Chapter 17: Us Guys

4K 116 8
                                    

Pssst!  Vote naman 'jan mga readers... HEHEH... ----------------------------------------------->

Tuloy tuloy lang ah!

__________________________________________________________________________

Chapter 17

-Us GUYS-

*Gael’s Point of View*

It’s Saturday!!!

Medyo maaga akong nagising. Ewan ko kung bakit. Basta feeling ko….

ANG SAYA SAYA KO!!!! ^________^

Nakahiga lang ako ngayon at tinititigan yung wristband ko.

“To infinity…” I uttered the words na nasa wristband.

Bumaba na ako sa kama ko at nag-toothbrush. Naligo. Nagpalit ng damit.

“Oh young master… Ang aga mo yata nagising.”- sabi ni yaya pagkababa ko ng hagdanan.

“Yaya… Gael nalang po.” –sabi ko. Young master kasi tawag sa akin ng mga kasambahay.

“Yaya.. ako nalang po yung magluluto. I feel like cooking.” masaya kong sabi kay yaya.

“Ang ganda yata ng gising ah!”- sabi ni kuya Lawrence na kalalabas lang ng kwarto niya.

“Tsk… parang himala yata sa inyo na magluluto ako.” –ako

“Naman! Bluemoon ba ngayon?”-pang-aasar ni kuya.

“Red kuya. Inlove yung moon eh.”- sabi ko habang kumukuha ng mga materials ko sa pagluto.

“So that’s it… You’re inlove. At sino naman ‘tong malas na babae?”- kuya.

“Alam mo bang marunong akong magluto ng ulo ng tao??? HAHA… You’ll meet her someday.” –ako.

Pagkatapos ng asaran namin ni kuya, nagsimula na akong magluto.

***

Ian’s POV

“Timeout muna Drew! Pagod na ako eh.” hiningal hingal pa ako pagkasabi ko nun.

Nandito kasi kami ngayon sa basketball court ng village namin. Ako, si Drew,  at si Yna.

Si Yna… ayun! Nanunuod lang. Hindi kasi marunong eh. HAHA!

“Tubig oh.” – inabot ni Yna sakin yung isang bottle ng mineral water.

“Water girl ka na pala ngayon!” pang-aasar ko kay Yna.

“Ang yabang! Kung water girl man ako… ako na siguro yung highest paid ng water girl sa sobrang ganda ko.” inirapan pa niya ako.

“HAHA! Tamo! Pikon! Sabeh mo eh.” – ako. Ininom ko naman yung tubig.

Tumingin ako sa side ni Drew. Ayun… kina-karir parin ang pagbabasketball sa court. Varsity din kasi ng school eh.

Napansin ko rin na parang may papalapit kay Drew. Naka white shirt na may stripes tapos naka-red na shorts with bonnet pang kasama.

Hmmm… ang cool naman niya! Sino kaya yun. Hindi ko kasi masyado makita yung mukha niya kasi nakatapat siya sa araw.

“Oi! Nandyan na prince charming mo.” – binigyan ko si Yna ng nalilito na look. Hindi ko naman siya masagot kasi nilalagok ko pa yung tubig.

“Sus! Kunwari pa! Yan oh! Si Gael! Naka white at red shorts!” pagkarinig ko palang ng pangalan ni Gael, I swear…!

Miss KULIT meets Mr. MAYABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon