•29

22K 385 4
                                    

Family Day

Zalean

Ngayon na ang family day ni Ryko, pinag leave ko muna si Cavill sa trabaho niya. At saka hindi na ako makapaghintay na makabonding ko ang anak ko. This time, babawi talaga ako sa kanya.

Nakahanda na kami para sa pagpunta sa school ni Ryko. Kahit na hindi niya pinapakita, i can sense that he is excited and happy. Agad na pumasok sa utak ko yung mga panahon na wala pa ako at may mga family gatherings sa school. Hindi kolubos maisip kung ano ang nararamdaman ni Ryko sa mga panahong iyon.

Nag suot ako ng blue t-shirt na pinarisan ng high waist na maong at white na sneakers. Blue kasi ang naka assign na color code sa amin. Ginawa ko ring ponytail ang buhok ko para malinis at hindi magulo mamaya kapag naglaro na kami. Light make up lang rin ang nilagay ko sa mukha ko, mahuhulas lang rin kapag makapal. Pulbos, cheek at lip tint lang ay ay ayos na ako.

Kasalukuyan pang naliligo si Cavill at inihanda ko na rin ang mga susuotin niya para hindi na siya mamili at makaalis kaagad. Lumabas na ako ng kwarto ko at nagpunta sa kwarto ni Ryko.

Kanina, bago ako nag ayos ng sarili ko ay dapat aayusan ko pa sana si Ryko.
Pero agad na tumanggi ito at sinabi na kaya na niya ang sarili niya.

Hindi ko alam at nagmamadali ang anak ko na lumaki agad. Pero wag naman sana dahil gusto ko pa siyang baby ko. Papasok na sana ako agad ng makita ang konting siwang sa pintuan ng kwarto niya. Napatitig naman ako sa kanya mula sa pinto.

Mula rito sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Ryko na nakatingin sa sariling repleksyon niya sa salamin habang inaayos ang sarili niya. Akala mo talaga ay binata na siya dahil sa paglalagay niya ng gel sa buhok niya.

Gusto ko sanang pumasok sa loob pero pinigilan ko na lang ang sarili ko, ayaw kong masira ang mood ng anak ko.

Kaya naman iniwan ko muna siya at nagpunta sa kwarto nang kanyang ama. Bubuksan ko na sana ang pinto nang parehas sa anak niya ay nakatingin din ito sa salamin at inaayos ang buhok. Nilagyan niya din ito ng gel at muli itong inayos sa gusto niyang paraan.

Father and son goals ata sila eh.

I was hesitant to open the door, katulad ni Ryko ay ayaw ko naman siyang guluhin sa pagpapapogi niya. Kahit hindi naman na talaga kailangan ng mga ganyan.

Bakit wala naman atang ikaka pangit ang lalaking to? Noon at ngayon ay gwapo pa rin talaga siya. Minintain ang kagwapuhan sis! Walang palya!

Kelan ko kaya makikitang pangit ang lalaking to? Tsk.

Tuluyan ko nang binuksan ang pinto para kunin ang mga gamit ko. Baka ma-late pa kami doon. Nakakahiya naman.

"Tama na yan. Gwapo ka na po. Male late na tayo." napatigil naman siya sa kung anong ginagawa niya. Tumingin siya sa akin. Kinuha ko lang ang mga gamit ko sa kama. Tignan ko kung paano siya gumalaw sa perephiral vision ko. Pinag masdan niya ang bawat galaw ko.

Agad kong kinuha ang bag ko at tinignan siya. Sinalubong ko ang mga mata niya na hindi man lang natinag sa kakatitig sa kanya.

Kumunot ang noo ko. "May dumi ba ako sa mukha?" i suddenly asked him. Panay kasi ang titig niya sa akin.

"Nothing. You look beautiful." i was caught of gaurd at what he said. Namula kaagad ang buong mukha ko.

Mukha lang akong maganda? Sige na nga.

Natawa naman ako sa kaartehan ng isip ko.

Isinukbit ko na sa balikat ang bag ko. "Ewan ko sayo, kung ano ano na lang sinasabi mo. Bilisan mo male-late na tayo." agad akong lumabas sa kwarto na nagiinit pa rin ang mukha. Ang babaw ko naman ata para kiligin lang nang ganoon.

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Where stories live. Discover now