Previous Page of 2Next Page

The Virgin's First Night 3: Once Upon A Bride

Dedicated to
Once Upon A Bride Readers
spinner.gif

Chapter 21

Sheila's POV

Malakas ang ihip ng hangin lalo na ang pagbuhos ng ulan, nagsisimula na kong lamigin dito sa loob ng kotse. Binuksan ko ang bintana ng kotse at tinawag si King.

"Hoy! Pumasok ka nga dito sa loob!" sigaw ko kay King na basang basa na ng ulan sa labas. Pumasok na siya sa driver's seat at kagaya ko nanginginig na din siya sa lamig.

"M-mukang hindi ko maaayos ang makina. Kailangan nating magpalipas ng gabi dito." sabi ni King. Nabigla man ako pero wala akong magagawa nasa isolated place kaming dalawa eh.

"Simulan na kaya natin maghanap ng hotel?" mataray kong sabi at bumaba ng kotse. No choice naman na ko kundi maglakad sa gitna ng ulan. Ilang saglit pa ay kasabay ko ng maglakad si King.

"Kasalanan mo 'to eh. Mapilit ka." paninisi ni King sa akin, hinarap ko siya at namewang.

"Malay ko bang masisiraan tayo ng sasakyan! Bahala ka nga diyan!" nilampasan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Yung totoo bakit ang hot niya pag basa?! Nakakapanibago kahit sabay pa kaming naliligo noong mag-asawa pa kami. Ay leche! Bakit ba lagi ko na lang binabalikan yung mga panahon na mag-asawa pa kami?!!

After ng paglalakad sa kahabaan ng kalsada ay may nakita din kaming motel/ drive inn maliit siya pero pwede na din naming tuluyan. Nanginginig na din kasi ako sa lamig kaya naman agad kong hinila si King sa loob ng motel at lumapit doon sa information desk.

"Naku Ma'am basang basa po kayo ni Mister ah." bungad sa amin nung babaeng nasa late 20's

"Nasiraan kasi kami at FYI hindi ko asawa yan!" mataray kong sagot. Nagulat ako ng bigla akong kabigin ni King palapit sa kaniya.

"Pasensya ka na Miss dito sa asawa ko ah. Medyo may konting tampuhan lang kami." tinignan ko ng masama si King ngunit ngumisi lang ang loko. Like ewwww!! I used to be his wife but not anymore!!

"Hahahaha! Normal lang talaga yan Sir sa mag-asawa. Kukuha po kayo ng room?"

"OO! Two rooms!" I said.

"Naku Ma'am isang kwarto na lang po kasi yung available tamang tama honeymoon suite pa po yun. Madami din po kasi ngayong guests dahil sa pagka stranded. Pasensya na po."

"Uhmmm. Meron ba yung 2 beds?!!" I asked desperately. Ayoko makasama sa iisang silid si King for cryin' out loud!

"Bakit naman po? Mag-asawa naman kayo diba?" echuserang babaeng 'to baka gusto niyang tarayan ko siya. Muli na naman akong inakbayan ni King.

"Pasensya ka na Miss. Nag-aalala lang 'tong si Misis na baka di kami kayanin pag isang kama lang kaya dapat may extra bed. Hehehe." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni King kaya naman mabilis ko siyang siniko sa tagliran. Kinindatan pa ko ng loko! Psh. Humagikgik lang yung babae at inabot na yung susi sa amin.

"Ay sya nga pala Ma'am wala na din po kaming available na bathrobes pero pwede niyo pa din ipa-laudry sa amin yung mga damit niyo. Have a wonderful night!!" inismiran ko na lang yung babae at kinuha yung susi. Parang double meaning yung dating sakin nung sinabi niya eh.

Naglakad na ko papunta dun sa room, maliit lang 'tong motel at halatang para lamang sa mga taong stranded o naabutan ng dilim sa daan. Malinis naman siya at may aircon at t.v din yun nga lang kulang sa amenities yung bathroom. Walang bathrobe?!! Eh anong isusuot ko?! Etong wet clothes ko?!! Inis. Pumasok na lang ako sa bathroom at nagsimula ng magbabad sa hot shower, nakakarelax lang ng sobra yung init ng tubig. Kung may bathtub lang sana dito kanina pa ko naglublob. Hay!!

Pagkatapos ng ilang minutong pagbabad sa shower ay naisipan ko na ding magtuyo ng twalya. Pano kaya gagawin ko nito? Arghhh! Itinapis ko na lang yung twalya sa sarili ko at dahan-dahang lumabas ng banyo. Nakahinga ako ng maluwag ng walang King na bumungad sa akin. Nasan nga ba yung lalaking yun?! Nang maramdaman ko yung pagpihit ng seradura ay agad akong tumakbo sa kama at ibinalot ang sarili ko dun sa loob ng kumot. Hello! twalya lang kaya yung saplot ko sa katawan. Okay! Sobra akong maka-arte na akala mong virgin pero kahit na dalaga pa din ako.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (59)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended