matapatan truth or dare', sabi ko.

'sige game', sabi ng apat.

tahimik lang sina vee, siguro payag din tong mga to, tinitignan lagi ni vee si cee, tinatanong lagi if ayos lang siya. ang sweet talaga ng bestfriend ko. kinikilig tuloy ako.

nagumpisa na kaming maglaro. unang natapatan si jay ng bote truth daw, 'sinong mas mahal mo, si miss A or si mitchee?', tanong ni gee habang pinipisil ni nay ang kamay niya. hala sino si mitchee, bago nanaman ni jay adik talaga tong si jay, 'si... mi... t... chee...', sabi niya halatang nasaktan. tawanan na lang kaming lahat, aba tong si jay may bagong girlfriend nanaman.

Vee's View

tawanan kami, oo nga pala si mitchee bagong girlfriend ni jay, classmate niya ayun nabalitaan ko na lang na sila na after ng isang event sa college nila. pinaikot nanaman nila tumapat kay gee, hala gumanti si jay kay gee, tawa nanaman kami parang mga sira lang. ganun pa din umiinom pa din kami at sinasalo ko pa din ang para kay cee, pansin kong hilo na siya. natapatan na halos lahat ng bote, kami na lang ni cee ang hindi pa natapatan, bakit ganito bigla akong kinabahan.

okay... bakit parang tatapat sakin ang bote??? kabado ako... parang malalaman na ata nila ng di oras, andito pa man din siya, si cee.

biglang tumapat sa kanan ko, kay cee, nag dare siya.

'okay cee, dare pala ha', sabi ni tee.

'yhup', sabi niya.

'until matapos tayong maginuman lapitan mo then hug the person you like dito sa group', utos ni tee. hmm somethings fishy, parang planado ni tee to ha... pero pano kung sa iba lumapit si cee, ouch...

'ha???', namula ang mukha ni cee ng nagreact siya.

'...', bigla siyang napayuko.

tumayo na si cee, sabi ko na nga ba iba ang gusto niya. tapos nagunat, then nagayos ng upo. ha??? anong ginagawa nito parang ang weird niya...

'ui... ayos....', napatigil ako sa sinabi ko ng biglang yumakap sakin si cee, yung yakap na malambing. nakatingin lang samin sina tee na may evil smile. sabi ko na planado to. eto na eh wala na akong magagawa, pero masaya ako at nalaman kong gusto din pala ako ni cee kahit hindi niya sabihin.

hindi ko napansing pinaikot na pala nila ang bote kaninang tumayo si cee at tumapat ito sakin. saglit lang pinaikot nga ba nila ito or tinapat lang sakin. mga loko tong mga to pinagtitripan kami ni cee, wala na kong magagawa uutos na si tee ehh...

with a evil smile in her face, 'truth or dare?', tanong ni tee. tahimik lang si tee, alam nitong kahit saan ang piliin ko wala akong takas papaaminin nila ako.

'dare', sagot ko na lang.

napafist pump pa siya. masama to may plano to.

'okay vee, gano ka na kasi katagal na single, one year na nga ba? I... erase that... we want you to kiss the girl, either me or cee, you want', sabi niya na may evil smile pa din. sasagot na dapat ako, 'hephephep, bawal sa hand or sa cheeks, we want something sweet. diba guys?', tanong niya kina jay habang tumatango pa sila.

patay, wala na akong magagawa dito, patay na, malalaman na ni nila..

ANGELSWhere stories live. Discover now