Chapter Five

4.9K 87 1
                                    

CHAPTER FIVE:

*BEEP! BEEP!*

Tss. Andyan na pala si Mr. Sungit. -____-

“Tonie! May naghahanap sa’yo oh.” Tawag sakin ni Jess, yung ka-room mate ko.

“Ayeee. Gwapo diba yun, boyfriend mo?” pa-biro ni Jess.

Aynako. Kung alam mo lang. -____-

“Hindi ah, umm, barkada ko lang yun.”

“San ang punta niyo?”

“Ahh, uuwi kaming Laguna, kila mama.” Sagot ko.

“Anong meron?” tanong niya ulit.

*BEEP! BEEP!*

“aahh, eeh, sige, alis na ako. DI NA KASE MAKAPAGHINTAY ANG ISA DYAN.” -____-

“Oh sige, ingat sa biyahe.” :)

At ayun na nga, bumaba na ako.

“Oh, papunta ka saan?” Si Kuya Alfie pala.

“Uuwi lang naman ako Kuya samin.” Pangiti kong sabi.

“Alam na baya yan ni Mama? Eh si Tita Nina? Alam niya bang pauwi ka? Teka nga pala, ba’t ka uuwi? Bakasyon ka lang naman umuuwi ah.”

Anubanaman to si Kuya, andaming tanong. -___-

At si, Tita Nina nga palang tinutukoy ni Kuya, ay yung mama ko. Tita tawag niya dun eh, kahit na sinabihan na siya ni Mama na Mama na din ang itawag sa kanya.

At ito pa, nung unang nakita yan ni mama, napagkamalan ba naming boyfriend ko daw! At sinabi niya pa kay kuya na bagay kaming dalawa. -___- Mabuti na nga lang at wala nun si Ate Denise, ay nako. Nakakahiya naman. TT_TT

Aaminin ko, may crush ako kay Kuya Alfie, pero hindi ko man lang inasam na mag-break sila ni Ate Denise kailanman! Di ako ganun kasama no. -___-

“Sasagutin ko ang mga tanong mo in order; Oo, alam na nang mama mo, alam nang mama ko, at uuwi ako dahil may pag-uusapan kami.”

Technically, alam ni mama na uuwi ako pero di niya alam na may isa pa akong kasama. -__-

O__O - Si Kuya.

“Ahh, ganun ba. Pero, sinong kasama mo papauwi?”

Shucks. .___.

“Ummm, m-may barkada akong ka-you know…” patameme kong sagot. Di ko kayang mag-sinungaling kay Kuya Alfie. TT.TT

“Ahhh –“

*BEEP! BEEP!*

Sabay napatingin kami ni Kuya Alfie sa biglang pagbukas nang pinto ng kotse.

Bakit bumaba pa siyaaaa!? -___-

“May itatagal ka pa ba?” tanong ni Adrian sabay nag-taray. (Yung bang, parang mataray na itsura nang lalaki, yung ganun.)

“Sino naman ‘to?” tanong ni Kuya Alfie.

Nagkatinginan yung dalawa ng ilang Segundo sabay nginitian ni Adrian si Kuya na halata namang fake smile. Well, para sakin oo. Ewan ko na lang ang dating nun kay Kuya Alfie. O__O

“Good Morning.” Sabay inabot ni Adrian yung kamay niya kay Kuya para mag-handshake.

“Adrian Montero nga pala, boyfriend niya.” Sabay hinand-shake niya yung kamay ni Kuya Alfie, na na-surprised ang itsura nang mukha.

ANO KAMO? BOYFRIEND KO?! o____o

“Boyfriend? Kailan ka pa nagka-boyfriend?!” biglang sigaw ni Kuya Alfie.

Permanently Married At EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon