Chapter Twelve

152 15 19
                                    

CHAPTER TWELVE
Let Sleeping Corpses Die

October 30, 2015, Friday
Blue Bay Retreat House, Azulan City

We are all going to HELL.

Those were the only thoughts running through Cess' mind as she watched Kevin trying to do what seems to be whacking while dancing to the Papuri Sa Diyos Remix. Dumagdag pa sa kagaguhan niya ang wala sa tono niyang pagbirit ng kanta na pinaghahalo niya kasama ang Ama Namin at Kordero Ng Diyos.

"Papuri sa Diyos. . .na nag-aalis ng mga kasalanan sa mundooo. Para ng pagapaptawad namin sa nagkakasala sa amin. . .sa kaitaasan, Papuri sa Diyooooos," walang humpay na kanta ni Kevin habang parang tanga namang winawagayway nina Anthony at Raziel ang kanilang braso na animo'y nasa concert sila.

"You'd think his religious friends would stop him from this blasphemy," Cess muttered to Marelo who was standing beside her.

Instead, the idiot Clyde was screaming, "Kevin! Pinapatanong ni Satanas kung Economic, Business, o First Class yung gusto mong ticket pababa sa impyerno!" bago abutan ng isa pang baso ng alak ang kaibigan niya.

"Kaka-host lang nila ng party nung nakaraang gabi tapos nagawa pa nilang magdala ng alak dito." Natatawang sambit ni Marelo bago inumin ang laman ng basong iniabot sa kanya kanina ni Raziel.

"Oh, basta satin-satin lang 'to, ah," paninigurado ni Champ na na-peer pressure nila na inumin ang wine na nahanap nila sa isa sa mga cabinet sa kusina. With Isabela retiring early into her room after failing to change the music back to Ave, Ave, Ave Maria, they had easily taken control over the dining area.

Saglit na natigil si Kevin sa pagkanta upang humalakhak. "Oo naman, Champ," aniya. "As long as wala kang balak na sabihin kay Isabela o Ma'am Demetria ang mga nangyari ngayong gabi, wala kaming sasabihin tungkol sa pagbebenta mo ng sagot sa mga exam niya."

After Kevin had spent the better half of the hour singing that awful song of his, he finally stopped to listen to Denise impersonate Ma'am Demetria.

"Nai-imagine niyo ba kung ano yung reaction niya kung nandito siya ngayon? You're here to serve your punishment! Not to get drunk and wasted like a pack of party animals! Your parents have raised you better than this! How can you do this! I know you're mature enough to drink, but for God's sake-!" Denise screeched in a voice that awfully resembled their teacher's.

"Sabi ko na nga ba kamag-anak mo si Ma'am Demetria, eh!" Bulalas ni JC na kararating lang kasama si Shem. Agad naman siyang pinakyuhan ni Denise.

Napataas ang kilay ni Cess nang lumapit sa kanila sina JC at Shem. What do they want this time?

"Nakausap niyo na ba si Ailee? Kung nakakain na ba siya o ano?" Bakas ang pag-aalalang tanong ni Shem.

"Galing kami sa kwarto niyo pero hindi siya sumasagot, eh," dagdag ni JC dahilan upang lalong tumaas ang kilay ni Cess.

"Baka tulog na?" Looking around to see if anyone could hear, Cess lowered her voice before saying, "Dinalhan siya kanina ni Jean ng pagkain, eh."

Cess tried not to think way too much on how relieved Shem and JC looked upon hearing what she said before leaving them to go. . .do some stupid stuff with Kevin, Anthony, Clyde, and Raziel. Saglit na nakunot ang noo ni Cess nang mapansin niyang hindi kasama ng B.I.P. si Markus ngunit kaagad na natuon ang atensyon niya sa kararating lang na si Erza.

"Have any of you seen Therese or Ashanti?" tanong niya pagkatapos tanggihan ang iniaabot sa kanyang baso ni Clyde. "Ang mga walang-hiya pinabayaan akong mag-isa maghugas ng pinggan. Buti na lang tinulungan ako ni Kuya Max."

Death Trap Pandemonium (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon