Chapter 1 (Realizatons)

127 1 0
                                    


8 years ago

Umaga na...
Panibagong araw na naman ang lilipas para sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makausad sa bagong simula na naghihintay sa kanya. Isang araw na naman ang kailangan nyang hintaying matapos hanggang sa makatulog nalang sya ulit.

Ano na ba ang nangyari?

Nakatitig lamang sya sa kawalan habang nahiga pa rin sa kanyang kama. Panibagong araw, panibagong sakit na naman ang kanyang iindahin para mabuhay pa.

Halata sa kanya ang pangangayayat at ang hindi pagtulog dahil sa mga salitang iniwan sa kanya ni Jack.

Totoo nga ang kasabihang, malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay kapag nawala na ito sayo.

Nagsimula na naman syang lumuha hanggang sa hindi na nya mapigilan ito. Bahagya syang napahikbi habang nakatingin sa kawalan.

Bakit nga ba umabot ito sa ganito? Bakit ganito kasakit ang mga ito? Bakit? Tanging tanong nya sa sarili.

Nag aalalang naghihintay sa hapagkainan ang ama't ina nya dahil lagi nalang itong hindi kumakain. Palihim na humihikbi ang kanyang ina habang pinapatahan naman ito ng kanyang ama. Malungkot na tumingin lamang ang kanyang kapatid sa mga magulang nila.

Bakit nga ba umabot pa ito sa ganito?

Sa kabilang banda..

Nakaupo lamang sina Israel, Drake, Justine at Storm sa kanilang hide out habang umiinom ng alak. Panibagong araw na naman ito na walang Jack Frost na nagpapakita sa kanila.

Nasaan na nga ba sya?

"Nakakaboring din pala na ganito na lang tayo." Binasag ni Drake ang katahimikan nila.

"Ano ba ang magagawa natin? Umaalis na sya. Hindi nga nagpaalam pa sa atin." Ika ni Justine.

Tahimik lang na nakikinig sina Israel at Storm. Ni hindi na ulit nasundan pa ng kahit anong konbersasyon matapos magsalita ni Justine. Masakit sa kanila na lumayo agad si Jack sa kanila. Mahirap man sa kanila ang nangyayari ay kailangan na nilang tanggapin ito.

Sa bahay ng mga Pascua..

Tahimik na tinatahak ng ina ni Summer ang daan papunta sa kwarto ng kanyang anak. Gusto nya ito makausap para malaman kung ano ang nangyari. Bilang isang ina, mahirap makita na nahihirapan ang kanyang anak ngunit wala man lang syang magawa kundi mag antay.

Kumatok muna ito bago pumasok sa loob ng kwarto at naabutan nya si Summer na tahimik na natutulog sa kanyang kama. Bakas pa rin sa mukha nya na galing ito sa pag iyak. Halata sa mukha nyang may dinaramdam sya ngunit hindi nya ito masabi sa kanyang ina.

"Anak, kung ano man yang pinagdadaanan mo alam mong nandito lang kami para sa'yo." Hikbing sabi ng kanyang ina.

Unti unting minulat ni Summer ang kanyang mata matapos maramdaman ang mga tubig na nalalaglag sa kanyang pisngi. Napabalikwas ng bangon ito nang makita ang kanyang ina na lumuluha. Nakaramdam ito ng pag aaalala at agad itong niyakap ang ina.

"Anak, kung nahihirapan ka na sabihin mo sa akin."

Napatitig na lamang ito at maya maya'y naglihis ng tingin. Ramdam na ramdam nyang apektado na rin ang kanyang pamilya sa pagiging balisa nya nitong mga nakaraang araw.

Pinilit na lamang nyang ngumiti at hinaplos ang mukha ng kanyang ina.

"Ma, kinakaya ko pa naman. Kinakaya ko pa naman yung sakit pero parang gusto ko na ring sumuko."

"Ano ba talaga ang nangyari?"

"Mahabang kwento, ma. Ang alam ko lang, hindi ko na sya makikita pa." Napahagulgol sya nang bitawan nya ang mga katagang iyon.

"Di ba mahal ka nya? Magpapakasal pa kayo di ba? Yun ang ipinangako nya sa amin."

"Hindi na nya iyon matutupad, ma. Hindi na. Sumuko na sya sakin. Iniwan na nya ako."

"Hindi ko man alam ang tunay na dahilan kung bakit nagkakaganyan ka pero alam ko na magiging maayos lang ang lahat. Magtiwala ka sa diyos, anak. Wag mong hayaang ikalubog mo ang mga nararamdaman mo. Malay mo, baka isang araw magtagpo ulit kayo."

Pinilit nalang nyang sumang ayon kahit na masakit sa sarili nyang tinatanggap na kasalanan nya kung bakit sila umabot doon.

'Ako naman talaga ang dahilan kung bakit sya sumuko.' Ika nya sa sarili.

*

By The Way, I Love You (BTW, It's Now Jack Daryl Frost FanFic)Where stories live. Discover now