CHAPTER 10: His and Her FIRST =)

4.9K 135 13
                                    

Chapter 10

His and Her FIRST

*Gael’s Point of View*

(   ^________________________________________^    )

Para akong nasa cloud 9 ngayon!

wooooooooooo!!!

Ang sarap sa feeling :D

Ewan ko rin kung ano ang nangyari sa stage kanina.

 basta…

 ang alam ko lang..

parang…

parang…

parang siya yung naging mundo ko kanina.

Tinitingnan ko lang si Ian hanggang sa matapos akong kumanta. Ewan ko kung natandaan niya kanina yung sinabi ko na para sa kanya yung kantang yun.

The moment na nagsimula akong kumanta, wala akong ibang magawa kundi titigan lang siya.

Pagkatapos kong kumanta, bumaba ako agad at pumunta sa kanya.

Gusto kong malaman kung nagustuhan ba niya.

“Hey. Ayos ba?” umupo ako sa tapat niya.

“Oo naman. Ang ingay ingay nga nung mga babae sa kabilang table eh.. naghihiyawan. Sarap gulpihin.”- siya

 tumawa naman kaming dalawa.

Tumayo ako at hinawakan ko siya sa wrist.

“Tara.” niyaya ko siya.

“Teka, sa’n tayo pupunta?” parang nagulat naman siya.

“’Dun sa taas. May parang terrace dun. Maganda yung view.” hinila ko na siya at tumakbo na kami.

“Ei! GAEL! DAHAN DAHAN NAMAN! BAKA MADAPA AKO!” hindi ko na siya pinansin at umakyat na kami sa hagdanan.

Honestly, hindi ko talaga maiwasang ngumiti kahit tumatakbo ako.

“Nandito na tayo.” tumingin ako sa kanya.

Nanlaki naman yung mata niya.

Haha.. ang cute niyang tingnan.

“Wow. Gael! Ang ganda ng view! Rooftop na ba to?” –siya.

“Ay hindi. Ground floor to.” – ako.

inirapan niya lang ako. HAHA! Sarap talaga nitong kulitin.

Well, sinadya kasi ni kuya na lagyan ng parang biranda ang rooftop para magandang tambayan.

Naglakad si Ian papunta sa dulo at humawak dun sa may railings.

Sumunod lang ako sa kanya.

“Dito ako tumatambay pagkatapos naming tumugtog.” –ako.

humarap naman siya sa akin.

“Hindi ka na ba tutugtog ulit? Diba dapat at least 3 songs yan?”

tumingin siya ulit ng diretso.

“Sinabihan ko na si kuya na isang song lang ang kakantahin ko ngayon. Okay lang naman sa kanya. Tsaka nagcontact na siya ng ibang band. I think sila na nga yung tumutugtog ngayon eh.”- ako

Medyo rinig pa kasi yung music hanggang dito.

“Huh? Kuya? Hindi ko gets.” medyo naguluhan nga siya based on her facial expression.

Miss KULIT meets Mr. MAYABANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon