Chapter 7 Angels' secret

651 12 0
                                    

habang naglalakad kami papunta sa office, tahimik pa din si cee. hindi ko alam kung saan siya natatakot, dun ba sa grupo kanina o sa akin.

'alam kong nagtataka ka bakit alpha anag tawag sa akin nina rico kanina at alam kong nakita mo na ang other side ko', sabi ko kay cee. bigla siyang napahinto, huminto na din ako at kinuha ang phone ko. hinanap ko sa contacts ko ang number ni jay, tatawagan ko muna.

conversation

'Jay'

'Oh vee napano bigla kang napatawag? san ka na praktis na tayo'

'Kayo na muna ang magpraktis, diba opm yung theme ng next gig natin?'

'oo, oi bakit hindi ka magpapraktis? eh si cee wala pa siya pano yan wala kakanta?'

'May gagawin lang kami para dun sa isang subject para bukas, kami ang magkagroup.'

'Oh pano niyan? uwi na kami?'

'Praktis niyo na muna ang mga part niyo, nagready na ako ng cd jan hanapin niyo may label yan na para sa gig natin. mostly paraluman alam kong kaya niyo na yan. halos tagalog yan, ako ng bahala kay cee may copy na din siya niyan.'

'Sige'

'Sige baba ko na dami pa kaming gagawin'

'Sige vee kami ng bahala dito'

binaba ko na ang phone, tinignan ko si cee, nakayuko pa din. nilapitan ko siya at bigla kong hinila. nabigla na lang siya sa ginawa ko.

'vee anong ginagawa mo?', bigla niyang tanong sakin.

'may pupuntahan tayo', sabi ko na lang habang tumatakbo kami.

'eh pano ang rehearsals natin?', tanong nanaman niya.

'halatang hindi ka nakikinig kanina. nakausap ko na si jay siya na munang bahala dun. madali na lang satin yung part natin kakanta lang naman tayo eh', sagot ko lang kahit hingal na hingal na ako.

'saan ba tayo pupunta?', tanong ulit ni cee. dami nitong tanong ha, parang quiz bee.

'basta. malapit na tayo', sabi ko na lang. huminto ako bigla kaya bigla siyang nabunggo sa akin at napaupo sa damuhan.

'aray', mahina niyang sabi.

'ay, sorry bigla akong napatigil. andito na pala tayo', sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siyang tumayo.

nakita ko ang pagkabigla sa kanya. sino ba namang hindi mabibigla sa garden na pinuntahan namin, madaming halaman, malamig yung simoy ng hangin.

'wow vee, ang ganda dito. pwede ba tayong pumunta dito? parang pang admin lang ang lugar na to eh', sabi niya sakin.

'welcome to my hideout', sabi ko na lang.

'ako lang pwedeng pumunta dito, palihim na binigay ng president ng university to sakin, kaya wag mong pagsasabi kahit kanino', sabi ko na lang sa kanya.

tumatawa siya ewan ko kung bakit.

'palabiro ka talaga noh, pero sige, your secret is safe with me', sabi niya.

umupo na ako sa damuhan tulad ng dati kong ginagawa pag tumatambay ako dito para magisip. umupo na din siya lumayo lang siya ng kaunti.

'may BO ba ako para lumayo ka?', palabiro kong tanong sa kanya.

tumatawa lang siya at halatang napansin niya na nahalata kong bigla siyang lumayo.

'uhm...', hindi na niya nasabi nag dapat niyang sabihin.

'alpha, yan ang tawag sakin ng mga grupo dito', bigla kong nasabi sa kanya.

tahimik lang siya at nagtataka bakit alpha ang tawag sa kanya.

'hindi lang isang banda ang ANGELS, isa kaming crew, mala fraternity pero total opposite kami ng mga fraternity jan na nagsusulputan', nakikinig lag siya sakin

'ako, si jay, at si kuya dee, kami ang first three, kami nagtatag ng grupo. una banda lang pero nun isang gig namin may napansin kaming magbabarkada na ginugulo ng mga fraternity'

'nilapitan namin at sinabihang tumigil, saktong susuntukin na ako ng isa sa kanila naunahan ko lang ng kaunti. kaming apat tatlo marunong ng martial arts kaya walang kwenta samin ang mga alam lang eh pang away kalye lang'

'natapos ang gulo ng dumating ang mga bouncer, sinabi na lang namin na ginugulo nila tong mga taong to kaya pinalabas sila ng bar'

'ng makauwi kami naisipan namin bumuo ng grupo na poprotekta sa mga mapangtrip na fraternity, sinunod namin sa pangalan ng banda ang pangalan ng grupo'

'dumating sina gee, eee, nay, at marami pa. kanya kanya kaming code, dahil kami ang first three, alpha, beta, at gamma ang code na binigay sa amin. hinango namin sa greek alphabet ang mga code namin. pero pabiro nila dahil nga angels tawag sa grupo first sphere, seraphim, cherubim at thrones. dahil ang hahaba pinili na lang namin ang alpha, ako, beta, si kuya dee, at gamma, si jay'

'nakilala ang banda, pati na din ang crew. nirerespeto kami ng mga kilalang fraternity sa buong manila. minsan sila na mismo ang humihingi ng dispensa sa mga kalokohan ng mga bago nilang kagrupo'

'dahil nga kilala na kami sa labas, ganun din kabilis kaming nakilala dito. ang presidente ng university, nung una galit sa grupo namin pero nung anak na niya ang natulungan namin sa labas laking pasasalamat niya, kaya ang office natin ganung kaganda ang gamit at kumpleto pa. nilapitan niya ako nung minsan at kinausap in private, binibigay niya itong garden sakin as a sign of gratitude. dahil alam niya na marunong akong magcompose, sabi niya pag nagsusulat daw ako ng kanta dito daw ako pumunta, tama nga naman siya nakakarelax dito, pwedeng magisip'

nakatingin ako sa langit habang nagkkwento, ang dami kong nakwento about sa grupo kaya halos alam na niya. napatingin ako sa kanya at napansin kong kanina pa pala siya lumapit at nakatingin sakin habang nakasmile.

biglang bumilis ang tibok ng puso ko. grabe bakit ganito naman oh. biglang lumalapit mukha ko kay cee, hindi ko mapigilan nag katawan ko, parang may sariling pagiisip. hinawakan ng kanang kamay ko ang chin niya habang papalapit ako. ilangi inches na lang malalapat na ang aming mga labi, bigla siyang napapikit.

bigla kaming napalayo sa isa't isa ng biglang magvibrate mga phones namin, may text message. walang hiya, panira ng moment, sino naman kaya biglang magtetext.

nakita kong si jay pala ang nagtext, nagkatinginan na lang kami ni cee.

text message

'Vee saan ka niyan. umuwi ako ngayon wala kaming pasok ng one week, punta tayo sa amin. The usual tayo jam kain, friday naman ngayon at alam kong wala kayong pasok bukas maliban kay jay

Cee, hi im Tee sama ka din, i want to meet you sis.

Vee sama mo yang si cee kung hindi lagot ka sakin.', text ni tee gamit ang number ni jay, natatawa talaga ako kay tee pag ganito siya magtext parang mas matanda pa sakiin kung umasta.

nagkatinginan kami ulit ni cee katapos naming mabasa ang text message ni tee. 'oh wala ka nang takas, sama ka daw, same subdivision lang din natin si tee kaya don't worry', saib ko na lang sa kanya. napatango na lang siya.

inalalayan ko ng tumayo si cee, 'tara na puntahan na natin sila', sabi ko na lang, pero ang tahimik pa din ni cee. yan nanaman siya ang tahimik.

naglalakad na kami papuntang parking lot. total silence, awkward silence, hindi siya kumikibo. binuksan ko na ang pinto ng dala kong kotse at pumasok na siya, sumakay na din aq sa driver's seat at pinaandar na ang kotse papunta kina tee.

ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon