The More You Hate, The More You Love

81.6K 649 18
                                    

Kath's POV

            Haay, naku. Late na naman ako. Baka magalit si Mr. Bernal niyan. Bakit naman kasi palaging traffic sa may highway eh! Ayan, umuusad na. Ayos!  

            Ay, ako nga pala si Kathryn Santos. Tawagin mo na lang akong Kath. Nag-aaral ako sa Reyes University o RU for short. Like always, late na naman ako. Isang malaking machine gun niyan ang aabutin ko sa adviser kong pogi. Siya si Mr. Andrew Bernal. Oo, aaminin ko, mayroon akong konting pagkagusto sa kanya. Pero konti lang naman.

            "Sino pong bababa sa RU?" tanong ng driver ng jeep.

            "Ahm, ako po," tugon ko sa kanya.

            Hala, 10 minutes na lang at nasa Building 2 pa ang classroom ko! Late na talaga akoo!! Kumaripas ako ng takbo nang biglang - KABLAG!!! Aray naman! Sino ba 'tong nabunggo ko?

            "Will you please be more careful next time?" sabi niya. Hala, englishero siya!

            "Sorry ah. Late na kasi ako!" sabi ko.

            Tiningnan ko siya. Double malas naman! Si Daniel Reyes pa nabunggo ko! Si Daniel lang naman ang anak ng may-ari ng school. Sabi ng mga kababaihan eh, siya RAW ang pinaka-magaling na basketball player, pambato ng volleyball team, varsity ng badminton, the best sa klase at hari ng kagwapuhan. Eh puro positive naman 'un eh! Kung nagging kapitbahay mo 'yan dati, hindi mo 'yan sasambihin eh!

The More You Hate, The More You Love [KathNiel] *~FIN~*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon