(65) Falls Party

1.6K 56 0
                                    

Raxelle's P.O.V

Para naman mabawasan ang lungkot dito sa buong kweba, napagpasyahan namin na magkameron ng Falls Party. Oo. Falls party. Wala kasing Pool dito kaya Falls Party ang ending namin. Pauso na rin xD

"Waaa. Ang cute naman ng swim suit mo Casie." Sabi ni Maddison habang umiikot kay Casie. Totoo naman ang sinabi niya. Ang cute nga ni Casie sa swim suit na suot niya. Meron kasi siyang bandana na may flower design na lace na nakatali sa bewang niya para hindi naman masyadong expose ang babang part niya tapos yung pinaka brassiere may designs na butterfly tapos yung strap nito braided. Sunod naman na inikutan ni Maddison si Ro na nag-mamarinade ng meat na lulutuin mamaya. "Ihhh. Bakit ang hot mo Ro sa suot mo? Kahit na naka-one piece ka lang sobrang nakakaattention magnet ee." Naka-navy blue na one-piece si Ro na may butas yung gitna kaya kita yung belly button niya. Design yun ee. At tama si Maddison, ang hot tingnan ni Ro. Sa katunayan, kanina pa siya pinagpapantasyahan ni August. Naku naku naku. -____-
"Tapos ikaw Raxelle. Kahit na nakashorts ka, ang sexy mo pa rin sa suot mo. Kitang-kita yung kaputian ng legs mo tapos yang crop top mo, ineexpose yung apat na abs mo. Ganyan pa lang ang suot mo ang sexy-sexy mo na pano na lang kung hinubad mo na yan. Waaa. Sooo unfair." Pagmumukmok ni Maddison. Nakakatawa na nakakatuwa siya.
"Alam mo Maddison, huwag mo ng pangarapin na magsuot ng ganyan. Hindi bagay. Baka maexpose lang yang bilbil mong layer-layer. Kaya huwag na." Seryosong sabi ni Renz.
"Hoyy Renz. Maganda rin kaya ang suot ko. Simple but elegant."
"Mukha ka ngang ewan. Nakakaalibadbad ang taba at pata mo. Magbihis ka nga. Mawawalan ako ng ganang kumain nito." Seryoso pa ring sabi ni Renz.
"WAAA. LEI INAAWAY AKO NI RENZ. AMPANGIT KO DAW." Sigaw ni Maddison habang tumatakbo papalapit sa walang kaalam-alam na si Lei.
"Ano ka ba naman Madd? Nagpapaapekto ka sa sinabi niya edi ibig sabihin, totoo."- Lei
"LEI. HINDI BA DAPAT IPINAGTATANGGOL MO AKO. Dapat ang sasabihin mo ganto, ehem ehem. Ano ka ba naman Renz, sobrang ganda at sexy kaya ni Madd. Ganun." Nakakatuwa siya, talagang inimitate niya ba yung boses ni Lei haha. "NAKAKAINIS. DIYAN KA NA NGA." Padabog na umalis si Maddison at pumunta na lang sa busy na sina Mackie at Jed. Maririnig mo ang nagba-bounce back na tawa ni Renz habang pinapanuod ang pag-tatantrums ni Maddison.

Halos lahat kami busy sa kanya-kanyang ginagawa. Hinayaan muna kami nila Yaya na magparty dito. Sabi din kasi nila, wala na kaming inatupag kundi ang gawin ang misyon at iligtas silang mga normal. Kaya deserve daw namin ang gantong klase ng pahinga at bonding.

Since ako ang unang natapos sa ginagawa ko, sisimulan ko na ang pag-iihaw ng meat na minarinade ni Ro. At kailangan ko si Jed ngayon.

"Jed." Tawag ko sa naghihiwa ng prutas na si Jed.
"Bakit?" Tanong niya sa akin ng makalapit siya.
"I need fire." Sagot ko sa kanya.
"Sus. Yun lang pala." At wala pang dalawang segundo, umaapoy na yung uling na pagiihawan ko.
"Thank You." Nakangiti kong sabi.
"Anong Thank You? May bayad yan?"
"Magkano naman?"
"Isa."
"Anong isa?" Wow lang. Ang gulo niyang kapulong.
"Eto oh."

>|||||||||||||<

WAAAA. LECHE KA JED. Nakakahiya.

"Yan. Bayad ka na haha." At umalis ng tumatawa ang loko.

Baliw talaga yun. Akalain mo ba namang magnakaw ng kiss sa lips. Nakakahiya. Pano na lang kung may nakakit-

"Ano ba yan? Di pa man nagsisimula may PDA na. Tsssk." Kunyaring galit na sabi ni Renz. Waaa. Kakasabi ko lang ee.
"Sows. Naiinggit ka lang kamo." Asar ni Maddison kay Renz.
"Magkakameron din ako niyan no. Hindi ako nagmamadali."- Renz
"Sus. Wala namang tatagal sayo no. Kaya huwag ka na lang umasa."- Maddison
"Wow nagsalita ang baboy."- Renz
"Anong sabi mo?"
"Baboy. Ba....boy..." at alam nyo na naman siguro ang kasunod niyan. Haaay. Buhay..
"HUMANDA KA SA AKING ASO KA."
"ANG TABA MONG BABOY KA."
"WAAAA. LAGOT KA TALAGA SA AKIN." At syun, dun sila napadpad sa spot na puro halaman. Haaay. Kaawa-awang mga halaman.
"HUWAG KAYONG TUMAKBO. NASISIRA YUNG MGA PLANT DIYAN."

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now