Chapter 1: Present

72 0 0
                                    

1:00 pm – 2:30 pm… Break Time… Eto, tambay sa field. Maaliwalas ang panahon. Payapa ang ulap. Banayad ang ihip ng hangin. Nakakawala ng pagod, paghihirap, at kalungkutan. Ang sarap talagang humiga sa field.

Ako nga pala si Jan Michael Silvestre, nag-aaral sa Philippine Normal University, Bachelor of Science in Biology for Teachers ang kinukuhang kurso. Ang mga kababata ko at mga tao sa bahay, ang tawag sa akin ay Mico. Ang mga kaibigan ko naman ay Michael o kaya JM. 5’7” ang height kaso para sa akin kulang pa iyon. Hindi ako maputi, hindi rin maitim, kayumangging-kayumanggi ang kulay ko. Hindi ako gwapo, pogi lang, minsan cute daw. Seryoso ako pagdating sa pag-aaral pero pagdating sa school, easy-going na ako. Madalas akong tumambay sa field o kaya naman sa library… basta tahimik. Madalas mag-isa lang ako, ayoko ng may kasamang maingay.

Ngayon… Puno ako ng kalungkutan at takot… May pakiramdam ako hindi magiging maganda ang araw ko… May nagbabadya ng gulo, pisikal at emosyonal… Eto ay dahil sa dalawa kong ex-girlfriends…

*waaaaaaaaaaaaaaaah… waaaaaaaaaaaaaaaah… waaaaaaaaaaaaaah… (ringtone ng phone ko)

Speaking of the first devil, tumatawag nanaman siya… Natatakot akong sagutin… Anung gagawin ko? Eto naman… Nasira ang kapayapaan ng araw ko… Paano na? Sisigawan niya nanaman ako… Tatawanan… At bibiruin hanggang sa masaktan ako sa mga sasabihin niya… Sasagutin ko ba? Ok…

“Hello? Oh Bakit?...” ang tanong ko.

Revenge of My Two Ex-GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon