CHAPTER 4: Mr.ANTIPATIKO

952 28 0
                                    

~FRANCESKA POV~

Parang maganda ang araw ko ngayon ah? Ang araw oh.. Bongga! Tirik! :))

"Nay, alis po muna ako ha?" bitbit ko yung paninda ko.

"Osige anak."

Paalis na ako ng biglang tumawag si Nanay.

"Anak, sana makakita ka ng pera ngayon. May ubo pa rin si bunso eh. Kailangan ng pangpagamot. Ang tatay mo naman walang tra--"

"Ano Nay? Walang trabaho? Eh anu pa nga ho bang bago doon?"

Tumungo na lang si Nanay. Naawa naman ako. :((

"Osya Nay. Alis na po ako. Sana makarami ako ngayon." ayun, nagmano na ako at gumora na.

Sa ngayon palamig lang muna ang ibebenta ko. Wala opa akong puhuna eh. Malay mo naman di ba? Bumenta. 

"SEARCH FOR MR. and MS. Pasay City." 

O_O Nanlaki yung mata ko ng mabasa ko yung nakapaskil sa gate ng school! HAHA! Ayan na! Sinabi ko na nga ba eh! MAGANDA ako at yung araw ko ngayon!

Dali-dali akong tumakbo nang biglang....

.

.

.

.

.

*BUGGGGGSH!*

Yung paninda ko!!! Naku po!

Buti naisalba ko pa yung sago at gulaman at... teka?! Asan yung arnibal?!

"LOOK WHAT YOU'VE DONE!!!" Ansaaabe? Halos mapantig yung pandinig ko sa lakas ng boses nung mama! Pakiramdam ko kasalanan ko. :(

"Pasensya na po. Hindi ko po sinasadya." habang dinadampot ko yung mga disposable na baso at mga plasic.

"Anu yon?! Pasensya? Nakakapagpatuyo at nakakalinis ba ng papel yang pasensya mo?!" Aba! Sumosobra na ito! Pasensya nga di ba?! Nakakainis to ah!

"Pasensya nga di ba?! Malay ko ba dyan?!" Hinigitan ko pa yung lakas ng boses niya! Papatalo ba naman ako?! Kahit sabihin mong malaki at katawan nito at matangkad! Wala akong pake!

"Palibhasa hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!!!"

"Eh hindi ko naman alam na dadaan ka ah?!"

"At ikaw pa ang may ganang magalit?! And, what the hell is this?!" Tapos inamoy niya yung suot niya. . "Ang baho! Galing ba to from somewhere out there?! It's so disgusting!"

Sobra na talaga! PInipilit ata nitong mag transform ako sa pagiging sakura ko! 

**BUGGGGGGGGSH!* Ayon! Binuhusan ko nga! Bwisit siya no! Napaka kung manlait! Di niya alam na yung nilalait niya ay pinaghirapan ko! Nang hiram na nga lang ako ng pera para magkaroon ng puhunan eh! Bwiset!

 "Oh ayan! Malinis na. Kumpleto pa yan ha?! Kanina arnibal, ngayun naman tubig na may sago at gulaman. Panigurado mabenta ka nyan!" Buti nga sakanya! HAHAHA! Natatawa ako sa reaksyon ng mukha niya! Mukha siyang nalugi! :)))))))

"You're crazy!!!" Ano daw? Crazy? As in baliw? HOY! Hindi ako baliw no! Masayahin ako pero hindi ako baliw! NAKO! Umakyat ng ang dugo ko sa ulo!

Susuntukin ko sana siya ih... nang madulas ako!!!!

At alam kong sasaluhin niya ako, pero nadulas din ata siya!

*BOOOOM! * Bagsak kami pareho.

Bakit di ako makapagsalita? Parang may nakaharang sa mga labi ko...

HOMAYGASH! Yung labi niya! 

Nagkatitigan lang kami... hindi ko maigalaw ang katawan ko sa bigat niya. Titig na titig din sakin ang loko. Hindi ko malaman kung anung nasa isip niya.

Bigla siyang tumayo.

Para di ako maging talo, kelangan mang-asar ako!

"Ang sarap ng timpla ko no?" tumawa pa ako sabay takbo! hahaha! Baka mamaya patulan ako nun eh, odi nasira pa ang beauty ko! :)))

Eto ako ngayon, mukha ngang nababaliw na kakaisip kung saan ako makakahanap ng pera! P-E-R-A! San kaba mahahanap?!

"Magnanakaw! Magnanakaw!" narinig ko na lang.

Nakita ko yung bata tumatakbo papunta sa direksyon ko at dala yung bag. 

Bubugbugin ko kaya? Hindi! hmmm.

ALAM KO NA!

"Awwww!" sabi nung bata. Pano'y nadapa! Tinalisod ko eh. Nabitatawan na din yung bag ng ale. At saka ko siya hinawakan sa batok.

"Magsorry ka sa Ale!" mala awtoridad kong utos. :)))) 

"Sorry po. Gusto ko lang po ng pangkain." sabi nung bata.

"Oh eto." Nag abot ng isang libo. ISANG LIBO?! HOMAYGASH! "Sa susunod wag mo ng ulitin ha?"

Tumango naman yung bata. 

"Ah sige po. Mag-ingat po kayo sa susunod." Pagpapa-cute ko.

"Hindi. Eto oh, tanggapin mo." may inaabot siya saking sobre.

"Ay nako, wag na ho. Nakakahiya naman po. At saka po hindi naman po ako nahirapang mahuli yung bata eh."

"Sigurado ka?" PATAY TAYO DYAN! Mukang isang beses lang niya ako aalukin! TANGGAPIN KO NA!

"Amina ho." Medyo nahiya pako! HAHAHA! Kapal muks ni France! :)) "Salamat ho."

Aalis na ko nang tawagin ako nung aleng mayaman..

"iha, anong pangalan mo?"

"Franceska ho. Franceska Morinn Babaan."

"Kung kailangan mo ng trabaho, tawagan mo ako dito. Okaya puntahan mo ako dyan sa address na yan." May inabot siya sakin na isang maliit na papel.

"Salamat ho uli." Umalis na yung aleng mayaman.

MARIETA SY-BRAGANZA. Yun yung pangalan ng aleng mayaman. HMM. Inalok niya ako ng trabaho. Susubukan ko! 

Binuksan ko yung sobre...

O_O five thousand pesos?! HANGLAKI! Matutuwa si Nanay nito! Kung malas ako kanina, swerte naman ako ngayon! YES!!!! THANK YOU LORD! Lalo na kay MARIETA SY-BRAGANZA! :))))))

Beauty and the GEEK -- Chapter 31Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon