Chapter 8

87 3 4
                                    

 Thank you sa pag-RL. It means a lot to me. :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Neil’s POV

“Come again, Tito?” sabi ni Ella.

“Anak, halika dito, nagpprocess pa utak ng ninong mo.” Tawa ni Peigh. Hindi ko namalayang si Cade nagpapabuhat kasi sa akin.

“They’re getting engaged, isn’t that wonderful, hija?” Tita Arlene almost squealed.

“Pinauuwi ko na nga ang mga kuya ni Cassie e. Pero di pa nila alam ang rason. Surprise ba!” sabi ni Tito Darwin na tatawa-tawa pa with Tito Dan. Ang mommy ni Cas iiling-iling naman.

My eyes drifted towards Cas and Ron’s intertwined hands. It just seemed so surreal.

Nakakita ang mga parents nung dalawang kaibigan ko ng mga iba pang kakilala nila.

The moment na wala nang nakatingin sa amin, in long strides, dali-daling hinaltak ni Ella si Cassie papunta sa banyo.

Di ko maiwasang magflashback to the time na kinorner ko si Ron after our beach outing.

“Ron, talaga bang pambabakod nalang ginagawa mo kay Cas?”  direstsahang tanong ko sa kanya.

“Oy Neil! Ano naman yan? What’re you implying?” Bopols din to minsan e. Akala ko pa naman magkadikit utak namin. Sabay di niya ako ma-gets?

“This was the 2nd time, pre e. Nung unang dinner natin with Cas, kasama yung mga kaibigan ni Dylan, bantay-sarado din si Des nun a!” I continued to tease him.

“Eh! Mga engot yun e. Parang di nakakakita ng babae. Kawawa lang si Des sa mga yon, pre. Alam mo naman yun.”

Nung pinapakilala palang namin kasi si Cas sa kanila, nagpapahiwatig na sila na type nila si Cas. Sa pagkagulat namin lahat, tinabihan ni Ron si Cas at todo alaga pa. Syempre, di na umubra yun iba. Di na nakaporma.

“Sabagay, may point ka. Pero, Pre, di nga? Hindi ka bantay-salakay a?” balak ko kasi siya tadtarin pa ng tanong ito e.

“Promise pre, pambabakod lang. I assure you that. Nothing more, nothing less.” I shrugged it off nalang kasi with conviction niya pa sinabi, meaning wala ako mahihita sa pag-iinterrogate ko.

Pero iba na nararamdaman ko at iba na ang nakikita ko. That is why I devised the dare thing nung inuman. Jeez. Malay ko ba na iba ang kinahahantungan ng pagbuyo ko na magkiss sila. After a day of trial, engaged na sila agad.

Just before reaching the male and female’s bathroom, lumiko yun dalawa sa isang staircase patungo sa mga meeting rooms ng mga orgs. Tipong kinakaladkad ni Ella si Cassie na tipong statwa lang.

Tinignan ako ni Ella na parang “don’t you dare follow us” or “keep your distance, na mga tipong basta di niyo kami maririnig” look niya. Sus, kabisado ko tong pinsan ko. So dun lang kami sa stairs habang yun dalawa nasa dulo na ng hallway ng 2nd floor talking in hushed tones.

“Congrats, pre!” I grinned. “Sa batch at barkada natin na lalaki, ikaw mauunang ikasal!”

Nakisabay siya sa pagtawa ko. Kahit kalian ata di ko maaasar tong taong to.

“Thanks pre!” Haha! Sabi ko na ra-ride-an lang nito e.

Napatingin kami kina Ella’t Cas. Parang umiiwas ng tingin si Cas ay Ella. Mukhang serious mode itong dalawa. Maya-maya sumeryoso na rin tong kasama ko.

Am I allowed to fall in love with him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon