Chapter 62: Devil's Plan

294K 3.1K 672
                                    

Hana's POV

Nagpaikot ikot ako sa kama. Bakit ba kasi.... ok fine,inaamin ko na kinikilig ako sa nangyari sa amin ni Alikabok.

** flashback

"Omg! Nabuksan ko!" Sigaw ko ng makuha ko yung passcode niya! Ang dali naman kasi. 5555 lang! Hahahaha. Bobo nitong Alikabok na to!

Busy ako sa paghahanap ng video niya kaya hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala ito. Inagaw niya agad yung phone niya at buti na lang mahigpit ang hawak ko dito kaya hindi niya ito nakuha.

Itinaas ko ang kamay ko. Hawak naming pareho ang phone. Kaya parehong nakataas ang kamay namin.

Kaso narealize ko na ang liit ko pala at ang tangkad niya. Anong silbi ng pagtaas ko ng phone? Eh walang kahirap hirap naman abot niya. Psh!

Sinusubukan niyang kunin ang phone niya pero hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak sa phone niya.

"Bitawan mo nga! Bakit ba ayaw mo ipadelete yung video?" Inis kong sabi. Kainis naman kasi. Ano ba kasing problema niya at ayaw niya ipadelete.

"Ako na nga magdedelete!" Sabi niya. Pssh! Wala akong tiwala sa kanya.

"Ayoko! Gusto ko ako mismo!"

"Aish! Kulit naman oh!"

"Ikaw tong makulit e! Siguro may iba ka pang sex--i mean scandal dito no? Tama ako no? "

"Kapag hindi mo binitawan to,hahalikan kita!" As if kaya niya!

"Subukan mo--" naputol ang sasabihin ko ng biglang dumampi ang labi niya sa labi ko. Itutulak ko sana ito kaso hinawakan niya ang bewang ko at hinila palapit sa kanya.

Binaba ko ang nakataas kong kamay at napahawak sa balikat niya. Bigla kasing nanlalambot ang mga tuhod ko. Kung kaninang pagyakap niya sa akin ang bilis ng tibok ng puso ngayon parang any time sasabog ito. At kung yung mukha ko kanina ay nagiinit siguro ngayon toasted na to.

Ganito din ba naramdaman ko noong gabing...nangyari yon?

Mas lalong lumalambot ang tuhod ko sa bawat galaw ng labi niya. Bakit ba feeling ko hinihigop niya ang lakas ko? Siguro kung hindi lang ako nakahawak sa balikat niya kanina pa ako bumagsak.

30 seconds? 40 seconds? 1minute? 2 minutes? Hindi ko alam kung gaano katagal niya ako hinahalikan.

"Pffft."

The heck? Pagkatapos niya akong halikan pagtatawanan niya ako?

"Hindi kana Radish! Reddish na! HahahahaOuch!" Hinawakan niya yung paa na inapakan ko. Pasamat siya hindi yung may heels ang suot ko.

Nagulat ako ng bigla niyang agawn yung phone niya. Ang daya! Hindi ako ready.

"Wala naman video dito e. Binibiro lang kita." Natatawang sabi niya.

Tinignan ko ito ng masama.

"Sinabi ko lang yon kasi... para di ka umalis."

"P-patingin muna!" Baka kasi sinasabi niya lang yun para hindi ko makita at para hindi madelete yung video.

"Wala nga! Kulit nito." Sabi niya sabay tinago niya yung phone ss bulsa niya.

"Pssh. Wala daw! Eh bakit ayaw mo ipakita?"

"Kasi nga baka may makita ka!"

"Ano ba hindi ko dapat makita?"

"Ikaw!"

"Ha?"

"A-eh Ikaw! *tinuro ako* wag kang makulit!"

"Eh kasi naman ipakita mo--"

Trip In Love or Fall In Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon