Chapter 2: My First Ex-Girlfriend

101 0 5
                                    

Ang una ko girlfriend, si Jhoana Marie Bayonado. Bachelor of Science in Computer Science ang kurso niya at nag-aaral siya sa Polytechnic University of the Philippines. 5’3” ang height niya, medyo chubby, medyo lang. Cute siya at maporma.

Classmate ko siya mula second year High School hanggang fourth year. Galing siyang lower section, palibhasa ako, laking star section. Matalino siya at talented. Pagsusulat ng kanyang sariling libro ang inaatupag na halaw ang mga tauhan sa Resident Evil, crush niya kasi si Leon Scott Kennedy. Sporty siya, kaya ganoon ang pangangatawan. Naglalaro siya ng volleyball, badminton, basketball, pati na chess. Astig siya, may pagka-tomboy. Ewan ko ba kung bakit nagustuhan ko siya.

“Oh! Hahahahahahahahaha! Nakilala mo kaagad ako?”, sagot niya.

Paano ko siya hindi makikilala, isang Linggo niya na akong tinatawagan at niloloko. Buti nalang at may tumulong sa aking malaman kung sino yun. Grabe! Pinupuyat niya ako! Tumatawag siya sa kalagitnaan ng hatinggabi. Bwiset talaga!

“Oy Mr. Bad Boy! May atraso ka sa akin! Humanda ka sa akin pagbalik ko dyan!”, sinabi niya ng pasigaw.

Ako? Ako may kasalanan? Ano yun? Hala ka! Wala akong alam!

“Oy! Anong kasalanan ko?”, sinagot ko sa kanya.

“Toooooooooooot… Toooooooooooooot… Tooooooooooooot…”, binabaan niya ako.

Putek! Binantaan niya nanaman ako! Huli niya akong binantaan, nasaktan ako ng sobra.

*FLASHBACK

Hindi naman siya ang unang crush ko. Pero siya ang unang kumuha ng paningin ko.

First day of classes nung second year. Akala ko naligaw lang siya sa section namin, akala ko nagkamali ng pasok. Solid kaming star section. Sa akin pa siya tumabi. Ok… Wala kaming pansinan. Nakakatakot siya nung first day, malayo ang tingin sa labas.  Wow! Ang tibay niya!

“Eto ba ang section one, sampaguita?”, tanong ng isang teacher.

“Yes Ma’am!”, chorus na pagsagot.

“Ok. Good Afternoon! I’m not your adviser. Your adviser will be here tomorrow. She’s pregnant. And today, she is off because of her monthly check-up.”, sabi ng teacher.

“So to start your day, introduce yourself to your seatmate first, in your left, right, front, and back.”, dugtong niya.

Hindi an ako nagpakilala sa aking right, si Abigail Peralta lang naman yun, crush ko siya nung first year. Kaso magaslaw! Sayang! Sa harap ko naman, si Elba Llorente, siga yung babaeng yun pero super close kami nun. At ang nasa likod ko naman ay si Lino Juanico, kabarkada ko mula Elementary. Well, inaantay ko na magpakilala ang nasa left ko.

“Hi! Ako nga pala si Jhoana Marie Bayonado from I-Magnesium. Ikaw?”, ang sabi at tanong niya.

Magnesium??? Diba section 11 yun? Top 1 siguro siya sa klase nila.

“Ako nga pala si Jan Michael Silvestre. Nice meeting you!” ang sagot ko.

Sa buong araw na aming pagkakatabi, wala kaming usap-usap. Ok lang, wala akong paki-alam.

At sa buong school year, hindi ko niya naging ka-close, “B” siya,  “S” ako, malayo kami sa isa’t isa. Sa kalahating taon naming magka-klase, hindi siya kapansin-pansin. Naninibago siya sa aming section. Napansin ko lang siya nung nakikita ko siyang hindi nagre-recess dahil sa chess.

Nag-uusap naman kami, batian lang. Hanggang sa…

Revenge of My Two Ex-GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon