Chapter 17 - Mamey

5.5K 73 1
                                    

Pumasok ako sa auto ko. Binuhay ko ang makina. Tumawag pa ulit ng dalawang beses si Martine, pero hindi ko na sinagot. Matagal akong nakaupo sa driver seat, iniisip kung saan ako pupunta next. Nagdecide ako na umuwi na lang sa bahay.

Magaan pala sa pakiramdam na mag let go. Well, siguro. Ipokrito naman ako kung sasabihin ko na ayoko nang makausap si Martine. Kahit papaano ay kaibigan ko sya, lumaki kaming magkasama. Galit lang talaga ako sa kanya sa ngayon. Pero huwag naman galit, because that is such a strong word. Inis. Naiinis ako sa kanya and in some ways, naiinis ako sa sarili ko.

In the first place, hindi ko dapat hinayaan ang sarili ko na i-cross ang line ng friendship namin at ng love. Pero ano pa ba ang magagawa ko?

Bumalik ako sa work as per normal. Ginawa kong busy ang sarili ko. Okay din pala ang walang facebook at messenger dahil I never felt more productive in my entire life. Sanay na rin ako na hindi mag check ng iba pang social media.

I started reading books. Mas hinabaan ko ang time ko to practice my craft. In fact, this weekend maguumpisa na ulit kami mag jam nina Mico at Brad pero nakiusap ako na sa bahay na lang ni Mico kami mag jam. Pumayag naman sila.

Thursday ng gabi nang magchat si Brad sa group namin sa WhatsApp. May nagiinvite daw sa amin na magperform sa isang kilalang bar sa BGC, may talent fee daw. Syempre dahil may talent fee kaya hindi na kami nag-second thoughts. Ininvite din namin si Dylan para mag bass. Medyo pressured nga kami dahil sa Sabado na ng gabi yun. Meron na lang kaming kalahating araw para magpractice.

Napagkasunduan na rin namin kung ano ang line up ng kanta kaya nagpractice na rin ako on my own. May isang kanta na ako na naman ang soloista buti madali lang, kaya ng vocal powers ko.

Sabado ng umaga, narinig ko ang malalakas na katok sa pintuan ng kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng bedside table, alas otso y medya pa lang. Pupungas-pungas akong bumangon para buksan ang pinto.

"Magbihis ka bilisan mo, andyan si Mamey mo sa baba." Apurang sabi ni Mommy.

Hindi ko na natanong kung bakit dahil nagmamadali na rin sya bumaba ng hagdanan. Naghilamos naman ako at nagtoothbrush. Dahil mabilisan, nag mouthwash din ako para sure dahil parang wala pang dalawang minuto ang pagkakatoothbrush ko.

Isinuot ko ang T-shirt ko na hinubad ko kagabi. Mabango pa naman kaya pwede na ito. Mabilis akong bumaba, sinuklay ko ng aking mga daliri ang buhok ko. Narinig ko ang boses ni Mommy at Mamey na nag-uusap sa may kitchen. Amoy na amoy din ang aroma ng brewed coffee na binili pa ni Daddy sa Tagaytay.

"Mameyyyy..." Inakap ko sya. Nagkiss naman ako kay Mommy bago ako naupo sa katabing chair ni Mamey sa dining area.

"Aba eh, hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Kaya ako bumisita para sabihin sa iyo na maayos na ang Visa ko."

"Ah talaga Mamey?!" Masaya ako para sa kanya. Kitang kita naman sa mukha nya na masayang-masaya sya. Nararamdaman ko rin kung gaano siguro kalungkot si Mamey dahil sya na lang mag-isa sa malaking bahay nina Martine. Wala rin naman asawa yun dahil tumanda nang dalaga dahil na rin sa ka-busyhan sa pag-aasikaso kay Martine.

"Oo, excited na nga ako!"

"Di naman obvious, Mamey! Kelan ang flight mo papunta don?" Ewan ko pero biglang kinabahan ako.

"Sa Miyerkukes na." Humigop sya ng kape at nagkatinginan sila ni Mommy ko.

"Ah." Para akong nabulunan.

"Ang bilis ano?" Tanong ng Mommy ko. Naramdaman nga siguro na ang awkward ng nararamdaman ko.

"Oo eh, nag-book agad yung Daddy ni Martine ng ticket ko kasi nami-miss na raw ako ng alaga ko."

"Eh parang ikaw naman talaga ang nanay noon..." nagkatawanan si Mommy ko at si Mamey.

"Ay, sinabi mo pa!"

Bumaling sa akin si Mamey at tinapik-tapik ang braso ko.

"Napadaan ako kasi baka magpunta kayo sa bahay ay iba ang sasalubong sa inyo. Pansamantala yung kapatid ko muna at anak nya ang magbabantay ng bahay. Sakto lang din dahil nakahanap ng trabaho ang pamangkin ko dyan sa Makati."

"Ahh magtatagal po ba kayo doon?" Tanong ko.

"Aba eh hindi ko alam, depende siguro..." hindi na tinapos ni Mamey ang sentence nya. Humigop na lang sya ng kape.

"Ihatid kita Mamey, anong oras flight mo?"

"Naku, huwag ka na mag-abala, hijo. Ihahatid ako ni Dylan, nagkausap na kami."

"Paano ba 'yan Mamey. Hindi ka na makakapagzumba doon!" Tawanan kaming tatlo.

"Ayos lang iyon. Teka, baka may gusto ka ipadala kay Martine..."

"...naku wala, Mamey. Andun na lahat ng gusto nya kainin. I'm sure wala naman sya namimiss dito." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mamey.

Wala akong balak magpadala ng kahit ano kay Martine. Kung inaasahan nya na gagawa ako ng video recording kagaya ng ginawa nya sa akin, eh aba! Nagkakamali sya doon. Tsaka totoo naman, ano ipapadala ko? Brief ko?

"Meron naman, nagbilin na nga rin ng kung ano-ano. Baka lang kako may idadagdag ka." Tinapik na naman ni Mamey ang braso ko.

"Wala po, Mamey. Ikamusta nyo na lang po kami sa kanya." Pinilit kong ngumiti.

"Ay sya, kung ganon eh mauuna na muna ako at kailangan ko pa mag-ayos ng mga bagay-bagay sa bahay."

Tumayo kami at inihatid ko si Mamey palabas ng pinto. Nag-offer ako na ihahatid ko na sya pero ayaw naman nya, exercise na raw nya iyon kaya maglalakad na lang sya. Bago pa makalabas si Mamey sa gate ay hinawakan nya ang kamay ko. Tumingin sya sa akin.

"Tumatawag daw si Martine sa iyo noong bagong taon."

"Ah, sya po ba iyon?" Patay-malisya ako. Hindi ako makatingin ng diretso kay Mamey.

"Okay lang yan, hijo. Naiintindihan kita." Pinisil ni Mamey ang kamay ko ng mahigpit.

"Mag-iingat ka doon Mamey ha! Daan ka dito sa bahay pagbalik mo para alam namin na andito ka na ulit."

"Sige. Syempre naman!" Inakap ko si Mamey. Biglang narealize ko na sa tagal kong hindi bumibisita sa bahay nina Martine, namiss ko rin ang warmth ni Mamey.

"Malay mo Mamey, doon mo mahanap ang true love mo."

Nagtawanan lang kami. Pinanood ko sya habang naglalakad sya palayo ng bahay namin. Pumasok ako sa bahay nang makaliko na si Mamey sa kanto. Bumalik ako sa kwarto ko at pinilit ko ulit na makatulog. Pero kahit anong pilit ko, hindi na ako dalawin ng antok. Naligo na lang ako at nagbihis papunta kina Mico. Doon na lang ako makiki-kain ng breakfast.

***
Love my stories? Don't forget to follow and like my Facebook page as well:

https://www.facebook.com/bellavictoria88

MartineWhere stories live. Discover now