Chapter 16 - Wrong Number

6.3K 109 22
                                    

Umangat sya ng kaunti at tinanggal nya ng tuluyan ang bra nya. Sumandal sya sa upuan and mabilis ko namang itinaas ang blouse nya. Ilang segundo ko ring tinitigan ang mabilog nyang dibdib. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang mga iyon. Naninigas na ang kanyang mga utong kaya halinhinan kong dinilaan ang nga iyon, one after the other.

Itinulak nya ako pagkatapos ay ibinaba nya ang blouse nya. Napasandal ako sa aking upuan. Binuhay nya ang makina ng auto nya. Natawa pa sya dahil napansin nya na namumukol na ang pants ko. Pinaandar nya ang sasakyan.

"Just like the old times?" Tanong nya. Ngumiti lang ako.

Mabilis kaming nakarating sa Legend Villas. Si Martine na naman ang pumasok sa isip ko pero hindi ko na rin masyado inisip. Badtrip pa rin ako sa ginawa nya sa akin. Nagpa-valet kami kaya dumiretso na kami sa reception area. Wala rin tao kaya mabilis kaming na attend ng naka duty.

Lalaki sya at napansin ko na nakatingin sya sa dibdib ng kasama ko. Hindi na kasi nya sinuot ang hinubad nyang bra sa car kanina na malamang nakita na ng valet driver ngayon habang pinapark ang sasakyan nya.

"Good Afternoon Ma'am, Sir." Magalang na bati nya sa amin. Napatingin pa ako sa wristwatch ko, mag aala-una na rin pala.

"Good afternoon, do you have a Studio Room that's available for early check-in?"

"Let me check for you, if you can give me a second."

Lumapit sya sa akin at isinandal ang kanyang ulo sa aking dibdib. Medyo nagulat ako kasi hindi ako sanay sa PDA. Nag flashback na naman sa akin ang mukha ni Martine habang magkaharap kaming nakahiga sa aking kama.

"I'm sorry Ma'am but we are fully booked for the day." Naputol ang pagrereminisce ko.

"Right. Can you ask the valet to have my car ready instead?" Nakahawak pa rin sya sa bewang ko.

Habang hinihintay namin ang SUV nya sa isang sulok ng reception area, may couple na pumasok at sakto namang napatingin ang babae sa area namin.

"Sophie!" Normal lang ang boses nya pero nag echo iyon sa reception hall. Lumapit sya sa amin.

"Bitch!" Tumayo naman ang kasama ko at sinalubong nya ito ng beso-beso. Mga babae talago, oo!

Nag-usap sila saglit pero hindi ko masyado naintindihan ang pinag-uusapan nila. Nag check na lang ako ng phone at nag reply din sa message ng Mommy ko. May ilang missed call pa pala ito galing kay Jade.

Lumapit sa akin si Sophie at sinabi na kaibigan nya daw yung babae from work. May Suite room daw sila ng boyfriend nya and surprise, surprise! Kung gusto ko daw ba mag stay saglit with them.

Kakaiba rin talaga mag-isip itong si Sophie kaya nga kahit noon pa man na ini-link sya sa akin ni Martine ay hindi ko na sya masyadong nagustuhan. Hindi question ang physical appearance nya dahil hot at maganda sya pero weird talaga ang ugali. Well at least for me. Malamang sa ibang lalaki ay exciting ang dating ng pagiging "adventurous" ni Sophie, pero sa akin ay hindi.

"No. I don't like." Sabi ko sa kanya in a hushed voice.

"Why not? It will be fun!" Balik nya sa akin.

Fun?! How can that be fun? Napatingin nga ako sa babae na friend daw nya and hindi naman sya pangit, pero hindi ko sya type.

"You can stay if you want..." Dahil mukhang gusto naman nya talaga mag stay.

"Are you sure?" Puppy eyes na naman sya. Nainis ako bigla.

"I'll just take a cab or Tricycle pabalik sa auto ko sa Capitol Commons." Sagot ko. And for a while, inexpect ko na tatanggihan na lang nya yung friend nya.

"Okay then. See you na lang next time." Humalik sya sa labi ko. Pagkatapos ay bumalik sya sa reception para sabihin na i-pa-park na lang ulit. Mukhang na confuse tuloy ang receptionist.

Naglakad ako palabas ng Legend Villas. Mabilis rin ako nakakuha ng taxi. Naisip ko na malas ko naman dahil na blue balls ako, pero I'm sure may greater reason bakit meant na hindi matuloy ang kung ano meron sa amin ni Sophie. Kung sabagay, if I liked her then, bakit ko pa sya tinalikuran noon. Just when I thought na I would like to give us a chance, hindi pa rin pala. I'm such a loser!

Past one o'clock nang makarating ako sa Capitol Commons. That's the time na nakaramdam din ako ng gutom. Medyo confused pa ako kung gusto ko ba magkape ulit or kumain kaya nagpaikot-ikot muna ako sa area.

Nagdecide ako na maglunch na muna. As usual, sa Tipsy Pigs – isa sa favorite ni Martine. Ang laki ko naman kasing tanga, bakit palagi pa ako pumupunta sa lugar na si Martine na naman ang maaalala ko. Pero hindi ko rin naman maiiwasan dahil sa lahat ng food tripping ay kami ang magkasama. Siguro kailangan ko na magresearch ng ibang café or resto na hindi pa namin napupuntahan. Goodluck naman sa akin.

Almost 50% occupied ang place. Sa may gitna ako ipinuwesto ng waitress and hindi naman ako nagreklamo. Nagkataon lang na nakita ako ng kakilala namin na restaurant manager kaya inilipat nya ako sa may window seat, kung saan palagi kami pumupwesto nina Martine at ng tropa. Ang walanghiya, tinanong pa kung nasaan daw si Martine. Peste lang talaga.

Umorder ako ng ribs meal at sinamahan ko ng beer. Gutom ako, masakit ang puso at puson ko kaya mag food trip galore ako. Mabilis naman nai-serve ang order ko and in an hour ay tapos na  akong kumain. Nagbayad ako at lumabas, plano ko sana na umuwi na ng diretso.

Pagdaan ko sa tapat ng Starbucks, may tumawag sa pangalan ko. Dahan-dahan pa akong lumingon just to make sure na hindi ako nagkakamali ng pandinig.

Mga isang metro lang ang layo namin kaya namukhaan ko agad sya. Sya ang babaeng nakaduet ko sa charity event nina Mico. Sya ang babaeng nagpunas ng luha ko. Sya ang babaeng may hawig kay Martine!

Mag-isa lang syang nakaupo sa same spot na pinuwestuhan namin ni Sophie kanina. Hindi ko sure kung may kasama sya.

Nahiya naman ako lumapit, umiral na naman yata ang pagka torpe ko kaya kinawayan ko lang sya.

"Happy New Year!" Sigaw nya.

Napalingon ako at nginitian ko sya. Nakatingin pa rin sya sa akin.

"Happy New Year din sa'yo!" Patuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa sasakyan ko. Bigla naman nag-ring ang phone ko.

+ 01 xxx xxx xxxx

Dali-dali ko sinagot ito.

"Hello?"

"Hello!"

"Who's this?"

"Basterd, this is me!"

"Hello, Basterd!!!"

"Basterd!"

Matagal bago ako nakapagsalita ulit. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Sorry, you got the wrong number." Pagkatapos ay pinindot ko na ang End button.

***
Love my stories? Don't forget to follow and like my Facebook page as well:

https://www.facebook.com/bellavictoria88

MartineWhere stories live. Discover now