Chapter 12

75.5K 1K 122
                                    

Lesson: The past can hurt. But you can either run from it, or learn from it.

Chapter 12

Sheila's POV

Hindi na ko nagpaalam pa na aalis na ko sa party dahil siguradong sasabihin na naman nila na ang KJ ko. Hindi talaga ko nag-eenjoy sa mga ganung party mas gusto ko pa yung nagtatrabaho. Ayokong nababakante ang oras ko.

Umuwi muna ko sa condo ko para makapagpahinga buti na lang naiuwi ko yung ilang templates at blueprints para naman matapos ko na yung isang project ko. Ang totoo nyan 2 maximum projects lang sa isang architect pero dahil masipag nga daw ako ginagawa ko yung lima. Nabawasan nga lang ako ng isa dahil siguradong mag pupull out na si Mr. Villanueva dahil sa pambugbog ko sa kanya. Wala naman akong kinakatakot kahit mawalan ako ng kliyente eh dahil malaki naman ang naipapasok kong pera sa kompanya.

Nag shower muna ko at pagkatapos at nahiga sa kama kahit basa pa yung buhok ko. Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot. Pinagmasdan ko yung loob ng kwarto ko walang kabuhay buhay. 

Niyakap ko na lang yung isang unan ko at napaisip. Naalala ko yung mga panahong kakarating ko lang dito sa Pilipinas. Yung mga panahon na gigising ako sa umaga at iiyak na lang sa tuwing naaalala ko kung gano niya ko sinaktan, kung gaano niya ko binalewala sa kabila ng lahat.

Ang hirap kasi yung gigising ka sa umaga tapos maiisip mo na wala na ang lahat lahat. Ssa tuwing humihiga ako sa kama nararamdaman ko lalo yung sakit, kitang kita ko kasi yung empty space. Yung space na dapat na nasakanya. Masama nga sigurong umasa. Bakit ba tuwing matatapos na lang ang araw saka ko pa siya naiisip? Nakapag move on na naman ako.

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ko nga ba iniisip yun ngayon? Balewala naman na sakin siguro kung magtagpo pa yung mga landas namin. Ilang taon din bago natuyo ang mga luha ko dahil sakanya. Ilang taon akong nabuhay na wala siya at kakayanin ko yun sa susunod pang mga taon.

Bumangon ako at nagbihis na magkikita nga pala kami ni Luigi ngayon. 

***

Nandito ako ngayon sa isang restaurant dahil magkikita kami ni Luigi. Naging mas mabuti pa kaming magkaibigan noong namatay yung girlfriend nyang si Ate Allison.

"Sabi ko naman sayo susunduin kita diba? Bigla ka na lang nawala kanina sa party." sabi nito na humahangos pa. Tumawa lang ako at inabutan siya ng tubig.

"Nakita ko naman na yung mga inaanak ko kaya okay na yun. Order na tayo?" naupo na siya sa tapat ko at tinawag yung waiter at umorder na. Habang wala pa yung order ay nagkwentuhan lang kami.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideWhere stories live. Discover now