Chapter 60: Her past.

277K 3.3K 301
                                    

Third Person's POV

"Anong oras ka uuwi?" tanong ni Hana kay Yuki sa Phone.

"kapag natapos na namin tong porject namin." sagot ni Yuki. Nasa bahay ng classmate kasi siya dahil gumagawa sila ng project. Deadline na kasi bukas kaya tinatapos na nila ngayon. Hindi sila magkagrupo ni Hana dahil pinaghiwalay sila ng teacher nila dahil lagi na lang daw sila magkasama.

"ipapasundo pa ba kita?" tanong ni Hana. 8pm na kasi ng gabi.

"wag na,magtataxi na lang siguro ako." sabi naman ni Yuki.

"okey,sige kung yan ang gusto mo. bye. tawag ka kung nagbago isip mo." hana.

"sige sige. bye." paalam ni Yuki.

"Girls,tapusin na natin to agad!" sabi ni Yuki pagkababa ng phone.

"oo nga. papagalitan na ako kay Mama." sabi ng isa niyang classmate na si Carmel.

"Lalo na ako,hindi nga ako nagpaalam e." sabi naman ni Mary Grace.

"Napagusapan na kasi natin na gagabihin tayo hindi pa kayo nagpaalam." sabi ni Camilla. Wala naman problema si CAmilla dahil nasa bahay nila kami.

"Gawin niyo na nga pinapagawa ko. Para makauwi na tayo agad. anong oras na oh!" utos ko sa kanila. Eh kasi naman daldalan lang kami at madami pang ginawa bago simulan yung project.

Alam niyo naman kapg Group Project. Madalas na nauuwi sa Group Daldalan, Group Kainan at Group Picturan bago matapos ang project.

**

10pm na nung natapos nila Yuki ang project nila.

"saan kayo uuwi?" tanong Yuki sa mga kasama niya. Apat sila sa grupo.

"malapit lang ako dito. Maglalakad na lang siguro ako. Sayang pamasahe." sagot ni Carmel.

"Malayo bahay ko. Magbbus pa ako tapos tricyle. ikaw Yuki?" tanong ni MAry Grace.

"Magtataxi na lang siguro ako." nakangiting sagot ni Yuki.

"O siya,Magsilayas na kayo!" biro ni Camilla

"Ingat kayo pauwi ha. Basta itext niyo ko kapag nakauwi na kayo." dagdag ni Camilla.

"Ok." sabay namin sagot.

Kasabay kong lumabas sa Subdivision si Mary GRace. Ibang way kasi si Carmel . Nagkkwentuhan sila about sa boyfriend ni Carmel. Medyo hindi na daw nagwowork yung relationship nila. Si Yuki naman Tahimik lang at nakikinig. Wala pa kasing experience si Yuki sa mga pakikipagrelasyon kaya wala itong maiadvice sa kaibigan.

Trip In Love or Fall In Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon