UNTOLD FEELINGS OF HIM TO HER (short story)

3K 136 76
                                    

SUPER BELATED HAPPY BIRTHDAY KAY ELLY! ILALABYO! ^___^

Todo effort akong gawin siyang one-shot pero short story parin ang kinalabasan, atleast hindi ongoing>O<

I admit sobrang gasgas na ang plot, pero sana basahin nyo parin.

Wag muna basahin, ieedit ko pa
______________

HER NARRATION

"Hoy! malalaspag na yang si Rupertoo sa kakatitig mo!" Tiningnan ko ng masama si Jeff

ang bestfriend kong ubod ng gwapo 'according to him'

"wag ka nga! epal ka talaga" tinaboy ko siya dahil pinapanuod ko si Rupertoo

Inaamin kong lantaran ang kalandian ko ngayon, pero minsanan lang naman e.

Matagal ko ng crush 'tong si Rupertoo dahil syempre pogi at idagdag mo pa ang galing niya sa soccer.

"Rupert! galingan mo! nanunuod bestfriend ko! wooo! I like you raw!" napalingon pa ako sa direksyon ni Jeff nang bigla nalang itong sumigaw with matching wagayway pa ng t-shirt niya

if I know nagpapapansin lang yan ng Abs niya. Sus!

Narcisstic talaga 'tong si Jeff.

Pero teka nga...

"tarantado ka talaga!" Pinalo ko siya gamit ang bag nang mapagtanto ko kung ano ang sinigaw niya.

At sa sobrang kahihiyan ay hinigit ko na siya paalis ng field.

"Teka Elly, san mo ko dadalhin? may practice pa kami, teka lang"

"teka ka dyan! uuwi na tayo! kung hindi ka ba naman kasi siraulo! edi sana hinintay nating matapos ang practice nyo! Kakagigil ka talaga! Para kang bakla, ang daldal mo! baka isipin ni Rupertoo na ano!

"na ano? na patay na patay ka sakanya? Obvious naman e! hindi kasi halata sa mga titig mo!"

"ano naman ngayon?" tumigil ako tsaka humarap sakanya

"wow, heavy di man lang itinanggi!" Sabi niya na may pagtawa

"tawa lang! ng tumaba ka naman! puro ka kasi abs!"

"change topic nanaman si bestfriend--- woooo, pati ako minamanyak" tumingala pa siya habang kinakamot ang ulo niya

ganyan kasi siya mang-asar, banas nga e, effective kasi at ewan ko kung bakit.

"kainis ka talaga, hindi na kita love at  hindi na tayo bestfriends!"

"maniwala sayo" pang-aasar nanaman niya

"A-a-aray Elly ang buhok ko, aw-aray" sa sobrang asar ko ay sinabunutan ko siya, pero hindi naman yung seryosong sabunot

hindi ko parin tinitigilan ang buhok niya nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.

"aray, check ko lang cp ko--aw!" inalis na niya yung kamay ko sa buhok niya

"nextime mo nalang pala ako sabunutan bestfriend, may date pa kami ni Shobie" tapos yun kumaripas na siya ng takbo

ganyan naman yan lagi.

Isang text o tawag lang ng girllfriend niya kakaripas na siya ng takbo

Kaya minsan nililibang ko nalang ang sarili ko sa nakapalibot na guys dito sa Campus kapag iniiwan niya ako. 

Paano na pala ako makakalapit kay Rupert?

Si Jeff naman kasi, minsan nakakainis na ang pagiging alaskador niya.

baka iniisip na nun ngayon na isa ako sa mga desperadang babae na nagkakagusto sakanya

UNTOLD FEELINGS OF HIM TO HER (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon