•38

19.1K 321 35
                                    

Trouble

Zalean

Nakakatamad sa bahay wala na naman akong pagkakaabalahan, ang boring. Cavill is really protective of me kaya sinabihan niya ang mga katulong na hindi ako pagawain ng mga gawaing bahay. Bawal daw ako mapagod. Hmp.

Si Cavill naman naging busy naman siya this past few days kasi may dini-deal siyang bagong client. Si Ryko naman as usual palaging mag isa. Napaka introvert talaga ngbatang iyon. Walang social life eh. Palaging busy  sa pagbabasa ng mga comics niya, at sa totoo lang nagseselos na talaga ako sa mga comics. Puro batman na lang nasa isip.

I was so bored and i wanted to go out of the house. Mabibingi na siguro ako dahil napakatahimik ng bahay.

Dalhan ko na lang kaya ng pagkain si Cavill sa office niya? Mukhang mabuti pa nga. 10:30 pa naman may time pa ako para mag luto.

Kahit na ayaw akong paglutuin ng katulong ay pinilit ko siya at sinabing hindi ko siya isusumbong.

Nagluto ako ng kaldereta isa sa paborito niya at nilagay iyun sa plastic. Nagbihis na ako at nagdrive, kahit na ayaw akong pinag d-drive ni Cavill. Kaya ko pa naman at maliit pa ang tiyan ko, pero doble ingat ako sa pagmamaneho.

Nandito na ako sa company namin ang laki pala talaga. Agad-agad naman akong pumasok sa loob at nagtungo sa secretary niya.

"Cavill Dominguez." ngumiti sa akin iyong sekretarya niya. Bago kasi ito at mukhang mabait din, last na secretary niya pinapalitan ko ang landi kasi, imbes na trabaho ang atupagin eh asawa ko yata ang tinrabaho niya.

"May appointment po kayo Maam?" appointment? Hindi ba niya ako kilala?

"Bakit naman kailangan ko magka appointment pa?" sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"K-Kasi po maam, nasa loob po ang girlfriend ni Sir Cavill." mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko iyon.

"Girlfriend? Paano siya nagkaroon ng girlfriend kung may asawa na siya?!" agad akong pumasok sa loob, at nabigla ako sa nakita ko.

Nakita ko si Cavill at Shantal kissing each other again...

Mukhang hindi nila ako napansin. Napakasakit, agad akong lumabas at nagdrive na ako ng kotse. I've seen enough.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero dinala ako ng mga paa ko sa park ng subdivision namin at may hawak na yosi. Wala naman akong plano na gamitin iyon. Hindi ko isusugal ang buhay ng anak ko. Naupo ako sa swing at doon na ako humagulgol ng iyak. Akala ko ba mahal ako ni Cavill?

Bakit niya nagawa yun? O baka naman hindi niya talaga ako mahal,  baka pinapakita niya lang yun dahil may anak kami at magkaka-anak kami. Bwisit ka Cavill!

"Zal?" napatingin agad ako sa nagsalita si Kier. Bakit palagi ko na lang nakikita si Kier dito sa park na ito?

"K-Kier..." yun na lang ang lumabas sa bibig ko at umiyak na naman ako.

"Bakit ka umiiyak?" agad siyang lumapit at hinagod ang likod ko. Mas lalo lang tuloy akong naiyak, nakaramdam ako ng kakampi sa mga oras na ito. Napayakap ako sa kanya. 

"Shh...what's wrong? Tahan na Zal." mga ilang oras pa bago ako tumigil sa pag iyak ko. Umalis muna si Kier para bilhan ako ng isang bottled water.

"Zal, inom ka muna. At ito panyo magpunas ka ng mga luha mo, para kang bata kung makaiyak eh." hinampas ko naman siya. Nakuha pa niya akong asarin!

"Aray naman! Pero bakit ka ba kasi umiiyak?" naalala ko na naman. Parang naiiyak na naman ako pero pinigilan ko.

"K-Kasi...wala! " nag desisyon na lang akong wag na lang ipaalam sa iba. Ayoko na may makaalam nito.

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon