The More You Hate, The More You Love [KathNiel] Chapter 25

14.8K 341 14
                                    

DJ’S POV

Nakakatamad naman dito! Buti na lang binuksan ni Kath ung radio. Aba, Something About You ang kanta. Nakaka-relate ako dito, huh. Magsimula kasi nang makilala ko siya, marami na ang nagbago sa akin. Kung dati, womanizer ako, chickboy, bad boy pero ngayon, di ko masikmurang lokohin si Kath kahit na fake lang kami. Nung nag-away kami, nagalit ako sa kanya, pero, di ko siya natiis kaya agad ko siyang napatawad. Isang smile lang niya, solve na ang araw ko. Nawawala ang mga problema ko kapag nakikita ko siya. Di ko alam kung anong meron siya na wala ang ibang babae. Napatino niya ako nang hindi ko alam.

Aish! Andrama ko! >.<

Yan, di ko tuloy napansin na andito na pala kami.

 

 

“Dito na pala tayo,” sabi ko sa kanya. Nakatingin pala siya sa akin. Di ko napansin.

 

 

“Ah, okay,” matipid niyang sagot. Haha, huli ka.

“Nagagwapuhan ka na sa akin, noh?” tanong ko.

“Ano? Kapal mo!”

 

“For the nth time, payat nga ako. Hindi ako makapal. Sus, eh bakit ka nakatingin sa akin?”

 

 

“Ah eh. Tinitingan ko lang kung anong nagustuhan sa iyo ng mga babae.”

 

 

“Pakita ko sa’yo? Eto oh,” tapos finlex ko ang biceps ko.

“Yan ang nagustuhan nila sa’yo? Come on, give me a break. Eh, kasing-nipis yan ng toothpick eh.”

 

 

“Ah, ganun? Eh, ikaw? Anong nagustuhan nila sa iyo?”

 

“Kagandahan ko.”

Aba, mahangin pa ang chaka.

“Kagandahan? Eh, pisngi mo palang siopao na eh.”

 

“Ewan ko sa’yo, PATPATIN!!”

 

“SIOPAO!”

 

 

“PATPATIN!”

 

 

The More You Hate, The More You Love [KathNiel] *~FIN~*Where stories live. Discover now