Chapter 5 (Goodbye)

65 2 1
                                    

Napaupdate ako bigla kasi may unang beses nagvote sa last chapter update ko. Wooo! Hindi naman ako ganun kagaling magkwento pero gusto ko pa rin ishare yung kaya ko. I can't dedicate this chapter to her kasi nagloloko talaga si globe kaya rektang upload sya. I hope you'll read this. Salamat!
Ibubuhos ko na yung hugot ko for this plus background songs for more feels pa. Hope 'ya like it!

--

Mabilis na naglakad si Summer patungo sa table nila ni Storm. Lutang at parang wala sa sariling umupo ito sa kanilang pwesto habang nakatingin lang sa kanya si Storm.

"What happened?" Tanong ng binata. Simpleng nginitian lang ito ng dalaga. "Ayos lang ako." Sabi pa nya.

"Mukhang hindi naman."

"Kumain na muna tayo Storm." Nagsawalang bahala nalang ang binata sa kakaibang ikinikilos ng dalaga.

Patuloy pa din ang pagkain nila hanggang sa walang imikan pa ring natapos ang kanilang kinakain. Nagpakawala na lamang ng hininga si Summer at nginitian ang kasama.

"Magreresign na ako." Nagulat si Storm sa sinabi ng dalaga. Binabasa nya ang mga mata nito kung ano ang bumabagabag sa kanya ngayon para maging ganito katamlay ito.

"Bakit?" Tanging naitanong na lamang niya.

"Wala na akong pag asa. Ikakasal na sya sa iba, Storm." Tipid na ngiti ang pinakawalan ni Summer na ikinabahala naman ni Storm. Ayaw man nyang nakikitang ganito ang kanyang mahal ay wala syang magawa.

'Bakit ba hindi nalang kasi ako?' Sa isip isip ni Storm.

"Nasabi mo bang mahal mo sya?"

"Hindi. Para saan pa ang sasabihin ko diba?"

"Malay mo magbago pa ang sitwasyon." Pagpapalakas loob nya sa dalaga. Martyr ngang masasabi na pinapalakas nya ang loob ng taong mahal nya. Hindi ba ganun naman talaga pag nagmamahal ka? Kahit masakit, magpaparaya ka kung hindi sya masaya sayo.

"Ayoko manira ng relasyon."

"Bakit hindi mo muna subukan?"

"Natatakot ako. Sa totoo lang, dapat matagal ko nang ginawa ito. Dapat matagal na akong lumayo pero mapilit yung tadhana samin. Sasaktan na naman niya ako." Mapaklang napangiti si Summer nang may dumaloy na butil ng luha sa kanyang mga mata.

"Aminin mo sa kanya yung nararamdaman mo, Summer. Deserve ni Jack malaman yun." Pilit na nginitian ni Storm si Summer para hindi mapansin ng dalaga na unting unti na naman syang nadudurog.

**

'Kaya mo 'to! Ibibigay mo lang yungvsulat Summer tapos aalis ka na.' Wika sa sarili ng dalaga.

Inaantay pa rin nyang dumating si Jack sa opisina nito sa bahay upang magpasa ng resignation letter. Tulad ng sinabi nya kay Eleanor ay lalayo na sya.

'Bakit ba ang tagal nya?' Tanong nito sa sarili.

Napabalikwas sya ng tingin sa pintuan ng may pumasok. Si Jack. Mukha itong pagod pero wala ng atrasan pa. Hingang malalim.

"Mr. Frost, ito ang resignation letter ko. Hanggang ngayong araw nalang po ako." Nabigla si Jack sa narinig niya.

"Why are you leaving?" Tila nablanko ang isip ni Summer sa tanong na iyon. Ano nga ba ang dahilan?

"Ahh.. Ehh."

"I thought you want job? Aren't you happy with your job here?"

Cold stares. Cold voice.

"Masaya naman po ako pero siguro hindi na po ako yung bagay para sa bagay na ito." Makahulugang sabi ni Summer. Tinitigan lamang sya ni Jack habang inaabot kung ano ang dahilan nya.

"Tell me, is it about Eleanor?"

"No, Sir." Mabilis na depensa niya. Jack smirked.

"So, is it all about her. So, this time what did she tell you?"

"No, Sir. I'm not fit for this job anymore. That's why I resign. There's no Ms. Eleanor involve here."

"Liar."

"You choose to leave again? Is it hard for you to choose me this time?"

Napatahimik nalang si Summer sa tabi habang nakikinig lamang sa mga sasabihin ni Jack. Less talk, less pain.

"Why is it hard for you? Huh? Am I not that worth for you to stay?"

'Less talk, Summer. Less talk.' Pagkumbinsi sa sarili.

"JUST F*CKIN' SAY SOMETHING!" Hinawakan nya ang kamay ni Summer at tinitigan sa mata.

"You choose other people again? You're hurting me again, Summer. Why? Is it because I can bare the pain does it mean that I'm not capable of hurting?"

"ANSWER ME! FVCK!"

"May fiancee ka na diba? Bakit gusto mo pang magstay ako? Ano ba ako? Panakip butas? Laruan? Tao ako! May damdamin din ako." Umiiyak na tugon ni Summer.

"So what's the deal?"

"Deal? Jack, hindi na tayo bata. Alam mong ikakasal ka na diba? Kasal yun e. Hindi yun dapat sinisira."

"I didn't see your point."

"Kasi selfish ka na naman. Sarili mo na naman ang iniisip mo!"

"All I want is you! I want you to choose me this time. Is it that hard? What can you even understand! That's a clear point! I WANT YOU!"

"Hindi na nga pwede na ganun! Kahit pa anong gawin mo, ikakasal ka pa rin!" Naiiyak na sabi ni Summer. "Mahal na mahal kita Jack pero hindi yun sapat para sirain ko ang kasal mo."

Natahimik si Jack sa sinabi ni Summer. After 8 years nasabi na sakanya na mahal sya nito pero bakit hindi nya magawang lumaban?

"You always sacrifice Summer. When will you choose yourself and your happiness?"

"Kung mahal mo kasi ang isang tao, kahit hindi sya mapupunta sayo pipilitin mong maging masaya. At yun ang gagawin ko ngayon."

"Fight for me, Summer. All I want you to do is fight. Because I love you. Fight with me."

"I can't.. Sorry."

"WTF IS WRONG WITH YOU!"

"I really need to do this Jack. Tapos na yung sa atin. Tapos na yung nakaraan para satin. Kaya tapusin na din natin para hindi ka na mahirapan pag ikinasal ka na."

"Why do you keep on deciding! It's my life! I can marry whoever I want! And Eleanor isn't gonna be my bride. Can you please atleast pick me for once? I can give you everything. Do you know that, right?"

"Tapos na tayo, Jack. Palayain mo na din yung sarili mo. Kasi ako kakayanin ko para maging masaya ka."

"How can I be happy if it's not you? I love you, Summer."

"Wag na natin pahirapan yung sarili natin kasi nahihirapan lang tayo. May mga bagay kasi na dapat na ring sukuan. Kaya sukuan mo na ako gaya ng pagsuko ko sayo."

"You're selfish."

Umiiyak silang parehas habang ang ulan ay nakikisama sa pighati nila. Siguro nga, lahat ng pagkakataon na may mamahalin ka kailangan mong timbangin kung karapat dapat syang ipaglaban o hayaan nalang lumayo.

"If that's what you want. Go. Leave. Don't ever come back."

"Goodbye, Jack."

"Leave!"

At lumabas na sya sa pintuan kasabay ng paglabas nyang muli sa buhay ni Jack.

'Why is it too hard to love you, Summer?' Bulong ni Jack sa sarili.

By The Way, I Love You (BTW, It's Now Jack Daryl Frost FanFic)Where stories live. Discover now