the long wait is over...ending..

1.3K 33 14
                                    

<---would you mind? omg. Sorry guys, I know na sobrang tagal na , its been 3 or 4 years since my last update. Sorry talaga, sobrang tagal na. to think na may bf palang ako nung huling update ko, at ngayon im married at may one daughter na. sobrang tagal na, so bare with me guys. Anyway. This is my last update at ito na yung ending. Thank you sa mga readers ko na still nagaantay ng update ko.lahat naman ng comments nyo ay binabasa ko, at inaapreciate ko. Salamat sa lahat guys.kung alam nyo lang kung gaano nyo ko napasaya. Sana magustuhan nyo, well I hope so. At kung hindi naman, im so sorry talaga, medyo namental block na siguro ako ng tuluyan. Lol. Pero sorry talaga kung hindi nyo magustuhan, I really tried my best. I hope it will be worth the wait.

-----------------------------------------------kaye's pov-----------------------------------------------------------------

"iloveyoukaye" yang ang huling salita na narinig ko kay mhike .salitang kinakikiligan ko, salitang nagpapatalon at nagpapabilis ng puso ko, salitang uulit ulitin kong pakinggan.

Salitang nami----namimiss ko.Huling salita bago sya mawala, Namimiss ko na ang boses nya, namimiss ko na ang haplos nya na kung paano nya ako hawakan , namimiss ko na ang mga yakap nya na kung paano ako nafefeel secured, namimiss ko ng tawagin nya akong baby, princesa nya.namimiss na kita mhike.namimiss ko na ang kakulitan mo.namimiss ko na ang mga mata mo sa kung paano mo ako titigan, namimiss ko na ang mga ngiti mo. Namimiss ko na ang mga labi mo kung paano mo halikan. Namimiss ko na ang gwapo mong mukha.Namimiss ko na lahat sayo mhike.

Oo wala na sya, wala na si mhike. Yun ang huling sandali na nakasama ko sya, sa araw ng engagement naming dalawa siya namatay. ang sakit diba? sa importanteng araw pa namin.Simula nung bumagsak sya, dali dali naming syang tinakbo sa ospital pero dead on arrival na sya. Andun ako sa unang burol niya, pero nasa malayo lang ako, hindi ko sya tiningnan sa kabaong kasi hindi ko kaya,ayoko sa ganoong paraan ko siya huling makikita.Lahat ng pamilya natin kinokomfort ako, lahat niyayakap ako , kayanin ko daw, hindi ako makaiyak kasi parang natrauma ako. Hindi ko sila halos madinig kasi parang nabingi ako.para akong isang mannequin , Unang burol ni mhike umalis na agad ako.hindi ko man lang sya hinintay hanggang sa mailibing sya.selfish na kung selfish pero gusto kong takasang ang isang malaking bangungot. Umalis ako dahil duwag ako, dahil hindi ako handa na iwan ako ni mhike.

Umalis ako kung san san ako nagpunta, halos mabaliw ako sa sakit.

Dumating sa puntong, habang umiiyak tumatawa ako. Tinawanan pa ako ng isang bata kasi nababaliw na raw ako.

Palakad lakad lang ako, pumunta sa ibat ibang lugar, minsan sa loob lang ng kwarto nagluluksa.walang araw na hindi ako umiyak. Walang araw na hindi ko siya inisip. Walang araw na hindi ko naramdaman ang sakit.ang sakit maiwan ng taong minamahal mo ng sobra. ang sakit umasa na sana hindi totoo ang lahat, sana may taong lumapit sakin at sabihing joke lang ito lahat. pero hindi e---

Nakakabaliw palang talaga, umabot pa sa puntong masiraan ako ng bait, gusto kong magsuicide para makasama na si mhike, pero hindi matuloy tuloy.siguro ayaw ni mhike. At hindi ko pa siguro time.

Isang taon na ang lumipas pero hindi parin nawawala ang sakit , sobrang sakit na paulit ulit dinudurog ang puso ko. Pagkatapos ng nawala si mhike, ngayon lang ako, ngayon lang ako nagpakita sa pamilya ko at pamilya ni mhike.hindi dahil sa bumalik na ako sa dati kundi kailangan ko silang harapin. Ang dami nilang tanong pero ang tanging sagot ko lang ay "okay lang ako".yung mga barkada namin niyakap ako, umiiyak pa sila na niyayakap ako. Hanggang sa may inabot saking sulat si rj. Matagal na daw sana nyang gustong ibigay ang sulat ni mhike kaya lang isang taon ako nawala at ni isa sa kanila hindi ko ipinaalam kung nasaan ako.

Ng nakauwi na ako sa bahay pumunta ako sa kwato ko, walang nagbago, andun parin pictures naming dalawa. Habang nililibot ko ang paningin ko sa kwarto ko, naalala ko na anman ang lahat, naiyak ako kasi sobrang saya ng mga ala-alang yun. Masaya na masakit At doon sa kwarto ko ramdam na ramdam ko si mhike.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BAD GIRL VS.PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon