CHAPTER 22: Back To The Game ^_______^V

545 10 1
                                    

SUPERMEE's NOTE: 

                       KYAAAAAAAAAA! Thank you for my readers, who really pushed me to continue this story. LoveLove ko kayooooo! :-* Enjoy na lang po. Salamat din sa nagbabasa. After 2months, marami na din akong nabasa. Reason to learn some strategy to make this story more lively and possible. Thanks for those who believed in me.  :""""">

                     Welcome again to world of Benard, Franceska and Brandon. ♥

OOPS, may kasama na pa lang Jeighn. :P

BERNARD's POV

-----------

Everything has changed. From simple Jeighn into elegant one. Lalo siyang gumanda at sumeksi. I mean in the way na nagsusuot na siya ng miniskirts unlike 10 years ago, she used to be in long palda with similar sleeves. 

"Huy Berny!" sabi ni Jeighn

"W-what?" Oye, nagstammer na ako. Malay ko bang kanina niya pa ako tinatawag?

"Sabi ko how's your past life? I mean, simula nung... alam mo na.. nung nagkahiwalay tayo."

NAGKAHIWALAY? Tama ba yung term niya? As far as I can remember, she dumped me. She ditched me. So, anong sinasabi niyang nagkahiwalay? Hmm. ?____?

"What do you mean, nagkahiwalay?" I didn't have a clue, so I asked her na.

"Hahahaha. Nung nagtransfer ka sa ibang school after that..." naputol na yung sinabi niya. Buti naman, hindi pa din siguro ako handang pag usapan ang nakaraan. NO! hindi na ako affected. Hindi lang ako ready pa. Saka, ano ba yun? Andami daming pag uusapan yun pa. >____<

"Ahh, what's your profession now?" pag iiba ko ng usapan. And I saw her reaction. She got it. Ayokong pag usapan ang nakaraan. Period.

"Berny, I need to clear things up to you."

CHADAAA! End up pa din pala don sa usapang yon. Ayoko sabe. Ayoko. #______#

"What? Jeighn, You don't have to--"

"Berny, I love you."

O_O

FRANCESKA's POV

Ang tagal naman nila. Alas dose na wala pa din sila. Kung kumakain man sila, dapat kanina pa tapos yun! Ano na kayang ginawa nung Jeighn na yon kay Bernard? >___< Kaadwa!

"Franceska, iha." tawag sakin ni Madam.

"Ah, tita. Bakit ho gising pa kayo?" tanong ko. 

"Ikaw bakit gising ka pa?" 

Halaaa, ibalik ba naman sakin ang tanong ko? Hndi ba pwedeng sagutin niya muna ako? z___z

"Ahh, ehh. Hindi po ako makatulog eh. Uminom po ako kasi ng kape. Ah! Kayo ho, gusto niyo ho ba ng kape?" 

"Hindi na. Pakihintay na lamang si Bernard ha? Maari ba?" 

"Yun na nga ho yung ginagawa ko." sabay talikod. sabay naalala ko din yung sinabi ko. Narinig ko na lang tumawa si Madam. DEYM naman oh! Bakit ba pag si Madam ang kausap ko napapaamin ako? Geez.

"Hahahaha. Osha, ako'y matutulog na. Goodnight franceska."

(--,) <--- madam

(_ _) <--- ako

*tugtugutugutug* 

Narinig ko na lang na bumukas yung gate. At nakita ko yung kotse ni Bernard na paparating. Grabeng dinner yon ha?! 7hours! Gaano na kaya kalaki ang tiyan nitong mga to? Imbyerna ha? !__!

"Goodevening SIR!" Oo, kelangan ipaglakasan. Para namang malaman niyang andito ako! (naghihintay)

"Bakit gising ka pa? Matulog ka na."

PAYN. Matutulog na. Wala man lamang appreciation? apat na oras akong naghintay dito no! Hello? Apat! Kundi lang kita ANO eh! Tatanungin pa kung bakit ako gising? Malamang di pako tulog. Bobu!

"Ah, Iska." tinawag ako ni Bernard.

"Ano ho iyon Sir?" pag harap ko sakanya para din akong nakakita ng dyosa. Eto yung Jeighn di ba? Bababa! Bakit kasama niya hanggang dito? Aba! Kala ko'y dinner lang? Pitong oras na nga sila magkasama'y bitin pa? Chaka, hindi pala siya dyosa. Ako yun e, mangkukulam siya! TT____TT

"Doon ka muna matulog sa maid's corner. Si Jeighn muna sa guestroom." 

!@#$%^&*(???! OHOY. Ako? Maid's Corner? At sinong papalit sakin? Si Jeighn na ito? Tama ba yon? Makatarungan ba yon? Akin yun ah?! (Hindi sayo yon, nakikitira ka lang din.) Huhuhu, oo nga naman. Ano ba naman ang ipinasok ko dito? Hindi ba't pagkakatulong lang? At pagsese-

"Iska. Move now. Dun ka na muna sa Maid's Corner. May dalawang bakanteng kama don. Pagdikitin mo lang malawak na din yon." 

"Oo na ho SIR!" bago ako umalis, ay binigyan ko muna ng isang matarik na kilay at matalas na tingin ang Jeighn na iyon. Makabawi man lang! At saka ako pumanik ng padabog. Yung as in parang militar na left right left right! >>_____<<

Hindi naman dyahe dito. Air-conditioned din naman ang maid's corner eh. Kaya nahiga na ako at kinuha ang favorite kong unan na lagi kong yakap tuwing gabi. Yun din ang nakakapagpatulog sakin pag di ako dalawin ng antok. Ewan ko ba kung anong meron sa unan na iyon. Pero pag yakap ko iyon, pakiramdam ko nasa heaven ako. 

Teka, nasaan naba iyon? *tingin sa kaliwa, wala.* Tingin sa kanan, wala.* *Tignin sa ilalim ng kama, wala parin.* Hmm,. asan na ba yon?! ?_______? Ay shomay! Oo nga pala, inilagay ko nga pala yung sa may tabi ng kama ko sa guest room. Nakalimutan ko ng kunin ulit. tssk!

Tumayo ako sa pagkakahiga para kunin yung unan ko. Ngunit bago ko man buksan yung pinto, may naririnig na akong may nag uusap na lalaki at babae. Parang si Bernard at si? Oh no!

"Kiss me Bernard."

"Jeighn."

"Please?" Halos magmakaawa na yung Jeighn mahalikan lang siya ni Bernard. Teka, bakit niya ba yun ginagawa?? Biglang nawala na yung boses nila. Binuksan ko na yung pinto sa pagaakalang wala na nga sila, tapos..

.

.

.

.

.

.

O_O

Nakita ko si Bernard hawak sa batok si Jeighn at kanang kamay sa bewang nito. Si Jeighn naman ay nakahawak sa magkabilang balikat nito habang.. habang magkahinang ang kanilang mga labi. Ano ba tong nakikita ko? Totoo ba? Sa pagkabigla ko, nabitawan ko tuloy yung hawak kong flashlight at natigil ang kanilang PAGLALANDIAN, PAGHAHARUTAN AT PAGKIKIRIHAN.

"I-Iska? Anong--"

"A-ay pasensha na ho Sir, kukunin ko lang kasi yung unan ko sa kwarto. D-di bale na ho, b-bukas na lang ho." Saka ko pinulot yung nalaglag na battery ng flashlight at yung mismong flashlight.

"I-Iska. Mali yung--"

"Goodnight ho Sir." Para san ba ang paliwanag? Eh kitang kita ko naman. Saka okay lang yon, bagay nga sila eh. Bagay sila. (Wala kasi silang puso.)

Mabilis akong tumakbo paputang maid's corner. Sinarado at sumandal sa pinto. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sasabog. Biglang naramdaman ko yung pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Aba't kelan pako naging drama queen? Linshak na mga luha to. TT____TT Humiga na lang ako sa kama, naalala ko padin lahat. Ay shomay! Ano ba yan! Mabuti pang matulog na lang at kalimutan ang lahat.. Malay mo, mabura silang dalawa sa mundo. >_____<

---------------------------------------------------------------------------------------------------

ALAM KO PONG SUPPPER TAGAL NG UPDATE KO, PERO SANA NAKABAWI MAN LANG AKO SAINYO. ^____^ Salamat po!

Beauty and the GEEK -- Chapter 31Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon