Chapter 3

26 1 0
                                    

Chapter 3

December 2, 2013

Starlights Residences, Quezon City

Madaling araw nang matapos ang party. Gamit ang sasakyan, hinatid ko na si Ate Dinky sa bahay nila sa Quezon City. Malapit lang naman 'yon sa condo ko. Pagpasok ko sa unit ko, natulog na ako kaagad dahil sa sobrang pagod.

Hapon na rin ng magising ako. Birthday na birthday ko ngayon pero wala akong handa, walang party. Pero nagulat ako nang may makita akong mga gifts sa may sala. Nang tingnan ko yun, sa mga fans ko pala galing.

Nung binuksan ko yung mga gifts, isang malaking golden brown na teddy bear na may suot na red T-shirt. At yung T-shirt may nakaembroidered na "We Love You, Jasmine!" Yung isang box naman ay isang scrapbook na puro mga pictures ko.

Napangiti naman ako. May nagmamahal din pala sa akin kahit ganito ako. Sa gitna ng pagbubukas ko ng mga gifts, nabulabog ako nang may magdoorbell.

*ding dong* *ding dong*

Chineck ko muna kung sino. Naku si Albie lang pala, yung stylist slash make up artist ko. Binuksan ko na ang pinto.

"Ang tagal magbukas ng pinto ha." say niya at pumasok na dala ang ilang paper bags. "And why are you here?" mataray kong tanong sa kanya. Bakit kaya 'to nandito. Wala naman akong nakaschedule na appointment ngayon ah?

"Haleeer! Birthday mo kaya! Dapat nag-eenjoy ka ngayon at hindi nagmumukmok sa isang kwarto lang noh?" sabi niya sa akin habang tinuro-turo ako. Aba! Stylist ko lang siya pero kung makapagsalita ang bakla kala mo siya ang amo ha!

"At saan naman ako pupunta?" tanong ko sa kanya. "Wala naman akong kasama." sabi ko sa kanya.

"Kaya nga ako nandito di ba!" sabi niya at inabot sa akin yung mga paper bag na dala niya. "And what am I gonna do with this?" tanong ko sa kanya. Kinuha ko na yung mga paper bag.

"Hala, bilis! Anong oras na oh!" tumingin siya sa relo niya. "Magbihis ka na." sabi niya sa'kin. Teka, inutusan niya ako?! Hayaan na nga. Pagbigyan. Tapos, tinuak tulak niya pa ako papunta sa room ko.

Pumasok ako sa kwarto ko para magbihis. Nang kunin ko ang laman ng isang paper bag, isa itong red dress. Sinuot ko na 'to. Actually, ang ganda nung dress. Heart-shaped tube ang style ng upper part ng dress. Then fitted sa baba ng tube na may mga gold beads and sequins design. Mula don pababa sa hem ng dress ay may splits na sumasabay sa bawat galaw ko.

Hindi na ako nagtagal pa. Binuksan ko na ang isa pang paper bag. Isang black velvet stilletos with small gold chain design sa may ankle that matches the gold beads of the dress. Bagay siya sa dress which made me looked more sophisticated and HOT.

Gift naman ang laman ng last na paper bag. Hmmp! Mamaya ko na 'yan bubuksan. After nalang ng pupuntahan namin.

Pagkalabas ko ng pinto, nakita kong nakaupo pa rin si Albie sa sofa. "Albie, okay lang ba yung suot ko?" tanong ko sa kanya. "Hindi kaya masyado akong revealing sa dress na'to?"

Tumingin siya sa akin with a weird expression. "Oh. My. Gosh. You look like a goddess!" he exclaimed. Then, napatulala na lang siya. I snapped out of my fingers. "Ano? Aalis na ba tayo o gusto mong malate tayo sa lakad natin?" tanong ko. Masyado sigurong na-amazed sa ganda ko. Bakit? Ngayon lang ba niya ako nakitang mag-ayos eh siya nga stylist ko diba?

"Bakit bigla ka naman naging excited ha?" pag-uusisa niya sa akin. Bakit nga ba ako excited? Hindi ko nga rin alam eh. I think there's something that's going to happen tonight. And what is that? I don't have any idea.

"W-wala." sagot ko. "Where are we going ba?" pagche-change topic ko. Naglakad na siya sa may pinto at sinabi, "Sa Bar." Yun lang at lumabas na siya. Sa bar? Anong klaseng bar? Comedy bar? Gay bar? Eww.

She's an Angelic DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon